SUNOD-SUNOD na bala ang pinakawalan ni Count sa kaniyang target. Ang alingawngaw ng mga ito ay hindi niya marinig dahil sa suot na shooting earmuffs. Napangiti siya nang sa tingin niya ay sa gitna lahat tumama ang bala na pinakawalan sa hawak na revolver. Hinubad niya ang suot na protector sa mata at ganoon din ang sa kaniyang tainga saka tinanaw ang kaniyang target. “Nice!” Nais niyang magtatalon sa tuwa dahil nagawa niyang tamaan ang gitnang bahagi ng target sa magkakasunod na bala. Malaki na talaga ang kaniyang nagiging improvement o talaga lamang nagpapakitang gilas siya sa asawa na palaging nanonood mula sa kabilang bahagi ng glass wall kung nasaan silang dalawa. Lumabas ito roon at lumapit sa kaniya. “That’s great. You improved a lot, maybe this is the right time for more training.