HINDI malaman ni Count kung ano ang gagawin. Hinabol niya ang asawa hanggang sa tuluyang makaalis ang sasakyan nito. Napahilamos siya ng palad sa mukha at bagsak ang mga balikat na bumalik sa loob ng restaurant kung saan naghihintay sa kaniya ang mga kaibigan. He was devastated. Umalis ito nang masama ang loob sa kaniya at nakita niya kung gaano ito kagalit. Mayroon siyang pagkakamali at batid niya iyon. “She seems special, sino ba ‘yon?” tanong ng isa sa mga kaibigan ngunit hindi niya iyon pinansin. Mas inuna niyang isipin kung ano na lamang ang nararamdaman ng babae pagkatapos ng mga nangyari. He saw her awful eyes. That was the first time her eyes went like that. Mula sa itim na itim na mga mata nito at walang kahit na anong emosyon, kanina ay nakitaan niya ito ng magkahalong emosyo