TITIG NA titig si Serenity sa asawa na naglalakad papalapit. Bakit ba iba ang pakiramdam niya ngayon? Tila siya lumulutang sa hangin dahil sa inaakto nito ngayon? He’s so different today. Maybe because he’s too grateful. Wala na siyang dapat pang alalahanin o itanong sa sarili. “Why took you so long?” Bahagya siyang nainip sa kahihintay rito kahit na sampung minuto pa lamang itong nawawala sa kaniyang paningin. “Nagmuni-muni lang habang pinapaasikaso ko ang mga pagkain natin. Are you hungry?” Naghatak si Count ng upuan at doon naupo kaharap niya. “They will make our orders special, only for us.” “I don’t mind, I know it will taste good as before.” “Why? Nakakain ka na ba rito?” Tumango siya. “Dahil sinusundan kita dati, napapakain ako kahit saang branch ka ng restaurant mo bumisita