GUMAAN ANG LOOB ni Count sa yakap na natanggap niya mula sa asawa. Kaagad niya itong niyakap pabalik. Hindi siya maaring sumuko nang ganoon-ganoon lamang, dahil batid na totoong laban sa buhay ang kailangan niyang harapin kasama ito. Nilakasan niya pa ang kaniyang loob at pumayag sa patuloy na pagsasanay kasama si Serenity. Ito ang kaniyang naging trainer, at talagang namamangha siya sa galing nito. Hindi lamang sa paghawak ng baril, kundi na rin sa bawat akyson at mabilis na pagkilos nito. Makikita mong bihasang-bihasa ang babae. Doon niya natuklasan na ilang taon itong nag-aral ng ganoon hanggang sa tuluyang naging bihasa, at ang masamang kahapon ang nagtulak dito upang mas matuto. Hindi nga lamang nito direktang ikinuwento sa kaniya ang masamang kahapon na iyon, ngunit dahil doon ay mas