PAGBANGON ni Serenity sa kama ay kaagad hinanap ang asawa sa kaniyang tabi. Wala ito sa ibabaw ng kama o kahit na sa buong silid. Kumunot ang kaniyang noo, tumingin sa maliit na orasang nasa ibabaw ng bedside table. Alas sieta pa lamang ng umaga. Ipinusod niya ang buhok sa likuran at lumabas ng silid. Sa pakuwari niya ay nasa kusina nanaman ito at tila nagluluto ng almusal, kaya naman agad siyang nagtungo roon subalit bigo na makita si Count doon. “Good morning, Lady O, ipaghahanda ko na po ba kayo?” Umiling siya sa naging tanong ng kasambahay. Nasanay na ang mga ito na tanungin muna siya ng dapat ihain dahil naging maselan siya sa pagkain simula nang magbuntis. Madalas din kasi na si Count ang nagluluto ng kaniyang agahan. “Nakita ninyo ba si Count?” “Nasa hardin po.” Kaagad siyan