NAAKATULALA lamang si Serenity sa asawa. Makailang ulit siyang napalunok ng sariling laway matapos marinig ang sinabi nito. Did he really mean what he just told her? Talaga bang matagal na nitong nakita ang kaniyang kagandahan na ipinangangalandakan sa lalaki upang makuha ang atensyon nito at maipagmalaki siya sa iba? “L-liar,” aniya na hindi pa rin makuhang maniwala sa mga sinabi ng asawa, subalit taliwas doon ang sinasabi ng kaniyang puso. Her heart could not stop believing in every word he will tell her. “I’m serious, Serenity.” Pinakatitigan nito ang kaniyang mga mata. “Walang saysay para magsinungaling ako sa harap mo ngayon. You’re always beautiful to whatever you wanted to wear, pero hindi ko maipagkakailang napakaganda mo ngayon at hindi kita halos makilala.” Mabilis siyang nag