HANGGANG sa byahe ay nanlalamig si Count sa mga nangyari. Hindi naman siya duwag o kung ano pa man na maari siyang tawagin, dahil kahit sino naman sa kaniyang posisyon ay maninindig ang balahibo sa takot at kaba. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na halos mawalan siya ng hininga dahil sa mga nangyayari. Pakiramdam niya ay naipit siya sa gyera at parehong ayaw magpatalo ng dalawang kampo. Ganoon pa lamang iyon, wala pang nagaganap na palitan ng bala. Paano pa kaya kung maranasan niya iyon? Anong gagawin niya? Nang bumaba ng sasakyan ang babae ay saka niya lamang napansin na nakahinto na ang sasakyan sa ikalawa nilang destinasyon. Kung saan ito ay hindi niya alam. Kaagad din siyang bumaba upang sundan ito. “Where are we?” Bahagyang naningkit ang kaniyang mga mata dahil sa sikat ng araw. P