ANGELA’S POV
Hindi ako umimik sa at dahil kasabay namin si Shasha ay tumahimik ulit si Louie. Hindi ko alam kung inis ba sya kay Shasha o baka naman nahihiya. Matapos kumain ay sinundo na rin si Shasha ng driver nila at nagpasalamat sa ‘min ni Louie pero hindi rin naman sya nito pinansin pa.
“May galit ka ba kay Shasha?” tanong ko ng makaalis na ito.
Tumingin sya sa ‘kin at saka nya ako biglang inakay sa balikat at napatingala ako sa kanya kasi matangkad sya sa ‘kin. Ngumiti sya at hindi ko talaga sya maintindihan.
“Wala naman,” sagot nito at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
“Oo nga pala ano nga pala ‘yong sasabihin mo kanina?” tanong ko at saka sya huminto at himinto din ako.
“Well... hindi ko alam kung dapat ko nga bang sabihin ‘to pero... I can’t hide it anymore,” naiilang na sabi nya at saka mas lumapit sa ‘kin at confuse naman ako. Tumingin sya sa mga mata ko at nakikita kong may kakaiba sa mga mata nya. “Gusto kita, Angela,” direktang sabi nya.
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya at tila napako ako sa kinatatayuan ko. Ang sabi nila kapag may mag-confess sa ‘yo na lalake ay may mararamdaman kang kakaiba. If he is the right person for or if you have feelings for him your heart will beat so fast and there’s a butterfly in your stomach. Pero iba ang nararamdaman ko ngayon sa sinasabi nila.
“Iyan ba ang problema mo?” tanong ko at nangunot ang noo nya at nawala ang ngiti nya.
“Hmm,” sagot nito at muli kaming naglakad.
“Pinagpa-praktisan mo ‘ko para mag-confess sa iba tama ba?” tanong ko at napahinto sya ulit.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at saka tuluyang huminto at humarap sa kanya. Maybe we have five feet apart. Hindi ko alam kung tama ba ang tanong ko pero sumeryoso ang mukha ni Louie at nawala ang kakaibang nababasa ko sa mga mata nya kanina lang. Nawala ‘yon na parang nabalitan nalang ng dark aura mula sa palibot nya. Tumingin ako sa paligid at hindi na rin nagiging maganda ang pakiramdam ko sa ganitong oras at dilim ng paligid. Tila may kakaiba kasi sa katawan ko kapag nararamdaman ko ang dilim ng paligid ko.
“Hindi ko ba p’wedeng higitan ang kaibigan lang?” tanong nito na syang ikinataka ko.
“L-Louie, kailangan ko ng mauna. Hindi na kasi maganda ang pakiramdam ko,” paalam ko at akmang aalis na sana ng biglang mapahinto ako at yumakap sya sa ‘kin mula sa likuran ko.
“Sabihin mo sa ‘kin kung anong dapat kong gawin para naman tanggapin mo ‘ko? I can’t be your friend, Angela. I want more than that.”
Humarap ako sa kanya at saka ako bahagyang dumistansya. “Pasensya kana, wala ako sa mood para makipag-usap ngayon sa ‘yo.”
Tumakbo ako at hindi ko sya nilingon. I regret this moment ‘cause of this bad feelings of mine. Matagal ko na ‘tong problema at ito ang kinaiinisan ko sa sarili ko. Dahil sa parang may kakaiba sa paligid ko at para akong hinahatak sa dilim at gusto ko maliwanag ang buong paligid. Habang tumatakbo ako ay napahinto ako ng maramdaman kong tila may dumaan sa harapan ko at kakaiba ‘yon.
Hindi ko maintindihan kung ano ang kakayahan na ito na kahit albularyo, manghuhula o doctor ay hindi maipaliwanag. Gusto kong mainis sa sarili ko at gusto kong mawala ang ganitong pakiramdam at kakayahan ko. Gusto kong maalis ‘to sa ‘kin ng hindi ako nagkakaganito tuwing sumasapit ang gabi. Napapikit ako ng mariin at napasinghap ng biglang may humatak sa ‘kin at bigla akong yakapin. Naamoy ko ang damit nya at ramdam ko ang kakaibang presensya nya.
----------
Nanlalabo ang paningin ko at ramdam ko ang kakaibang enerhiya mula sa katawan ko. Maya-maya ay unti-unti na nabago ang lahat hanggang sa lumabas ang kakaibang pakpak mula sa likuran ko at saka ko siya tinulak at dumistansya sa ‘kin. Dinala ko ang sariling katawan ko sa may gilid ng daan at saka ako masamang tumingin sa kanya.
