Episode 39

1310 Words

BUO NA ang desisyon ni Serenity, nais niya nang bawiin ang malaking halaga na ibinayad sa lahat ng pagkakautang ni Count. Nagsisimula na siya sa hakbang ng mga tamang gawin upang ilayo ang loob sa lalaki at hindi lubusang mapamahal dito dahil batid naman na siya lamang din ang masasaktan bandang huli. Habang maaga pa ay kailangan niya nang gumawa ng paraan. “You looked dumbfound. Are you okay?” Napatingin siya kay Winona, na siyang katabi niya ngayon sa backseat. Patungo sila ngayon sa puntod ng kanilang mga magulang. Ngayon lamang sila muling makadadalaw roon nang magkasama pagkaraan ng ilang taon. Paano ay lagi niyang pinaaalis ng bansa ang kapatid para sa kaligtasan nito, subalit hindi iyon maunawaan ni Winona. Isang bagay na napakahirap din namang ipaliwanag dito. Paano niya ipalili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD