LUMAPIT si Count kay Serenity nang malapad ang kaniyang pagkakangiti. “I did it! Did you see that?” masayang-masaya niyang wika sa asawa at mabilis itong niyakap. Tila siya isang bata na nanalo sa isang patimpalak. Siguro ay dahil batid niyang pinaghirapan ang pagsasanay kaya naman ngayong nakita ang bunga ay hindi niya mapigilan ang maging masaya nang sobra. “Yes, I’m so proud of you, Count.” Tinapik ni Serenity ang kaniyang likuran upang pagbitawin siya sa mahigpit na yakap. Paano ay napakarami nilang kasama sa loob ng triangle. Nang bumitaw siya ay nakita niyang nakangiti ito. “I did it, hindi ako makapaniwala.” Hindi niya akalaing magagawa iyon. Masaya siyang hindi nabigo ang asawa sa tiwalang ibinigay nito sa kaniya. “Thanks.” Hinawakan niya ang palad nito. Siguro naman ay hindi n