Episode 4

1026 Words
UPANG ALIWIN ang sarili ay sumama si Count sa ilang kaibigan upang magpunta sa bar. Hindi lamang para uminom kundi mag-table ng mga babae. Kahit papaano ay kailangan niyang aliwin ang sarili dahil kung hindi ay talagang masisiraan na siya ng ulo sa kakaisip sa mga nangyayari sa kaniyang buhay. Tinungga niya ang inumin habang nakaupo sa nga binti niya ang isang sexy na babae. Hinahalikan nito ang kaniyang leeg at panaka-nakang hinahaplos ang umbok niya sa pantalon. Nagngangalit ito tuloy. Mahina siyang napapaungol. Iniusog pa nito ang pag-upo sa kaniyang ubok at marahang gumiling. Sunod nitong pinaulanan ng halik ang kaniyang leeg. Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa ginagawa nito. Nagkusa na lamang umangat ang kaniyang palad upang malayang paglandasin sa magandang katawan nito. Suwerte siya ngayong gabi, dahil napakaganda ng nai-table na babae. Idagdag pang bata-bata pa ito. Mukhang mae-enjoy niya ang gabing ito kasama ang mga kaibigan na mayroon ding ibang kasama na mga babae. Hinalikan siya ng babae sa kaniyang labi at nagpatuloy sa paghaplos sa nakaumbok sa kaniyang pantalon. He groaned. Talagang hindi na siya makapagpigil na galawin ito, ngunit napakaraming tao sa bar. Bahagya siyang lumayo sa babae. “What about we continue this inside a room?” Balak niyang kumuha ng isang VIP room para masolo niya ito. Tumango ang babae at tumayo mula sa pagkakaupo sa kaniyang mga binti. Hindi pa naman siya masiyadong nakakainom at wala pang tama ng alak, ngunit tama ng init ng katawan at pagnanais ay mayroon na. Lalaki pa rin siya at natutukso. Tumayo siya at nagpaalam sa mga kaibigan na kasama. “Enjoy,” wika ng mga ito at tatawa-tawang kumaway. Hindi na siya makapagtimpi. Hinawakan niya sa baywang ang babae at magkasabay silang naglakad. Napahinto sila nang mayroong dalawang lalaki ang humaranf sa kanilang harapan. “What?” he asked confuse. “Count Ashfort, tama ba?” tanong ng isa. Seryoso itong nakatingin sa kaniya. “Yes, at bakit?” “Isa ako sa mga tauhan ni Mr. Lax. Gusto ka niyang makausap patungkol sa malaking pagkakautang mo. Kailangan na namin makuha ang perang hiniram mo kasama ang interest.” Malalim siyang napabuntong hininga. “Puwede bang hindi ngayon? Nasa gitna ako ng pagsasaya.” A man with a blonde hair smirked. “Wala kaming pakialam diyan, ang utang ay dapat na binabayaran. Naiintindihan mo ba?” Naangasan siya sa lalaking kaharap. Ano bang problema nito? Hanggang sa ganitong pagkakataon ba naman ay hahabulin siya ng mga pinagkakautangan? Mukhang hindi pa naman nakakaintindi ang dalawang lalaking ito. He sighed. “Pakisabi kay Mr. Lax na magbabayad ako, bigyan niya lang ako ng kaunting panahon. Hindi pa nakakabawi ang restaurants ko. Baka naman puwede niya akong bigyan ng ilan pang buwan.” “Hindi na namin problema ang problema mo, ang kailangan namin ay ang pera. Magbayad ka na.” Sumimangot siya. “Bingi ka ba? Sinabi kong hindi pa nakakabawi ang restaurants ko, paano ako makakapagbayad?” Mahinang tumawa ang lalaki na halatang nainis sa sinabi niya. “Sinabi nang hindi ko na problema ‘yan, gawan mo ng paraan ang kay Mr. Lax, kung ayaw mong mapaaga ang pakikipagkita mo kay San Pedro.” Napalunok siya ng sariling laway. Lumayo sa kaniya ang kasamang babae at pumwesto sa isang gilid. “Maigi pa kung sasama ka na lang sa ‘min at kay Mr. Lax magpapaliwanag.” The one with black beard smirked. He gulped. Tila ata hindi maganda ang pakiramdam niya sa dalawang ito. “Halika at sumama ka sa ‘min.” Lumapit ang dalawa. “Hihiramin muna namin ang lalaking ‘to,” wika ng isa sa babaeng kasama niya at magkasabay na humawak sa kaniyang balikat ang mga ito. “Kung ako sa ‘yo uunahin kong bayaran si Mr. Lax dahil iba siyang magalit.” “Bitawan n’yo ko—” Napahinto siya nang maramdaman ang kung anong tumutok sa kaniyang tagiliran. Napalunok siyang muli ng sariling laway. Hindi na siya nakapagreklamo pa hanggang sa makalabas sila ng bar. Nakararamdam siya ng matinding takot sa maaring sunod na mangyari sa kaniya ngayong gabi. Tumunog ang telepono ng isang lalaki na nagtutok ng baril sa tagiliran niya, sinagot nito iyon at bumitaw sa pagkakahawak sa kaniyang balikat. “Tumatawag si Mr. Lax—” Itinulak niya ang isa pang lalaki na nananatiling may hawak sa kaniyang balikat. “s**t! Habulin mo!” pabulong na sambit ng isa na may hawak na cell phone. Kailangan nitong sagutin ang tawag ng amo kaya naman ang isa ang kaagad na humabol sa kaniya. Dali-dali siyang tumakbo palayo upang takasan ang mga ito. Kahit anong mangyari ay hindi siya sasama sa mga ito. Dumaan siya sa likuran ng bar kung saan madilim ang paligid. Siguradong pipilitin siya ni Lax na makapagbayad ngayong gabi. Kakaunti na nga lamang ang perang mayroon siya, at kung ibabayad iyon sa lalaki at sa ilan pang pinagkakautangan ay siguradong sa kangkungan siya pupulutin. Napahinto siya sa pagtakbo nang paglabas niya sa iskinita ay huminto sa harapan niya ang isang itim na sasakyan. Nakababa ang bintana nito sa gawing passenger seat at nakita niya ang pamilyar na mukha ng babae. Ito ay ang babaeng nakaitim na nagtungo noon sa restaurant. “Sakay,” wika nito. Kumunot ang kaniyang noo. “At bakit?” “Kung gusto mo pang mabuhay.” Tumingin si Serenity sa likuran niya kung saan papalapit na ang lalaking humahabol sa kaniya. “Sakay,” maawtoridad na wika nito. Napalunok siya ng laway nang makita ang tinitignan nito sa kaniyang likuran. Mabilis siyang tumalima at umikot sa kabilang gawi ng sasakyan. Pagkasakay niya ay pinaharurot ng driver ang sasakyan paalis. Nang makalayo ay saka lamang siya nakahinga nang maluwag. He sighed and leaned his back on the backrest. Bigla siyang napatingin sa babaeng katabi. “T-teka, sino ka nga ulit?” Inalis ni Serenity ang subo-subo na lollypop. Tumingin sa lalaki nang seryoso. “Does it matter?” He frowned. “Of course, sumakay ako sa sasakyan mo without knowing you.” Hindi niya alam kung bakit nagawang magtiwala sa babaeng ito sa kabila ng nadilim na awrang mayroon ito. He gulped.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD