Episode 5

1119 Words
NANG HUMINTO ang sasakyan ay napatingin si Count sa labas ng bintana. Madilim ang paligid ngunit tanaw niya ang basang paligid dahil sa ulan. Hindi niya napansin na umulan habang nasa byahe sila, paano kasi ay abala siya sa pag-iisip kung paanong tatakasan muli si Lax sa oras na balikan siya nito. Naunang bumaba ang kasama niyang babae matapos pagbuksan ng pintuan ng tauhan, kaagad naman siyang sumunod at inilibot ang mga mata sa paligid nang makababa. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi niya alam kung madilim lang ba talaga dahil gabi na o talagang takot sa ilaw ang mga taong kasama? Wala kasi siyang kahit na anong liwanag na matanaw kahit saan. “Nasaan tayo?” takhang tanong niya. Nakalimutan niya na rin magpababa sa babaeng tumulong sa kaniya, kaya heto at hindi niya alam kung saan siya nito dinala. “My house,” maiksing tugon ng babae. Kumunot ang kaniyang noo at muling inilibot ang paningin sa paligid. Saka niya lang napagtanto na nasa harapan na sila ng isang malaking bahay at nasa loob na ng isang malawak na bakuran. Dali-dali niyang hinabol ang babae. “T-teka, bakit mo ‘ko dinala rito?” Nagtangka siyang hawakan ang braso nito upang pahintuin sa paglalakad ngunit hinarang siya ng tatlo sa mga tauhan nitong nakapalibot. Napalunok na lamang siya ng sariling laway. “Sino ka ba talaga? I don’t even know you pero dinala mo ‘ko rito. Why?” Humarap naman ang babae at magkakasabay na lumayo ang mga tauhan. “Let’s talk inside.” Kaagad din itong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Kinikilabutan siya sa paligid, hindi niya makita ang ganda ng bahay dahil madilim. Saka lamang siya nakakita ng ilaw nang makapasok na sila sa loob, kaya nga lamang ay mukhang nagtitipid pa ang babae dahil dim lights lamang ang bukas. Naupo siya sa sofa na kaniyang nakita. Maigi na lamang at hindi siya masiyadong nakainom kanina, kaya naman naiintindihan niya pa rin ang mga nangyayari sa kaniyang paligid. Naupo sa isang single sofa na kaharap ang babaeng nababalot ng itim. Nagsisimula na siyang kilabutan dito. Sino ba kasi ito at ibang-iba ang dating kumpara sa mga kababaihan na kaniya nang nakasama at nakasiping. “Who are you?” She stared at him. “Once you know, there’s no turning back.” Nakakatakot itong tumingin. Wala nang mas didilim pa sa tila napakalungkot nitong mga mata. Hindi maipaliwanag ni Count ngunit ang mga mata ng dalaga ay madilim at tila nababalot ng kung ano. Kumunot ang kaniyang noo. “Why? Sino ka bang talaga?” Lalong tumindi ang pagnanais niyang makilala ang babae. “Tinulungan mo akong makaalis doon, may utang ako sa ‘yo. But I need to know who are you.” She chuckled. “I am the one and only soon to be your wife.” “What?!” Tila siya nabingi sa sinabi nito. “Sorry, pero nananaginip ka ba? Or you’re not feeling okay. Uuwi na lang ako. Thanks for everything.” Tumayo siya mula sa kinauupuan ngunit sandamakmak na kalalakihan ang humarang sa kaniyang harapan. Napalunok siya ng sariling laway at kinilabutan. Tila ata nasa maling mga kamay siya at mas matindi ito kumpara sa dalawang tauhan ni Mr. Lax kanina. “And what makes you think na makakauwi ka nang basta-basta?” Inilahad ng babae ang palad, inabutan ito ng isang kahon ng sigarilyo at lighter ng isa sa mga tauhan. Itinaktak nito ang kahon, kumuha ng isang sigarilyo at saka sinindihan. “You’re wanted, hindi lang si Lax ang tumutugis sa ‘yo ngayon. Malaki-laki na ang pagkakautang mo. Even me can hunt you with that amount. If I were you, magtatago ako nang tuluyan at magpapakalayo-layo.” He gulped. Alam niya naman ang tungkol sa bagay na iyon ngunit sandal lamang… paanong nalaman iyon ng babaeng ito. Napatingin siya rito nang seryoso. “Tell me who are you. Are you stalking me?” Sa pagkakaalala niya ay nakilala niya lamang ang babaeng ito nang minsan ay magawi sa kaniyang restaurant. “So, you’re really stalking me?” Ngumiti ang babae ngunit kaagad naglaho. Humithit ito sa hawak na sigarilyo. “Nakakaawa ka naman. If you wouldn’t find a way to pay your debt in a short period of time, you will be dead soon,” wika nito habang walang kahit na anong emosyon ang mukha. Nahigit niya ang hininga sa sinabi ng babaeng ito. May punto naman ito. “You’re gonna die with the arms of those bastards.” Ibinaba nito ang hawak na sigarilyo sa ashtray na nasa ibabaw ng center table. “But I can help if you want.” Tila nabuhayan siya ng loob sa narinig. “P-paano naman?” Tumingin siya rito nang seryoso. Handa na siyang tumanggap ng tulong kahit na kanino huwag lamang sa kaniyang ama na masiyadong mataas kaysa sa sikat ng araw. Tutulungan siya nito kung sakali ngunit siguradong pagkatao niya naman ang kapalit. Buong buhay niyang tatanawin ang utang na loob na iyon sa ama kahit makapagbayad pa siya. “I can pay all your debt right at this moment.” Muli nitong inilahad ang palad at awtomatikong iniabot ng tauhan ang isang wireless landline phone. “Just tell me, in just one click you will be free.” Malademonyo itong ngumiti habang pinagmamasdan siya. Nablangko na ang kaniyang isip. Hindi lamang ang dimonyong si Lax ang pinagkakautangan niya, kundi naroon si Finn at ilan pang myembro ng casino. Habang tumatagal ay lumalaki nang lumalaki ang interest nito kaya naman kailangan niya nang makapagbayad sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi ay buhay niya ang magiging kapalit. Marami pa siyang pangarap sa buhay, marami pa siyang babaeng ikakama. Sandali nga? Kasama ba talaga iyon sa pangarap ko? “Kailangan ko ng tulong at handa akong magbayad sa kahit na anong paraan.” Wala na siya sa katinuan, ang gusto lamang ay makapagbayad sa pagkakautang. At tatanggapin niya ang kahit na kaninong tulong maliban sa kaniyang ama. Ika nga nila, mas mabuti pang humingi ng tulong sa hindi mo kamag-anak kaysa sa iyong kamag-anak. Ang babae rin naman ang nag-alok ng tulong. Siguradong isa ito sa mga babaeng natukso sa taglay niyang kakisigan, kaya naman pakikinabangan niya na ito. “Sisiguraduhin kong makakapagbayad ako sa ‘yo sa kahit na anong paraan.” Ang kaniyang naging tugon ay siyang naging senyales sa babae upang pihitin ang call button sa hawak na telepono. Mula sa kabilang linya ay naroon ang tauhan nitong si Gino. “Pay all his debt and set him free,” wika nito sa kausap sa telepono habang hindi inalis ang tingin sa kaniya. Pero bakit nakararamdam siya ng matinding kaba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD