PAGKATAPOS magbihis ay bumaba si Count sa sala. Doon niya na lamang hihintayin ang masungit na babaeng iyon. Pagkarating ay wala pa ang babae kaya naman naisipan niyang magtungo muli sa kusina upang uminom ng tubig at maghanap na rin ng kung anong babaunin sa byahe. Mahilig kasi siyang kumain, at hindi niya matiis ang kaniyang tiyan. Naabutan niyang makalat ang kusina at naroon pa rin ang mga kasambahay. Mula sa isang lamesa at counter top ay puno ng mga naka-pack na pagkain ang mga ito. “What is that? I mean… para saan ang mga ‘yan?” Lumapit pa siya at pinagmasdan ang mga ito. Kanin, pritong manok at gulay ang nasa loob nito. “Ipamimigay po sa charity at sa ilang batang nasa lansangan.” Nasurpresa siya sa sinabi ng kasambahay. Nanatiling abala ang mga ito. “Oh, I see…” Napatango siya.