MAY HIHIGIT pa ba sa sakit na mawalan ng isang anak? Hindi pa man nakakasama nina Count at Serenity nang tuluyan ang kanilang anak ngunit minahal na nila ito nang sobra. They are all excited to see their kid. Masayang-masaya pa naman silang mag-asawa at napalitan ng matinding pagtangis ang kasiyahang nararamdaman noon. Wala na ang kanilang anak. Mas masakit pa ito sa natamong sugat ni Count. Hindi niya kaya! Naubusan siya nang lakas at tila hindi na kayang gumawa pa ng kahit na anong pagkilos. Naubos na rin ang kanilang mga luha sa pag-iyak. Nanatili siyang magkayakap habang pareho nang malang maiiyak. Wala na ang luha ngunit ang sakit na dulot ng pangyayari ay naroon pa rin sa kanilang dibdib. Labis-labis ito at wala nang puwang sa loob ng kanilang mga puso. Nag-uumapaw na ngunit pareho