Episode 6

1326 Words
TUWANG-TUWA si Count nang sinubukan niyang tawagan ang lahat ng pinagkakautangan at sabihin ng mga ito na bayad na siya at hindi na muling guguluhin pa. Langit-langit ang kaniyang tuwa at hindi siya makapaniwalang ang babaeng iyon lang pala ang makasasagot sa kaniyang malaking problema. Kung sana ay dumating ito sa kaniyang buhay nang mas maaga, hindi sana siya kamuntik nang harassin ni Mr. Lax. Halos magtatalon siya sa ibabaw ng kama. “Yes! Yes!” He really cannot believe he’s finally free from his debt. Kailangan niyang i-celebrate ito, kaya naman naisip niyang lumabas ngayong araw at tuluyan nang umalis sa bahay ng babaeng nakaitim na iyon. Bumaba siya sa kama at kasabay nito ay ang pagbukas ng pintuan ng silid na kaniyang tinutuluyan, mag-iisang araw na siya rito ngunit naiinip na siya sa boring na bahay na iyon. Wala man lang siyang matinong makausap dahil tila pipe ang lahat ng tauhan. “Hi,” masayang bati niya sa babae nang ito ang bumungad sa pintuan at siyang nagbukas nito. Gaya ng dati ay walang emosyon ang dalaga. Blangko ang madilim nitong mukha. “Prepare yourself today,” wika nito. Kumunot ang kaniyang noo. “Bakit? May napag-usapan ba tayo ngayong araw?” Lumapit siya sa bedside table at kinuha ang kaniyang maruruming damit. Maigi na lamang at binigyan siya ng susuotin ng babaeng ito kagabi, bago pa ang mga iyon. “Siya nga pala, salamat. Baka pupwedeng palabhan na rin ito sa mga tauhan mo, babalikan ko na lang kapag ibibigay ko na ang paunang bayad ko sa ‘yo.” Inihagis niya iyon subalit hindi sinalo ng babae. Nahulog lamang ito sa sahig. “And where do you plan to go, Ashfort?” Hawak-hawak pa rin nito ang seradora ng pintuan habang titig na titig sa kaniya. Tila pinanganak na ito na hindi biniyayaan ng kahit na anong emosyon sa buhay. “Uuwi na ako,” balewala niyang tugon at pinulot sa ibabaw ng kama ang kaniyang relo saka iyon sinuot. “Don’t worry, hindi naman ako tatakas. Alam mo naman na ang lahat tungkol sa ‘kin gaya ng sabi mo. So, alam mo na kung saan ako hahanapin.” He faced her and gave her a genuine smile. “I’m really thankful that I met you, hindi ko akalaing sa lahat ng taong makikilala ko ay ikaw pa ang makakatulong sa ‘kin.” Naglakad siya palapit dito at tinapik ang balikat ng babae. “Babalik ako para bayaran ka, pero hindi ko kakayanin iyon nang buo.” Naglakad siya paalis at sisipol-sipol pa. Talagang maganda ang araw niya ngayon at maganda rin ang kaniyang gising. Wala na siyang iba pang iisipin kundi ang muling palaguin na lamang ang negosyo. Balak niyang bayaran ang babaeng tumulong sa kaniya sa susunod na buwan kapag nakabawi na ang kaniyang pinagkakakitaan. Hindi niya akalaing magagamit niya ang kagandahang lalaki niya sa paglutas ng kaniyang problema. Kita mo at mayroong isang babae siyang nabihag at handang ibigay sa kaniya ang lahat, kahit na ang bayaran ang napakalaki niyang utang. She freed him from his debt. Malaki ang utang na loob niya rito, ngunit wala siyang balak pumatol sa katulad nito. She’s not his type of girl. Napangisi si Serenity. Hindi makapaniwala sa lakas ng loob na mayroon ang lalaking kaharap. Marahan nitong isinara ang pintuan ng silid at humarap kay Count na naglalakad na paalis. “Count Ashfort,” tawag nito sa kaniya. Napahinto naman siya. “Huh?” Humarap dito. “Bakit?” Marahang naglakad ang babae palapit sa kaniya. Seryoso lamang ang mukha nito at titig na titig sa kaniya. Hanggang sa tuluyan itong makalapit ay hindi ito huminto sa paglalakad, kaya naman napahakbang si Count pausog. He gulped. “W-what?” Nagpatuloy siya sa paghakbang palikod, at ganoon din ito hanggang sa maramdaman niyang lumapat ang kaniyang likuran sa pader sa mismong corridor kung nasaan sila. Muli siyang napalunok ng sariling laway, lalong-lalo na nang ilapit ng babae ang mukha nito sa kaniya. Umurong ang kaniyang