PINAGMASDAN ni Count ang asawa habang nahihimbing ito. Sa ikatlong pagkakataon ay nakita niyang muli ang walang hanggang kagandahan nito. Kanina pa siya titig na titig dito ngunit hindi niya makuhang magsawa. Datapwat nananatili itong may makeup ay hindi iyon naging handlang upang mas hangaan niya ang babae sa taglay nitong kagandahan. Hinaplos niya ng palad ang pisngi nito at marahang dinampian ng halik sa noo. Wala siyang ideya kung bakit iyon ginawa, ngunit iyon ang sinasabi ng puso. Nais itong halikan at pakahangaan ang taglay na kagandahan. “You’re not going to rest?” tanong ng babae habang nananatiling nakapikit ang mga mata. Nagtataka ito kung hindi ba siya napagod sa kanilang ginawa kanina. Hindi lamang kasi isang beses nila iyong ginawa kundi maraming ulit, magpapahinga lamang n