Episode I

1058 Words
NILAGOK ni Count ang huling patak ng alak na laman ng kaniyang baso at humirit pa sa bartender na kaharap at pinaglalaruan ang mga bote ng alak na hawak. Umiikot na ang kaniyang paningin dahil sa dami ng nainom ngunit nais pa ring magpatuloy. Mag-isa lamang siya dahil biglaan lamang ang pagpunta niya sa bar na ito. Nagkaroon kasi sila ng pagtatalo ng ama patungkol sa pagiging suwail niya. Ayaw na ayaw niya kasing pinakikialamanan siya sa mga desisyon sa buhay. Ayaw niya rin na pinupuna ang kaniyang ginagawa, lalo na ang kaniyang bisyo. Ayon sa ama ay hindi na siya pamamanahan sa oras na mawala ito. Pinagdiinan naman niya na kahit kailan ay hindi na iyon kailangan dahil malago na ang kaniyang negosyo. Kumikita siya ng sariling pera at talagang magaling sa larangang iyon. Hindi niya kailangan ang pamana ng ama kung hindi nito iyon gustong ibigay sa kaniya. He can live without him. Talagang suwail siya. Mula sa kaniyang likuran ay diretsong pumasok sa bar ang isang babaeng purong itim ang kasuotan. Maging ang labi nito ay natatakpan ng itim na lipstick. Nakasunod dito ang limang lalaking purong itim lamang din ang suot at naglalakihan ang katawan. Kung hindi lamang madalas na nagagawi sa bar ang mga ito ay tiyak na kinabahan na ang nga tao sa loob. They looked dangerous. “Good evening, Ms. O,” bati ng bartender na nasa harapan ni Count sa babaeng lumapit. Napatingin tuloy siya rito. Pinagmasdan niya ang babae. “Cut that stare or you’re dead,” malamig ang boses nito at bahagyang inayos ang suot na leather jacket. Sinadya nitong maipakita ang baril na nakasuksok sa tagiliran nito. Kaagad na nag-iwas ng tingin si Count at napakunot ang noo. Nananaginip ba siya? Siguro ay naparami na ang kaniyang nainom. Namamanhid na rin kasi ang kaniyang katawan. Nagkibit balikat siya at muling tinungga ang inumin. Binigyan ng bartender ang babae ng maiinom kahit na wala naman itong sinabi. Ito ay dahil kabisado na ng tauhan ng bar ang iniinom nito sa tuwing magagawi roon. Madilim ang awra ng babaeng kasalukuyang nasa tabi ni Count. Ang tipo nito ay nakakahawa, iyong hindi ka naman talagang tahimik ngunit kapag katabi mo ito ay nais mo na lamang manahimik. “Who are you?” Kumunot ang noo ni Count. Is she talking to him? Nais niya sanang lingunin ito ngunit hindi pa niya nais mamatay gaya ng sabi nito. Talaga kasing kakaiba ang awra ng babaeng ito. He can feel her darkness and depth. “I'm talking to you, Bastard.” Ininom nito ang inuming ibinigay ng bartender. “Me?” sa wakas ay nasabi niya ngunit nanatili siyang nakatingin sa inumin na ngayon ay pinaglalaruan. “Yes.” “Count Ashfort.” Hindi niya alam kung dapat niya bang sagutin ang tanong nito subalit ginawa niya na lamang. “And you?” “You wouldn't want to know.” Nagkibit balikat siya at hindi na nagsalita pa. Nahihilo na siyang talaga at hindi na makapag-isip nang mabuti. Magmamaneho pa siya pauwi sa kaniyang unit. Sa tuwing nag-aaway sila ng ama ay roon siya tumutuloy. Ngunit ngayon ay wala na siyang balak pang umuwi sa kanilang bahay. Itinungo niya ang ulo sa ibabaw ng counter at nagkusa ang kaniyang mga mata na pumikit. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon ang babae na pagmasdan siya. Naniningkit ang mga mata nito na tila naiirita sa kaniya, ngunit maya-maya ay lumamlam ang tingin. Ibinaba ang baso na hawak at sinadyang iingay ang pagkakalapag upang gisingin siya subalit tuluyan siyang nakatulog at hindi na alam ang susunod na nangyari. Tumayo ang babae at lumabas ng bar. “Alamin n’yo kung sino at saan siya nakatira. Send him home,” maawtoridad na utos nito sa ilang mga tauhan na nakasunod. Pumasok sa loob ng sasakyan at pinagmaneho ito ng tauhan at kaibigan na rin nito na si Gino. Sumunod naman ang isa pang itim na sasakyan na laman ay ang mga bodyguards nito. Habang nasa byahe ay hindi siya maalis sa isip ng babaeng ito. Minsan na silang nagtagpo at muling nagtapo ngayong gabi. “Count Ashfort,” she mouthed his name. “I know him,” wika ng personal driver nito. Napatingin ang babae rito. “Who is he?” “Anak ni Wilson Ashfort, if I am not mistaken he’s the only son. Madalas siyang nagagawi sa Casino Hotel na pagmamay-ari ng mga Savana.” Paminsan-minsan kasi upang magliwaliw si Gino ay bumibisita ito sa ilang casino at doon naglalaro. Nasaktuhan nitong nakalaro noon si Count at nakilala. Ngumiti si Serenity. “Great,” she mouthed. Gino nodded. “Malaki ang pagkakautang niya sa pinsan kong si Finn at sa ilan pang member ng casino.” “What do you mean?” “Limang ulit siyang natalo sa casino noong nakaraang buwan, nanghiram siya ng pera at hanggang ngayon ay hindi pa nakakapagbayad." Kumunot ang noo ni Serenity. “I see,” ito na lamang ang nasambit ng babae. Napaisip ito. ... NAGISING si Count nang nananakit nang matindi ang kaniyang ulo. Pagmulat niya ng mga mata ay nasa kaniyang silid na. Sa kaniyang silid sa loob ng tahanan ng ama. Namilog ang kaniyang mga mata. Paano siyang nakarating dito? Wala siyang maalala. Marahan siyang bumabgon at napahawak sa sintido. “Fvck!” he cussed. Ang huling naalala niya ay nasa loob siya ng isang bar at umiinom. The rest of what happened last night, he cannot remember. Tumunog ang kaniyang cell phone at walang gana niya iyong kinuha. Hindi na tinignan pa ang caller. “Hello.” “Count, how would you like to pay the money you lent me? I need the money now.” Bahagya siyang umubo upang alisin ang bara sa kaniyang lalamunan. Tuluyan siyang nagising at nawala ang pamumungay ng mga mata, ngunit lalo yatang tumindi ang pananakit ng kaniyang ulo. “Send me your bank account, I'll send it.” “Mabuti naman at nagkakaunawaan tayo.” “Yes, I'll hang it up.” Kaagad niyang pinatay ang tawag at malalim na napabuntong hininga. Itinapon niya sa kama ang cell phone ngunit tumalbog ito at nahulog sa sahig. “Fvck!” muling mura at napasabunot sa buhok. “Bwisit na buhay ‘to.” ㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD