ANGELA’S POV
Nagising akong maingay ang mga kapatid ko’t naghahabulan sa may labas ng bahay. Inaantok pa ako at para akong pagod sa hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Wala naman akong maalala na may ginawa ako bukod sa naglaba lang naman ako kahapon hindi rin naman gano’n kadami ang labahan kaya imposibleng mapagod ako dahil do’n. Bumangon na ako at nag-unat at napahinto ako ng may makita akong puting balahibo.
“Kailan pa nagkaroon ng balahibo ang kwarto ko?” takang tanong ko sa sarili ko.
Tumayo ako at bumangon saka ko kinuha ang balahibo na ‘yon at nilagay sa notebook ko. Binuksan ko ang bintana at doon ko nakita ang dalawang kapatid ko na naghahabulan. Bumuntong hininga ako at saka ako bumaba at nakita ko si mama na nag-aasikaso ng tanghalian.
“Ano’t tinanghali ka na nagising? Aba senyorita? Hindi ka mayaman para magising ng tanghali,” sermon ni mama nang makababa ako.
“Hindi po ako makatulog kaya tinanghali na ako,” sagot ko.
“Ayan kaka-selpon mo ‘yan.”
“Maaga akong nag-off ng phone kagabi, ma.”
“Nako, Angela. Huwag mo akong pinaglololoko.”
Minsan naiisip ko bakit kaya ganito ang nanay ko? Joke lang. Si mama naman masyadong HB ang aga-aga. Nagmumog muna ako at saka ako umupo para magtimpla ng gatas. Pumasok na sila Milan at Mia at saka umupo sa harapan ng lamesa. Buti nalang talaga at wala akong pasok ngayong araw, pero syempre may pasok ang mga kapatid ko.
After ng almusal ay pinaasikaso ko na sila ng mga sarili nila at pinahanda na para sa pagpasok. Nang mabihisan ko na si Mia at Millan ay saka ko naman hinanda ang kanilang mga gamit. Nang matapos ay saka ako nagpaalam kay mama na ihahatid ko na sila. Habang naglalakad ay napansin kong parang maraming chismis ang mga kapit bahay namin.
“Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Naniniwala na talaga ako sa Anghel!” Bulong na sabi ng isa naming kapit bahay pero naririnig ko parin.
“Kahit ako ay gano’n din,” hindi makapaniwalang sabi din ng isa naming kapit bahay.
Ngunot ang noo ko sa mga pinagsasasabi nila. Angels are true, pero bakit parang sa kanila himala ‘yon? Hindi ko nalang pinansin at nang makarating ng school ay nakita ko si Jinx, Janne at Hazel. Nang makapasok na sa Gate sila Millan at Mia ay saka ko sila tinawag at sabay-sabay na napalingon sa ‘kin.
“Oh, anong ginagawa mo dito bakla ka?” tanong ni Jinx sa ‘kin.
“Hinatid ko mga kapatid ko. Remember, ilang hakbang lang school nila sa school natin,” sagot ko naman.
“Sus, baka may kinikita ka dito ang chaka mo!”
“Waw ah,” sabi ko nalang. Tumingin ako kila Janne at Hazel. “E, kayo bakit kayo nandito?” tanong ko naman sa kanila.
“Wala, date lang while eating fish ball. Gusto mo? Luh, asa ka, bili ka,” birong sabi ni Janne sa ‘kin.
“Nakakaloka ‘tong jowa mo ah,” sumbong ko kay Hazel.
Nagk’wentuhan kaming apat at nalaman kong may pinuntahan sila ngayon kung sa’n daw may na-captured na angel kagabi. Napaisip lang din ako kasi iyon din ang chismis ng mga kapit bahay namin. Grabe naman sila at nakakapanibagong may anghel na lalabas sa ganitong panahon. Tinawagan ako ni mama kung nasa’n daw ako. Sabi ko nandito lang dahil nakikipagk’wentuhan ako.
Kung sa bagay naman ay uso na talaga ngayon ang makakita ng unknown creature. After kong makaburaot sa tatlong ‘yon ay umuwi na ako.
Hindi ko alam marami na palang nangyayare sa paligid bukod sa mga kaliwa’t-kanang p*****n. Though, medyo nakakapanibago rin na pagod ako ngayong araw. Nang makauwi ako ay dumeretso ako sa kwarto ko at wala si mama ngayon kasi nandoon daw sya sa mare nya.
Binuksan ko ang kahon ko na may puting balahibo kanina at saka ito tinitigan. Maya-maya ay tila nakarinig ako ng kalabog kaya naman bumaba ako. Pero walang tao.
“Hoy, mag-isa lang ako dito sa bahay. H’wag nyo naman ako takutin,” sabi ko at saka muling umakyat.
Kadalasan nangyayare ‘yan kapag talagang mag-isa ako. Ginawa ko nalang ang assignment ko. Habang gumagawa ako’y narinig ko ang boses ni mama na tinatawag ako at sumagot akong sandali lang. Nang tatayo na ako ay biglang nag-vibrate ang phone ko at saka napakunot ang noo ko. Agad ko naman itong sinagot.
“Ma?”
“Sinundo ko na sila Millan at Mia, anong gusto mong ulam? Bibili na ako para hindi ka na magluto,” sabi nito at nanlaki ang mata ko.
Sinundo sila Milan at Mia? Ibig sabihin ay hindi pa sya nakakauwi? E, sino ‘yong tumawag sa ‘kin?
“Waaaa!!! Maaaaa!!!”
“Nako kang bata ka! Nakakagulat ka. Ano ba ‘yon!”
“K-kasi... Kanina bago ka tumawag may tumawag sa pangalan ko at kaboses mo. Tapos nang tumawag ka... Luh, pinaglalaruan na naman ako ng multo.” Nakangusong sabi ko.
“Hay nako ka, basta, bibili na muna ako ng ulam. Sige na.” Binaba na nito ang tawag saka ako tumingin sa pinto.
Hindi naman ako matatakutin na tao. Kaya bumuntong hininga nalang ako at nilapag ang cellphone ko.
“Ano ba Angela, halos araw-araw naman na nangyayare sa ‘yo ‘to pero bakit hindi ka parin sanay,” sabi ko sa sarili ko saka ako lumabas.
Nang makalabas ako ay naramdaman ko ang lamig nang dumaan ako sa hagdan. Lalo na naamoy ko ang kandila. Hindi talaga ko talaga maintindihan kung bakit kailangan ‘tong mangyare, e. Nagsaing na lang ako at saka binuksan ang tv para maingay. Sakto naman na dumating na sila mama at naghanda na ako ng lamesa namin.
“Oh, ano ba’t napraning ka naman kanina?” tanong ni mama sa ‘kin.
“E, kasi naman. Hindi ko maintindihan kung bakit halos araw-araw may naririnig akong kaboses mo,” sumbong ko.
Hindi ako kinibo ni mama hindi ko alam kung bakit parang iniiwasan ni mama ang ganitong topic. Hindi ko na lang din pinansin at saka ako kumain. Nang matapos kami ay saka ako naghugas at umakyat ng kwarto. Umupo ako sa kama at saka ako napatingin sa may bintana. Bilog ang b’wan ngayon at habang pinagmamasdan ko ‘to ay napasinghap ako ng may makita akong hindi ko inaaasahan.
“A-ano ‘yon?” tanong ko sa sarili ko habang nakasapo sa dibdib ko.
Niyugyug ko ang ulo ko at napahawak sa sintido ko saka ko ito hinilot. Hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi maganda ang nagiging pakiramdam ko every night.
Napagdisisyunan ko na lang na matulog na dahil may pasok na ako bukas. Nang makatulog na ako ay nakakaramdam na naman ako ng kakaiba sa katawan ko. Pero dahil parang nalulunod ako ay hindi ko nalang ‘yon pinansin.
Nang magising ako kinabukasan ay tinignan ko ang phone ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang oras at agad akong bumangon pero napabalik ako ng may nakita ako. Dinampot ko ‘yon saka nangunot ang noo ko. Tumayo ako at saka binuksan ang drawer ko at kinuha ang note book ko. Nandito naman ang feather na nakuha ko.
“Wala naman akong alagang ibon, ah?” takang sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko nalang pinansin at saka ako nag-asikaso na. Bumaba ako para maligo at inasikaso naman ni mama sila Milan at Mia. Buti nalang talaga at masipag gumising itong si mama ko. Nang makabihis na ako ay nagpaalam na kami at hinatid ko na ang dalawa at ako naman ay sakto lang sa oras. Nand’yan na pala ang professor namin.
“Girl, gising-gising din ng mas maaga. Alam mo bang nag-aaya kanina si papa Louie na mag-milk tea kaso ayaw nya kapag wala ka,” chismis ni Jinx sa ‘kin.
“Hindi ako mahilig sa tea, Jinx,” sabi ko naman at nilabas na ang notes ko.
“Loka, hindi ba pwedeng gawing way ‘yon para malibre naman kami?” Mataray na sabi nya saka ko sya inirapan.
Nakakaloka talaga ‘tong bakla na ‘to. Habang nagdi-discuss ng report ang classmate namin ay busy naman kaming mga nasa unahan na ngumuya ng pagkain.
Hindi ko alam paanong napuslit ni Janne ang pagkain nya, e, maliit lang naman bag nya. Habang kumakain kami ay may napansin akong batang babae sa may gilid ng board. Nakaputi itong damit na may magandang hugis ang mukha at med’yo maganda rin. May bangs sya at nakatingin lang ito sa isa kong classmate na babae. Mayroon ba syang kapatid na babae? Napasinghap ako ng lumapit sya do’n at nagulat pa ako sa tawag ni Daryl.
“Anyare sa ‘yo? Para kang nakakita ng multo?” sabi nya.
“A-ah... Ano... Syet naman, Da. Manggulat daw ba?” Kunwaring inis na sabi ko.
Tinawanan nya ako saka ako ulit kinalabit, “Weird mo minsan. Parang kang tanga.”
Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya at saka ako napanguso at hindi nalang sya pinansin. Nang muli kong tignan ang classmate ko ay wala na ang bata sa tabi nya. Tumayo ako at saka ako nag-excuse saka ako lumabas at pumunta ng banyo. Nang makarating ako sa cr ay saka ako huminga ng malalim at humawak sa dibdib ko. Naghilamos ako at nang titignan ko na ang sarili ko sa salamin ay nagulat ako sa batang nasa likuran ko.
“AHHH!!! Uy! H-hindi kita nakita... H-hindi talaga,” sabi ko sabay takip ng mga mata ko.
“Tulungan mo ang ate ko.” Bulong nito sa tainga ko kaya napatakip ako ng tainga ko.
“Hindi ka totoo, hindi ka totoo.” Bulong ko sa sarili ko habang nakapikit.
“Alam kong nakikita mo ‘ko. Iligtas mo ang ate ko,” sabi pa nya na syang ikinatahimik ko.
Iligtas ko ang ate nya? Tinanggal ko ang pagkakatakip ko sa tainga ko at napasinghap ako ng nasa harapan ko na sya. Bigla nyang hinawakan ang ulo ko dahilan para may makita akong hindi kapani-paniwalang pangyayare.
**********
Nasa bahay ako ng isang classmate ko. Mula sa loob ng k’warto ay nakita ko kung paano syang natatakot. Tinignan ko ang tinitignan nya at ang pinto ‘yon. Pilit itong binubuksan at may sumisigaw mula sa labas.
Hindi ko alam na may ganitong suliranin pala si Shasha, hindi naman sya ganyan tuwing nasa school. Iyon nga lang ay minsan ayaw nyang umuwi at gusto nyang natutulog sa bahay ng kaibigan nya. Pero ano nga ba ang meron?
“Hindi alam ng mommy ko ang nangyayare tuwing kasama namin ang kinakasama nya. Kaya nakikiusap ako sa ‘yo. Ikaw lang ang tanging taong nakakakita sa ‘kin at alam kong may kakayahan ka na wala sa iba,” paliwanag nya at napatingin ako sa kanya.
Nakikita ko na totoo ang mga sinasabi nya at ramdam kong hindi sya nagsisinungaling.
“Tutulong ako,” sagot ko at matapos ‘yon ay bigla nya akong nilapitan.
**********
Nagising akong nasa clinic ako ng school at nang makabangon ako ay nandoon sila Janne at Hazel.
“Buti naman at nagising kana,” sabi ni Hazel saka ako nilapitan.
Lumapit din si Janne, “Girl, hindi mo sinabing may balak kang matulog sa cr, edi sana sinamahan ka namin,” birong sabi nya.
“Natulog?” Kunot noong tanong ko.
“Wala ka bang naalala nang pumasok ka sa banyo?” tanong ni Hazel.
“Wala.” Tanging sagot ko at saka kami napatingin sa apat na lalakeng kararating lang.
Kasunod no’n si Rea na no’n ay umupo sa tabi ko. “Anyare? Bakit ka nahimatay?” tanong nya.
“Hindi ko alam,” sagot ko naman.
“Kumakain ka naman hindi ba?” -Daryl.
“Oo naman,” sagot ko.
“E, bakit ka nahimatay bakla ka?” Jinx asked.
“May nakita kasi akong bata, then, nashokot ako, ano? Ok na ba?” Inis na sabi ko saka ako napahawak sa ulo ko.
“Louie nyo tahimik na naman,” puna ni Janne.
Napatingin kami kay Louie na no’n ay tahimik nga. Bumuntong hininga ako at saka ko naisip ang sinabi ng bata sa ‘kin. Agad akong bumangon at saka tumakbo palabas ng clinic para hanapin si Shasha. Nakita ko syang nakikipagk’wentuhan sa kaibigan nya at lumapit ako sa kanya.
“Shasha, p’wede ba kita makausap kahit saglit lang?” tanong ko.
Tumingin sya sa ‘kin at nakikita ko ang kakaibang lungkot sa mga mata nya. “S-sige. Wait lang guys ah.”
Pumunta kami sa classroom na bakante at saka kami umupo sa upuan. Tinignan ko ang mga mata nya at namumutawi ang awa sa ‘kin. Bakit ganito ang nging kapalaran nya?
“Ano bang pag-uusapan natin?” nakangiting tanong nya.
“I-I saw your sister,” sabi ko at napasinghap sya at saka tumingin sa ‘kin.
Nangilid ang labi nya at nangingilid pati ang luha nya. “N-niloloko mo ‘ko. Matagal ng patay ang kapatid ko,” sabi nya na may tila galit.
“Sinabi nya sa ‘kin ang kalagayan mo, and she wanted me to help you,” I said.
Tumingin sya sa ‘kin direkta sa mga mata ko at tila hindi mapakali. “You’re wasting your time, Angela.”
“I am not.” Matigas kong sabi. Hinawakan ko ang kamay nya at saka ko hinawakan ang
mukha nya. “Trust me.”