HINDI BINITAWAN ni Count ang kamay ni Serenity habang sila ay naglalakad. Kanina niya pa ito nais kausapin patungkol sa mga bagay na nasa isip nito. Habang naglalakad sila ay hindi siya mapakali. Idagdag pa kasing iniisip niya ang kalagayan nila sa loob. Ramdam niya naman kasi ang panganib sa loob lalo na at wala silang dalang kahit na anong armas. “Serenity,” tawag niya rito at marahang pinisil ang palad nito na kaniyang hawak-hawak. “What?” she asked coldly. Ang totoo niyan ay hindi naman talaga galit si Serenity, siguro ay disappointed lamang sa sarili dahil hindi na kinaya pang itago ang totoong nararamdaman. Hindi na natakot pang umamim datapwat ang pride na lamang ang natitirang mayroon ito. “Can we talk later? Please.” “About what?” He gulped. “About everything, may gusto ak