NAGLALAKAD na pauwi sina Count at Serenity mula sa kanilang naturang pamamasyal kanina lamang. Pareho nilang na-enjoy ang araw na iyon. Maituturi nilang ikalawang date ang araw na ito, na talagang hinding-hindi nila kalilimutan. Magkahawak ang kanilang mga kamay sa paglalakad habang pabalik sa sasakyan. Bahagya nang sumapit ang dilim sa gabing iyon at busong na busog na sila sa huling kinain. Kaya naman hindi na sila maghahapunan pag-uwi. “How’s your day?” nag-ungat si Count ng kanilang mapag-uusapan, “Nag-enjoy ka ba?” Mabilis na tumango naman si Serenity. “Yes, super. But it’s a bit tiry.” “Pasensiya na, bawal ka pa naman mapagod.” “At sino ang nagsabi?” Natawa siya. “Ako.” Nakakalimutan kasi yata ng asawa na buntis ito at hindi pa nakakapagpa-checkup ulit kaya naman siya ang nag