PAGKAGALING nila sa puntod ng mga magulang ay sunod na kanilang tinungo ang isang malaking mall sa Manila. Hindi magawang tumanggi ni Serenity sa kapatid na si Winona. Napakakulit nito at mapapagod na lamang siyang tumanggi. Hindi niya naman ito magawang pagalitan at baka sumama ang loob. Sila na nga lamang magkapatid ang magkasama, hindi niya nais na sumama pa ang loob nito sa kaniya. Isa pa ay nang marinig niya ang sinabi ni Winona ay bigla ang excitement na kaniyang naramdaman. Bakit? Hindi niya rin alam. Maybe because she wanted to see the beauty of herself that Count still couldn't see. Nais niyang makita sa harap ng salamin ang diyosa na tinutukoy ni Winona, kung totoong mayroon nga siyang ganoong ganda na itinatago. Matapos kasi ang nangyari noon sa restaurant ay talagang bumagsak a