BANAYAD na dumadampi ang mga labi ni Count sa maputi at makinis na balikat ng kaniyang asawa. Ang mga halik na iyon ay puno ng pagnanais at pag-ibig para sa babae. Huli man niyang naamin dito ang totoong nararamdaman ay gumaan naman ang kaniyang pakiramdam. Masiyado kasi siyang naging tiwala sa pagmamahal na ibinibigay ng babae. Hindi naisip na maari itong umalis, mapagod o mawala sa kaniyang tabi. Napagtanto lamang kanina matapos ang magulong mga kaganapan. Laking pasasalamat niya at walang nangyaring masama sa kanila. Mayroon pang magandang nangyari, dahil sa wakas ay nagkaroon na rin siya ng tigas sa dibdib upang magsalita. Nalagpasan niya ang kaba. Huminto siya sa paghalik, humarap sa salamin at pinagmasdan ito. Isang magandang larawan ang kaniyang natanaw. Isang magandang babaeng ma