dila at hindi na muling nakapagtanong pa. Serenity remained staring at him, eyes were glued to his browned eyes. Inilapit nito ang mga labi sa kaniyang tainga at bumulong, “I owned you now, and don’t forget that.” Namilog ang kaniyang mga mata kasabay ng pagkunot ng kaniyang noo. “W-what?!” nauutal pa niyang tanong. Malinaw niya iyong narinig ngunit hindi niya maintindihan ang sinabi nito. Humina na ba siya sa Ingles? O talagang hindi niya makuha kung ano ang ibig nitong iparating sa kaniya. He frowned. The woman smirked at him. She leaned closer to him. “You’re mine.” Napakurap-kurap siya. Sinikap niyang lumayo rito at nagtagumpay siya. He sighed so deep and distanced himself. “Anong sinasabi mo? Hindi ko naiintindihan. I know you paid all my debts but it does not mean you owned me now—” “It is, Ashfort,” maiksi nitong tugon, “And you are not allowed to refuse everything what I said.” Halatang-halata ang pagiging maowtotidad nito sa pananalita pa lamang, lalong-lalo na sa tindig nito at kakaibang awra. She’s a woman, but definitely an eerie one. Napatingin siya sa mga mata nitong itim na itim. Gumapang sa kaniyang katawan ang kilabot na hindi niya alam kung para saan, o saan iyon nanggagaling. This woman, who is she?! At ano ang sinasabi nito? “W-wait, I can’t—” “You are forced to marry me.” Nanlaki ang kaniyang mga mata at halos malaglag ang kaniyang panga sa sinabi nito. Natigilan siya sa kinatatayuan at hindi malaman kung ano ang dapat na sunod na gawin. He felt like his body was stunned and there is no way for him to move it any. “We will get married today.” Tinignan nito ang bagong linis na kuko at mayroong kulay itim na nail polish. She looked at him again. “So, get prepared and we will leave at ten.” Naglakad ito paalis at nilampasan siya sa corridor. Hanggang sa makaalis ito ay hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan. Tila binuhusan si Count ng malamig na tubig nang maintindihan ang mga nangyayari. Binayaran nito ang lahat ng kaniyang pagkakautang ngunit ang kapalit pala nito ay isang kasal? Iyon ang nais nitong iparating sa kaniya kanina pa at hindi siya makapaniwala. Damn! What’s happening?! Nanlambot ang kaniyang mga tuhod at napaupo siya sa sahig. Isinandal niya ang likuran sa pader at napasabunot sa kaniyang buhok. “Fvck! Nakaligtas nga ako sa mga taong gusto na akong patayin dahil sa pagkakautang pero ikakasal naman ako sa babaeng hindi ko kilala at mukhang may matinding tama sa ulo. Argh!!” Gigil na gigil niyang sinabunutan ang sarili. “Fvck! Fvck! Stupid!” Pinanghinaan siya ng loob. Ilang taon na siya ngunit ngunit hindi niya binalak na magpakasal, hindi, at hindi sa babaeng katulad ng babaeng iyon na mukhang walang ibang alam na gawin kundi ang magtago sa itim na mga gamit o kasuotan. Nangilabot siya. Idagdag pang napaka-weirdo nito at nakatatakot dahil sa napakaraming tauhan na mukhang hindi magdadalawang isip na bumunot ng baril sa oras na mag-utos ang amo. “What should I do now?” Tila siya isang baliw na kinakausap ang sarili. Ano ba naman kasi itong pinasok niya. Masiyado siyang nagpadalos-dalos. Hindi siya pupwedeng maupo lamang dito. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Dali-dali siyang tumakbo paalis, ngunit nang makarating siya sa gawing hagdan paibaba ay naabutan niya ang mga lalaking nakaitim. Nasa sala ang mga ito at kung dadaan din siya sa main entrance ay tiyak na hindi na siya aabutan ng buhay. Nagtatakbo siyang muli pabalik sa kaniyang silid at lumabas sa balkunahe. Malalim ang kaniyang naging buntong hininga nang makitang maging sa ibaba ng kaniyang silid ay mayroong mga nagbabantay. Seryoso, ilang tauhan ba ang mayroon ang babaeng iyon at bakit tila at hindi nauubos ang mga ito? Kahit saan siya tumingin ay mayroon ito. “Fvck this life!!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD