Episode 66

1324 Words

NAKIUSAP si Count na tawagin siya sa oras na maayos na ang kalagayan ng asawa. Pinakinggan naman siya ng nurse na tumulong sa kaniya. Maya-maya lamang ay lumabas ito sa isang silid sa hospital kasama ang isang babaeng doctor na sa pakuwari niya ay nasa quarenta na ang edad. Napatayo siya mula sa kinauupuan at hinintay ang mga ito na tuluyang makalapit. “Si Doc. Guevarra po,” pakilala ng nurse sa doctor na kasama nito. “Siya po mag-e-explain sa ‘yo sa kasalukuyang kundisyon ng misis ninyo.” Napatango si Count. Ang nararamdaman ay walang pinagbago, ganoon pa rin. Napakabigat at hindi maipaliwanag. Nilalakasan niya na lamang ang loob para sa asawa. “Good afternoon, Doc. A-ano pong nangyari sa asawa ko?” Hindi na siya makapaghintay na marinig ang sasabihin ng doctor ngunit natatakot siya s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD