Episode 2

1008 Words
PINAGMASDAN ni Serenity ang sarili sa salamin. Nababalot ang kaniyang katawan ng purong itim niyang kasuotan. Tatlong pulgada ang taas ng kaniyang suot na sapatos at hanggang bukong-bukong niya ang haba nito. She’s wearing an ankle boots with pointed heels, black fitted pants, blazer and her inner shirt that is also black. Nakapatong sa kaniyang buhok ang isang itim na sun glass, maging ang kulay ng labi ay itim dahil sa gamit na lipstick. She loved her style, intimidating and eerie. Ang pagkakaroon ng madilim na pisikal na kaanyuan ay isa sa kinakailangan niyang panatilihin upang manatiling kagalang-galang sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Hindi lamang kasi siya isang babae, kundi isang pinuno. Her name was Maria Serenity Owa. Twenty-nine years old. She’s not your typical girl who wear skirts, wear light makeups and shy. Not even a woman who’s gentle, sweet and warmth, but a woman who possessed the characteristics of a ruthless lady mafia boss. She was feared for her ruthlessness and willingness to take lives to exert her influence and profits. Her past transformed her from an innocent girl to a ruthless one. A cold-hearted mafia boss who never get tired from being alone and was wrapped herself from darkness, she used to wear black in her daily life and that was the reason why she was so called ‘lady in black’. She’s also known as Ms. O or Lady O since she does not want to use her real name that is too feminine. Walang kahit na sino ang nagbabalak na tawagin siya sa kaniyang buong pangalan dahil tiyak na hindi na ito aabutan pa ng buhay. Mayroon naman siyang pagkakataon na ipabago ang kaniyang pangalan subalit hindi niya nais gawin dahil kapangalan siya ng kaniyang yumaong ina. She wanted to remember her forever. Nakarinig siya ng katok mula sa labas ng kaniyang pintuan. “Lady O, nasa ibaba na po si Sir Gino,” wika ng isa sa kaniyang mga kasambahay. “I’m coming,” maiksing tugon niya at tumalikod mula sa salamin. Lumapit siya sa isang wooden cabinet. Binuksan niya ang kahon sa pinakataas nito at kinuha ang isang pistol, pagkatapos ay isinukbit iyon sa kaniyang tagiliran. Lumabas siya ng silid kung saan naghihintay sa kaniya ang dalawa niyang tauhan na sina Ace at Axel. Kambal ito at parehong nagtatrabaho sa iisang organisasyon na siya ang namumuno. Ala sais pa lamang ng umaga ngunit maaga na siyang aalis, ngayong oras kasi daraong ang cargo ship na naglalaman ng mga ilegal na kagamitan na kaniyang binili mula sa ibang bansa. Pagkatapos ay mayroon siyang lunch meeting sa mga bagong foreign investors ng kumpanyang siya rin mismo ang nagpapatakbo. Ganito siya kaabala sa buhay kaya naman hanggang sa umabot siya sa edad na bente nuebe ay wala pa rin siyang nagiging nobyo. Sa kasalukuyan niyang katayuan sa buhay ay hindi niya na kailangan ng lalaki sa buhay. “Gino,” bati niya sa kaibigan nang makababa. Naabutan niya ito sa sala na mukhang katatapos lamang makipag-usap kung kanino sa hawak nitong cell phone. “Ms. O.” Lumapit ito sa center table at kinuha ang isang brown envelope. “All the documents are inside. The statement from the blackmarket gambling, and from the loansharking,” wika nito na ang tinutukoy ay ang kasalukuyang highest-money-maker ng kanilang grupo. Napangiti si Serenity. “You never disappointed me, Gino.” Inilabas niya ang mga laman ng envelope at isa-isa itong tinignan. Sinigurado niyang hindi peke ang lamang mga dokumento at kumpleto ito. “Thanks,” aniya nang masigurong kumpleto at tunay na mga dokumento ang laman. “Let’s go.” Lumabas sila ng mansion at tinungo ang garahe kung saan nakaparada ang sampung klase ng sasakyan na mayroon siya. Purong sports car ang mga ito at ang ilan ay ginagamit sa mga car show. Ang isa sa kaniyang mga sasakyan ay na-feature noon sa isang magazine dahil sa pagkakabuo nito na kaniyang pinasadya at pinaggastusan nang lubos. Tila siya may bentahan ng mga sasakyan, bukod pa rin ng sasakyan na ginagamit ng kaniyang mga goons. Pinagbuksan siya ng pintuan ni Gino ngunit hindi siya kaagad pumasok sa loob. Bigla siyang may naalala. “What happened to him?” tanong niya sa isang tauhan na inutusan upang iuwi ang lasing na lalaking kumuha ng kaniyang atensyon kagabi. “Maayos namin siyang naiuwi sa tahanan ng mga Ashfort. Ang mga kasambahay ang nag-asikaso sa kaniya upang maipasok sa loob. ‘Yon lamang po, Ms. O.” Diretso ang tindig nito. Tumango siya bago tuluyang pumasok sa sasakyan. Isinara ni Gino ang pintuan at umikot sa kabilang gawi. “You looked really interested to him,” wika ng lalaki at mahinang tumawa pagkasakay nito. “Yes,” tugon niya, “There’s something in him I couldn't understand. This is not the first time I saw him, we’ve met before and he caught me that night.” Nanumbalik sa kaniyang isip ang araw na una niyang nakita ang lalaki. Isa iyong maliit na auction party kung saan ang malaking taong katulad niya ay naimbitahang dumalo para maging sponsor. Tinaggap niya naman iyon upang magkaroon ng mas maraming exposure at koneksyon mapamalaki o malaking tao. Doon niya nakita si Count ngunit masiyado siyang abala nang gabing iyon kaya hindi ito nabigyang pansin. “I want to know him more, and that will be your job, Gino.” Tumango ang lalaki. “Sure thing. I'll work it today.” “Great.” Tumingin siya sa labas ngunit ang isip ay nasa lalaking iyon. Hindi niya talaga maintindihan kung anong meron ito at nakuha ang kaniyang atensyon. Sanay naman na siyang makakita ng matitipuno at may hitsurang lalaki, kahit na ang katabi niyang si Gino ay ganoon ngunit iba talaga ang lalaking iyon at hindi siya mapapakali hanggat hindi nalalaman ang dahilan kung paano nito nakuha ang kaniyang atensyon. She had to see this man again and know him more. Bihira kasi ang pagkakataon kung saan makukuha ng kung sino ang kaniyang pansin o atensyon. Ngayon lamang muli sa hinaba-haba ng panahon. ㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD