ANGELA’S POV
Tinitigan ko ang mga mata ni Shasha at nakikita ko ang kakaibang takot mula ro’n. Kaya naman napag-disisyunan naming i-report na ang nangyayare. Sinisigurado ko rin naman na walang ibang masamang mangyayare pa sa kanya.
“Ahh... Guys, aalis muna kami ni Shasha,” paalam ko.
“Saan punta? Kakahimatay mo lang kanina?” Maarteng sabi ni Jinx.
“Samahan na kita.” Prisinta ni Louie.
Tumingin sila Daryl, Jepoy, Jinx, Janne, Hazel, at Rea sa ‘min. Hindi ko alam kung anong mga nasa isip nila pero hindi ko gusto kung ano man ‘yon. Tumingin ako kay Shasha at saka sya ngumiti sa ‘kin.
“H-hindi na, Louie, ano... Kaya ko na,” sabi ko saka inaya si Shasha.
Hindi pa kami nakakalayo sa kanila ay bigla naman nyang hinawakan ang kamay ko na syang ikinagulat ko. Hindi ko ‘yon inaasahan.
“Sows! Isama mo na bakla baka magmumukmuk lang sa amin ‘yan,” sabi ni Jinx.
“Oo nga, tignan mo naman mukha ni Louie, nagmamakaawa na.” Natatawang sabi naman ni Rea.
“Sige na, para safe,” sabi naman ni Jepoy.
Bumuntong hininga ako at saka nalang tumango. Pumunta kami sa police station at saka nagsabi ng statement si Shasha tungkol sa kanyang step dad. Ang lahat ng nangyare pati na rin ang pagkamatay ng kapatid nyang si Chichi. Tuloy ay hindi ko maiwasan ang hindi maawa sa kanya.
Pumunta kami sa bahay ni Shasha at saka namin nakita ang ama nya na may iniinom na alak. “T-teka... Ano ‘to?” takang tanong nito nang dumating ang mga pulis.
“Ito na ang tamang panahon para pagbayaran ang lahat ng kasalanan mo!” Galit na sabi ni Shasha.
Nakikita ko ang kakaibang takot ni Shasha mula sa lalakeng kinakasama ng kanyang ina. Nakita ko mula sa may pinto ng bahay si Chichi at may kung anong tinuturo. Sinundan ko iyon at narinig ko pa ang tawag ni Louie at Shasha sa akin pero hindi ko ‘yon nilingon. Pumasok ako sa loob ng bahay nila saka ko sinundan si Chichi. Mula sa may k’warto, tinuro nya ang dingding.
“D’yan ako nakalibing, Angela,” sabi nito at saka ako tumingin doon.
Naghanap ako ng bagay na maari kong ipang sira sa dingding na ‘yon at nakita ko si Louie at Shasha na nandito na rin.
“Anong hinahanap mo?” takang tanong ni Shasha.
“Martilyo, o kaya ay kahit anong bagay na matigas at maaring makasira sa dingding,” sabi ko habang naghahanap.
“A-ano?”
Kakahagilap ko ay nakita ko ang isang pang bungkal ng lupa. Bakal ito na medyo mabigat. Kinuha sa ‘kin ‘yon ni Louie at saka nya tinanong kung anong sisirain. Agad ko rin tinuro ang k’warto at saka ko pinasira ang dingding. Nang masira ito’y umalingasaw ang nakakasulasok na amoy at napatakip kami ng mga ilong namin. Napatingin ako kay Shasha na noon ay hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Ang ulo ng kapatid na halos hindi na rin makilala.
“Shasha! Ano bang---” hindi na naituloy pa ng mommy nya ang sasabihin ng makita ang ulo sa may dingding.
Napatingin sya kay Shasha at napatakip ng bibig. “M-mommy...”
“S-si C-chichi,” hindi makapaniwalang usal nya at tuluyan nang napaupo.
Agad ko syang nilapitan at do’n na ito nagwawala. Namutawi ang iyakan at naririnig ko ang kakaibang tinig na hindi ko maintindihan. Mula sa ilalim ng kama ay nakita ko ang pares ng mapupulang mga mata. Napapikit ako ng mariin at napahawak sa ulo ko. Hindi ko alam ano ‘to at bakit ganito.
“Angela!” tawag sa ‘kin ni Louie pero para akong nabibingi.
Hinawakan nya ang kamay ko saka nya sinalo ang ulo ko. Para akong kinakapos ng hininga at hindi ko alam ang nangyayare. Unti-unting naipikit ko ang mga mata ko at nang imulat ko ito’y tila nahinto ang oras. Hindi gumagalaw ang mga tao sa paligid at mula sa madilim na bahagi ng k’warto ay lumabas ang isang nilalang.
----------
Tumayo ako at saka lumabas ang kakaibang pakpak mula sa likuran ko. Saka ako tumingin sa gawi ni Chichi na no’n ay umiiyak at hawak nito.
“Ate, tulungan mo ‘ko,” sabi nito sa ‘kin.
Inilabas ko ang espada ko sa kanang braso at saka ko ito itinapat sa kanya. Binukad ko ang pakpak ko saka nag-umpisa ang laban sa pagitan naming dalawa. Ang ganitong kakaibang bilis at liksi’y hindi ko alintana pero ang tanging focus ko’y tapusin ang nilalang na ‘to at kunin mula sa kamay nya ang bata. Mula sa may pinto ng ay may pumasok pa na isang anghel at lalake itong may magandang pangangatawan.
Lumipad ako paitaas at sumunod sa akin ang halimaw. Nang aatakihin ako nito’y agad kong tinapat ang espada ko. Napainda ito sa sakit at saka ko pinalitan ito ng latigo. Kulay puting latigo. Saka ko ito hinampas sa kanya ng pa-cross at sa isang iglap ay nawala na sya. Biglang nagliwanag ang buong paligid at saka lumapit sa ‘kin si Chichi.
“Alam kong hindi ka lang basta tao, isa ka ring anghel na pinapangalagaan ang mga katulad ko upang makaakyat sa langit. Maraming salamat, Ate,” sabi nito at saka sya unti-unting nawala sa liwanag.
Tumingin ako sa lalakeng dumating kanina at nilapitan ako nito. “Sa lahat ng anghel ay ikaw parin ang pinaka magaling,” sabi nito sa ‘kin.
Hindi ako nagsalita at saka ako lumipad paitaas. Nang magawa ko ‘yon ay ipinikit ko ang mga mata ko. Naramdaman ko ang kakaibang bigat na hindi ko maintidihan hanggang sa nakaramdam na ako ng antok.
----------
Nagising ako sa isang k’warto at nang makita ko ang mukha ni Shasha ay saka nya ako niyakap. Teka? Bakit ako nandito? Takang tanong ko sa sarili ko.
“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Louie sa ‘kin.
Bumangon ako at inalalayan naman ako ni Shasha. Naro’n ang mommy ni Shasha na may dalang baso ng tubig at gamot. Mugto ang mga mata nito pero ngumiti sya sa ‘kin.
“Inumin mo ‘to,” sabi nya at saka inabot sa ‘kin ang gamot at tubig.
“Salamat po,” sabi ko nang mainom ‘yon.
“Ang sabi ng doctor kanina ay na-shock ka daw kaya ka nahimatay,” sabi naman ni Shasha.
Napahawak ako sa ulo. “G-gano’n po ba?”
Hinawakan ng mommy ni Shasha ang kamay ko at napatingin ako sa kanya. “Maraming salamat sa tulong mo,” sinseryong sabi nito.
“N-nako... W-wala po ‘yon,” nahihiyang sabi ko naman.
“Kung hindi dahil sa ‘yo ay hindi ko rin mahahanap ang kapatid ko kung sa’n nya nilibing,” sabi naman ni Shasha.
“Ang mahalaga ay wala nang taong mananakit sa iyo,” sabi ko naman saka hinawakan ang kamay nya.
Tumingin ako sa labas at gabi na rin pala. Mukhang naging maayos naman na ang lahat iyon nga lang ay parang napagod ako kahit hindi naman ako ang nagsira ng dingding kanina. Lalo na’t wala akong maalalang may ginawa akong mabigat.
Napatingin ako sa gilid ng kama at nangunot ang noo ko ng may makita akong feather. Kinuha ko iyon saka ko nilagay sa bulsa ko. Nagpaalam na kami ni Louie na kailangan na naming umuwi at todo pasalamat parin ang mommy ni Shasha sa akin. Habang naglalakad kami ni Louie ay nakatingin ito sa ‘kin. Naiilang ako sa ginagawa nya at hindi ko gusto ‘yon.
“May dumi ba ang mukha ko?” tanong ko na syang ikinangiti nya. “May nakakatawa ba sa tanong ko?” Kunot noong tanong ko.
“Hahaha, wala,” sagot nya.
“E, bakit ka tumatawa? May dumi ba mukha ko?” muli kong tanong.
Umuling sya saka ako napanguso. Hindi talaga minsan matinong kausap si Louie. Hindi ko alam bakit nya ako sinamahan. Nang makarating sa bahay ay nag-thank you ako sa kanya sa paghatid nya sa ‘kin. Nang makapasok ako ay saktong naghahanda na si mama ng hapunan. Kaya naman kumain na muna ako bago ako umakyat ng kwarto.
Matapos ang hapunan ay saka ko naman ginawa ang mga kailangan kong gawin. Nang matapos ako’y alas dose na at buti nalang ay hapon ang pasok ko bukas at isang subject lang ‘yon. Napagpasyahan ko nang matulog saka ako natulog.
Kinabukasan ay ginising ako ni mama at nang imulat ko ang mata ko ay napabangon ako sa higaan.
“S-Shasha?” Gulat na sabi ko.
“Good morning!” bati nito sa ‘kin ng nakangiti.
“A-anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko.
“Wala lang, gusto lang kitang makita,” sabi nito saka tumayo at tinignan ang kabuuhan ng maliit kong kwarto.
Napatingin ako sa sarili ko at saka napahilamos ng mukha ko. Tumayo ako at inayos ang higaan ko at nangunot ang noo kong may feather na naman akong nakita. Kinuha ko ‘yon saka ko nilagay sa kahon at saka tumingin sa kanya.
“Hindi naman tayo magka-grupo sa activity hindi ba?” takang sambit ko.
Umiling sya saka sya umupo sa higaan ko. “Well, wala lang, masama bang nandito ako?” tanong nya.
Napaisip ako. “Hindi naman. Kaso lang kasi...”
“Don’t worry, I just want to be your friend, that’s it.” Nakangiting sabi nya saka lumapit sa ‘kin.
Inayos nya ang buhok ko na para bang ate ko. Saka sya ngumiti at lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga nalang ako at saka naligo at nagbihis. Saka ako bumaba at muntik pa akong malaglag nang makita ko syang nandito pa. Hindi ko alam bakit kailangan nya pang nandito samantalang may pasok kami mamaya.
Bumalik ako sa taas at saka ako napasapo sa dibdib ko. Tinatakot ako ni Shasha sa ginagawa nya at para syang sira ulong hindi ko maintidihan. Huminga ako ng malalim at saka ako ulit bumaba. Tumabi ako sa tabi nya at nagk’wentuhan kami sa nangyare kahapon. Nang mahimatay daw kasi ako para ako kahapon ay grabe daw ang pag-aalala ni Louie sa ‘kin. Sinabi kong normal lang ‘yon dahil kaibigan nya ako.
Nang sumapit ang hapon ay nag-ayos na ako at sabi ni Shasha ay dala nya ang uniform nya. Isasabay na daw nya ako sa kotse para pumasok. Nang makarating sa school ay pinulupot ni Shasha ang braso nya sa ‘kin na para bang ayaw nya akong hiwalayan. Nakasalubong namin sila Daryl at Jepoy na no’n ay palabas ng gate.
“Pumasok ba sila Janne?” tanong ko.
“Kanina pumasok sila. Sabi pala ni Rea punta daw tayo sa bahay nya bukas, birthday nya,” sabi nito saka ako tumango.
“Pwede ba akong sumama sa iyo bukas?” Nakangiting tanong ni Shasha sa ‘kin.
Hindi ko alam akong isasagot ko pero wala naman sigurong masama kung isasama ko sya bukas? Tumango nalang ako sa kanya at saka ako ngumiti. Nang makapasok sa room ay saktong nag-umpisa na ang prof namin na magturo. After ng tatlong oras ay natapos na rin ang klase. Madilim na rin at kinakailangan ko nang umuwi. Habang naglalakad ako palabas ng campus ay may humatak sa ‘kin at agad na tinakpan ang bibig ko.
“Shhh.” Senyas nito sa ‘kin na ikinataka ko.
Tumingin ako sa kung sino ito at nakita ko ang mukha ni Louie. Nang makasigurado sya na wala na ang tao ay saka nya tinanggal ang kamay nya sa bibig ko
“Ano bang ginagawa mo!” Inis na sabi ko saka inayos ang sarili ko.
“E, kasi nakita kitang kasama si Shasha kanina,” sabi naman nya.
“E, ano naman kung kasama ko?”
“Tsk.” Hinawakan nito ang kamay ko saka ako hinila at naglakad papalabas ng campus.
Nakarating kami sa karinderya ni Aling Precy at saka sya nag-order ng makakain. Tumingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo at hindi ko alam kung anong iniisip nya at mas lalong hindi ko mabasa ang mukha nya.
“May problema ba?” nag-aalalang tanong ko.
Tumingin sya sa ‘kin at saka sya ngumiti. “Kung sasabihin kong mero’n matutulungan mo ba ako?” tanong nito sa ‘kin.
“Basta ba kaya ko, e. Ano ba ‘yon?” tanong ko naman.
Nakita ko ang kakaiba sa mga mata nya at tila hindi masabi ang kung anong suliranin nya. Si Louie ang tipo ng taong ngumingiti pero tahimik na tao. Madalas man syang magsalita ay nakikisama naman sya sa ‘min na mga kaibigan nya. Huminga sya ng malalim at saka tumingin sa mga mata ko.
“Para kang natatae na ewan, sabihin mo na kasi!” Inis na sabi ko naman sa kanya.
“K-kasi... Angela.” Napakamot sya ng ulo nya at parang nahihiya. “A-ano---”
Naputol ang sasabihin nya ng biglang may tumawag sa ‘kin. “ANGELA!”
Napasapo ako sa dibdib ko ng makita ko si Shasha na no’n ay kumakaway sa ‘kin. Akala ko ba naman ay nakauwi na ang babaeng ‘to, hindi pa pala. Lumapit sya sa ‘kin at nakangiti saka nya tinignan si Louie. Masama ang tingin nya dito at nakikita ko ang inis sa mga mata nito. Gano’n pa man ay bumaling sya sa ‘kin saka hinawakan ang kamay ko.
“Nandito ka lang pala akala ko umuwi kana.” Nakangusong sabi nya.
Hindi ko alam anong isasagot ko sa kanya. “A-ano... Inaya ako ni Louie na kumain, sabay ka na sa ‘min.” Anyaya ko sa kanya.
“Sure!” agad na sabi nya saka sya nag-order ng pagkain nya.
Si Louie naman ay hindi na kumibo at nag-umpisa nang kumain. Parang nabadtrip sya ng dumating si Shasha at hindi na rin maipinta ang mukha nito. Hindi ko maintindihan.