MABILIS na lumilipas ang araw. Papalapit nang papalapit ang duwelo na kanilang napagkasunduan ni Gino. Aaminin ni Count na bahagya siyang kinakabahan, subalit balewala iyon dahil batid sa sarili na pinaghahandaan niya nang lubos ang magaganap. Pinagtutuunan niya ito nang kaniyang buong atensyon. Pawis na pawis siyang lumabas sa gym. Napangiti siya nang abutan ng bimpo ng asawa. “Thanks,” aniya nang ngiting-ngiti pa rin. Natutuwa siyang maayos na ang pakiramdam nito, hindi tulad noong nakaraan. Siguro ay dala lamang ng pagbubuntis, kung minsan ay tila wala itong lakas at tamad na tamad sa buong araw. Inaya niya ang asawa na maupo sa isang bench. “Sa tingin mo ba nagkaroon ako ng improvement?” Tumango ito. “Yes, so much improvement.” He smiled. Masaya ang kaniyang puso sa narinig. “I’m ex