PINAGMASDAN ni Serenity ang asawa na ngayon ay nahihimlay sa ibabaw ng kama sa mismong silid nito. His lips were so pale. “Is he okay?” tanong niya sa dalawang kasambahay na nag-aasikaso sa lalaki. Hindi niya maialis sa dibdib ang matinding pag-aalala kahit na batid niyang balewala lamang siya rito. “Medyo mainit po siya, Lady O. Baka po dahil nababad sa ulan.” Malalim siyang bumuntong hininga at tumango. Ngalakad pa siya papalapit sa higaan nito habang magkaekis ang braso sa dibdib. Nakaligtaan niya ang oras na nakatayo lamang ito sa labas habang malakas ang ulan at malamig ang hangin. Ang akala niya ay umuwi na ito dahil sa pagkakakilala niya sa lalaki, matagal na nitong gustong tumakas mula sa kaniya. Mayroon na itong pagkakataon kanina ngunit hindi ginawa. Siguro ay dahil sa takot