INABALA ni Count ang sarili sa matinding pagsasanay. Doon niya itinuon ang kaniyang buong atensyon subalit hindi hinayaang mawalan ng oras para sa kaniyang mag-ina. Hinawakan niya ang palad ng asawa na ngayon ay nakahiga sa kama. Kanina pa ito dumadaing na masama ang pakiramdam. Nag-aalala na tuloy siya. “Gusto mo bang tumawag na ako ng doctor?” “No,” tanggi nito, “I’m okay. I think I only need some rest.” “Are you sure?” She gently nodded eyes were shut. “Kung magsasanay ka sa headquarters today ay ayos lang. Magpapahinga lang ako rito sa kuwarto. Maaga ka na lang umuwi.” Si Count naman ay umiling datapwat hindi nakikita ng asawa dahil ito ay nakapikit at nagpapahinga. “Nope, I will stay here beside you.” Doon lamang nagmulat ng mga mata si Serenity nang marinig ang kaniyang sin