“WHAT?!” Hindi makapaniwala si Count sa laki ng ibinaba ng sales ng kaniyang negosyo. Literal na gumulong ito paibaba. “What's happening?!” tanong niya sa tatlong manager na ngayon ay naka-duty sa main branch ng restaurant na pagmamay-ari niya. Ngayon na lamang siya muli nagawi rito at hindi niya inaasahan ang report na natanggap mula sa mga ito.
“Sir, paunti-unti na pong nauubos ang stocks at walang dumarating na delivery, kaya pinipilit naming pagkasyahin ang mga nariyan. Baka hindi na po ito umabot at tuluyang magsara ang restaurant.” Hindi lamang siya ang apektado sa oras na bumagsak ang sales, kundi na rin ang kaniyang mga empleyado kaya hindi niya rin masisisi ang mga ito sa natanggap na balita ngayon.
Nanakit ang ulo niya sa sunod-sunod na problemang dumarating. “At bakit ngayon n’yo lang sinabi sa ‘kin ang bagay na ito?”
“We’re trying to reach you, Sir, but your phone is out of the line.”
Malalim siyang napabuntong hininga. Pinatay niya nga pala ang kaniyang cell phone dahil sa mga maniningil niyang tawag nang tawag at akala mo naman ay hindi siya magbabayad. Lumalaki na rin ang interest ng mga ito at natatabunan na siya. Kung tutuusin, mababayaran pa niya ang mga ito kung malakas-lakas lang sana ang kita ng kaniyang negosyo, subalit nagsara ang ilang branch dahil hindi mabenta sa puwesto nito at ngayon naman ay wala silang makuhang supplier at tila batid niya na ang dahilan.
“Lahat sila nag-back out kaya wala nang mapagkunan ng stocks para sa restaurant. We tried to find solution but talagang wala nang gustong mag-supply sa ‘tin.”
At alam niya ang dahilan kung bakit, ito ay dahil sa kaniyang pagkakautang. Siguradong ang ilang nakakakilala sa kaniya ay bigla na lamang umusog dahil sa nalaman at ang ilan ay pinag-iinitan na siya. Ano bang problema ng mga ito? Paano siya magbabayad sa pagkakautang niya kung ilulugmok siya ng mga ito nang ganito katindi?
Malalim siyang bumuntong hininga at lumabas ng employee's room. Nagtungo siya sa dining kung saan wala nang gaanong katao-tao at pinagmasdan niya ang menu na halos tinanggal na ang iba nilang produkto na hindi na available. Halos aapat na lamang ang pupwede nilang i-serve sa menu. Kung sa main branch ay nagkakaganito na, paano na lamang kaya sa iba pang sangay nito?
Napahawak siya sa kaniyang ulo nananakit na ito. Lumabas siya ng restaurant upang magpahangin. Paunti-unti ay naglalaho na ang kaniyang mga pinaghirapan. Ngayon niya pinagsisisihan ang pagsusugal na hindi niya na maawat hanggang sa tuluyan siyang nabaon sa utang. Hingit anim na bilyon ang halaga ng kaniyang pagkakautang at hindi niya akalaing aabot iyon sa ganoon. Nalulong siyang talaga sa pagsusugal at hindi na naisip ang kahihinatnan nito. Ngayon siya lubos na nagsisisi. Sana ay hindi iyon ginawa. Sa sugal at pambababae lang naman napupunta ang pera niyang ipinagmamalaki sa ama kung kaya at tinatanggihan niya ang pamana nito na mayroong kapalit na pagpapakasal sa ibang babaeng hindi niya gusto. Negosyo ang pagpapakasal para sa kaniyang ama at hindi siya sang-ayon doon kaya naman ginagawa niya ang lahat upang kumita ng sariling pera, lumago ang kaniyang negosyo ngunit ngayon ay paunti-unting naglalaho. Ano na lamang kaya ang kailangan niyang gawin?
“Fvck! What should I do?” he asked himself and kicked the front tire of his car. Bahagya niya pang nasabunutan ang sarili sa inis. Naguguluhan na siya at hindi alam ang gagawin.
***
MULA sa loob ng sasakyan ay pinagmamasdan ni Serenity ang lalaking kanina pa niya sinusundan. Maluwag ang paligid niya ngayon at wala ang kaniyang mga tauhan. Mag-isa siyang byumahe para sa araw na ito upang palihim na kilalanin ang lalaking kumuha ng kaniyang interest at buong atensyon. Wala naman siyang ibang gagawin ngayong araw na ito kaya naisipang lihim na sundan ang lalaki. Naalala niya ang naging report ni Gino kagabi patungkol dito. Count Ashfort is in a big debt. Tila totoo nga ang bagay na iyon dahil nakikita niya ang kasalukuyang kalagayan ng restaurant kung saan ito nakatayo. Pinaimbistigahan pa niya ito kay Gino at kaagad niyang nakuha ang detalye na kaniyang gustong malaman. Simula sa pangalan nito, edad, hanggang sa puno ng pamilya nito at mga ugat.
She already knew everything about him, because she studied him. Napailing siya. Nakikita niya kung gaano ito kaproblemado ngayon. “How sad you need to lose everything.” Hindi siya maawain ngunit iba ang lalaking ito. She pity him.
Bumaba siya ng sasakyan at inayos ang suot niyang damit. Napakainit ng panahon ngunit may suot siyang leather jacket at wala siyang balak hubarin iyon. Isinuot niya rin sa kaniyang mga mata ang kaniyang sun glass at diretsong tumawid sa kabilang gawi upang tunguhin ang restaurant. She wanted to see what's happening inside.
Napansin siya kaagad ni Count at napakunot ang noo nito. Pamilyar siya rito ngunit hindi sigurado ang lalaki kung saan sila unang nagkita.
Pumasok siya sa loob ng restaurant at pinagmasdan ang buong paligid. Nang lumabas ang dalawang customers ay dadalawa na lamang din ang natira sa loob. She shook her head and picked the best spot for her. Naupo siya sa gawing gilid.
Bumalik si Count sa loob dahil nakuha niya ang atensyon nito. Hindi na hinintay pa ang mga tauhan na asikasuhin siya, at ito na ang lumapit sa kaniya. “Good afternoon, Ma’am, what can we serve you?” Iniabot nito ang menu na kinuha sa kabilang lamesa habang pinagmamasdan siya. Mayroon namang menu sa mesa na inupuan ni Serenity ngunit mas pinili ni Count na gawin iyon upang magkaroon ng pagkakataon na makilatis at mapagmasdan siya nang malapitan. Hanggang ngayon ay iniisip nito kung kakilala ba siya o hindi. O kung minsan na ba silang nagkita ngunit bakit tila wala itong maalala?
“I'm not going to order anything.” Ipinatong niya sa ibabaw ng lamesa ang mga palad at pinagsalikod, saka niya muling inilibot ang mga mata sa paligid. “How come there’s no other customers aside from us?” Tumingin siya sa suot na relo. “It's lunch time.” Sa oras na ito dapat dinudumog ang restaurant.
Tila sampal iyon kay Count. Natahimik ang lalaki. “If you need anything else you can call one of my employees.” He sighed and turned around.
“Count Ashfort...”
He stopped when he heard his whole name.