NAPALUNOK si Count ng sariling laway nang makarinig ng sunod-sunod na putukan ng baril. Kasalukuyan silang nasa loob ng isang powder room. Iyon ang pinakamalapit na pintuan na kanilang napuntahan upang magtago. “W-what’s happening? There gun shots. Are we safe here?” hindi niya na napigilan pang magtanong ngunit sa mahinang boses lamang. Kahit anong gawin nilang pihit sa mga switch ng ilaw ay walang dumadaloy na kuriyente. Patay ang lahat ng breaker. Ang tanging bagay na nagtatanatili sa kanilang dalawa nang magkasama ay ang magkahawak nilang mga kamay. Ang buong paligid ay talagang napakadilim. Kahit na kakarampot na liwanag ay wala silang makita kaya naman ginamit na ni Count ang flashlight sa dalang cellphone. Sila lang naman ang nasa loob. “Siguradong nakapasok na sa loob ang mga tau