NAGTAKA si Serenity nangpigilan siya ni Count na um-order ng kanilang pagkain para sa umagang ito. Himbis na nakakain na sila sa loob ng silid ay inaya siya nitong lumabas at mamili na lamang daw ng lulutuin. Bigla niyang naalala ang background ng lalaki, may-ari nga pala ito ng isang kilalang restaurant noon at graduate ito ng culinary at may mataas na antas. Siguro nga ay loko-loko ito at wala nang ginawang tama ngunit hindi niya maiwasang mamangha dahil kalalaki nitong tao ngunit marunong magluto, samantalang siya ay walang kaalam-alam kahit na pagpiprito ng itlog. She gre up with their maids doing all the house chores. “What are you going to cook?” “My specialty.” Pagkalabas nila ng gusali ay pumara ito ng taxi. Magkatabi silang naupo sa likuran. “What is your specialty?” “Surpri