KAAGAD din namang sinundan ni Count ang asawa. Ngunit hanggang sa makarating sila sa kanilang napiling lamesa ay hindi na sila nag-usap pa. Hindi na kasi nagsalita pa si Serenity at siya rin naman ay wala ng salita pang maisip upang sabihin. Palagi na lamang siyang napipipe. Kailan niya matutunang maging isang lalaki sa harap nito? Hindi naman niya nais na mapagod si Serenity. Ayaw lamang talaga makisama ng kaniyang mga labi. Maya-maya lamang ay nagsimula na ang kasiyahan. Napapansin niyang normal naman ang lahat. Nang may maisip ay humarap siya sa asawa. “Anong pinagkaiba ng underground party na ito sa normal na social gatherings?” sa wakas ay nakaisip siya ng maaring itanong. Ibinaling muli ang tingin sa buong paligid. “I think, everything is normal. Ang mga tao rin naman ay ganoon din.”