HINDI makapaniwala si Serenity sa narinig. Totoo bang sinabi ni Count na mahal siya nito? At ngayon ang kanilang mga labi ay magkalapat. Sa pagkabigla ay hindi siya kaagad nakatugon. Kinailangan niya ng ilang segundo upang tuluyang pumasok sa kaniyang isip ang mga sinabi nito. Ang mga labi ni Count ang nakapagpabalik sa kaniya mula sa pagkabigla. Kaagad niya iyong tinugunan. “Uhmm...” Mapusok ang halik na kanilang pinagsaluhan. Hanggang sa magbitaw ang kanilang mga labi ay hindi siya makapaniwala. Mataman niyang pinagmasdan ang lalaki. Pakiramdam niya kasi ay panaginip lang iyon. “A-anong sinabi mo?” she asked styttering. Baka kasi nabingi lamang siya. “Did you say, you love me?” Natatawang ngumiti si Count. Inasahan nang magugulat ang asawa nang labis. Tumango. “Yes.” Muling kinuha ang