“Ikaw ang tanging anghel na nakakabalik pa rin sa katawan kahit na nagiging anghel ka matapos makakita ng kakaibang nilalang,” ani nito at tiimbagang akong ngumisi sa kanya.
“Hindi ko alam na nasundan mo pa rin ako hanggang dito?”
“Pagkatapos nito, pagbalik mo sa katawan mo ay wala ka na namang maalala. Hindi ko alam paano mong nagagawang kalmado gayong, hawak ko ang buhay ng katawang ginagamit mo?” Nakangising sabi nito.
Masyado s’yang maraming sinasabi at masyado syang makuda para sa isang demonyo. Kung sa bagay lahat ng devil angel ay maingay at walang habas ang mga dila. Lalo na kung nakakakita sila ng liwanag at ang iba naman ay sumasapi sa ibang katawan at inaangkin ito upang maging mas malakas ang kanilang kapangyarihan.
“Hindi ka ba nagsasawang magpanggap?”
Sinugod ko sya at saka nya agad na sinalag ang espada ko at tumingin ako sa mga mata nyang mapula at saka nya mas inilapit ang mukha nya sa ‘kin. Tinignan nya ang kabuuhan ng mukha ko at mas lalo akong nag-iinit sa kanya at mas lalo akong naiinis sa ginagawa nya. Lumipad kaming pareho paitaas at saka ko sya sinipa at agad naman na nakarekober sya. Umayo sya ng tayo at saka biglang sumugod pero hindi ako gumalaw sa kinalalagyan ko.
Huminto sya sa harapan ko at saka dinampian nito ng daliri nya ang mukha ko pero hindi ako kumibo. Hindi ko alam bakit ganito sya tuwing sya ang susugod sa ‘kin. Kaya hinahayaan ko rin sya sa ginagawa nya gano’n pa man ay hindi parin sya mananalo labas sa akin. Bigla syang tumalsik mula sa harapan ko at napatingin ako sa likuran ko ng makita ko ang lalakeng katulad ko.
“Hindi mo ba sya pipigilan?” tanong nito sa ‘kin at saka ako tumingin do’n sa devil angel.
“Wala syang mapapala sa ‘kin.”
“Hanggang kailan ka mananatili dito at magpapanggap na tao?”
“Ipaglalaban ko ang karapatan ng mga taong mabigyan ng pagkakataon para magbago.”
“Wala na ring mababago dahil masyado silang makasalanan at hindi na no’n mababago ang kung anong pusisyon mo, Angela,” sabi nito at saka lumapit sa gawi ko at bumangon naman iyong demonyong anghel at saka sila naglaban dalawa habang ako naman ay nanonood lang.
Posisyon ko? Hindi ko alam bakit tila mabigat sa ‘kin ang ganitong bagay at usapin. Napatingala ako at saka ko nakita ang liwanag ng bituin at tila sinasabing lapitan ko ito. Ipinikit ko ang mga mata ko at sa isang iglap lang ay nasa isang maganda at maliwanag na lugar na ako. Tinignan ko ang paligid at tumingin sa taong nasa harapan ko.
“Aking masugid na lingkod at matapat na anghel. Ano at hindi ka pa bumabalik sa iyong pusisyon nang magawa mo na ang iyong misyon?” tanong nito sa ‘kin na hindi ko agad masagot.
Nasisigurado kong hindi na ako makakabalik sa oras na sabihin ko ang rason ngunit alam nya ang ginagawa ko dahil alam nya ang bawat kilos at galaw ng mga anghel dito lalo na sa lupa. Nanatili akong nakatingin sa kanya at saka sya bumuntong hininga at lumapit sa ‘kin at hinawakan ang kamay ko. Ang marka mula sa kanyang kamay ay hindi nawawala pero nananatiling makinang at ang kanyang palad ay tila maligamgam na tubig. Naglakad kami sa paligid at bawat anghel na may tungkulin ay nakikita mula dito.
“Alam ko ang ginagawa mo. Alam ko ang bawat kilos mo. Alam ko kung sino ka at ano ka sa mundo ng mga tao. Sa pagkakataon na ‘to, tumakas ka sa dormitoryo nyo at hindi ka nagpaalam sa inyong pinakapinuno at ang masakit ay nagkatawang tao ka at gumamit ng katawan ng isang nilalang na walang kamalay-malay,” ani nito.
Hindi ako kumibo at nanatiling nakikinig lamang sa kanya. Ang parusa ng bawat anghel na nagkakasala sa tahanan ng anghel ay ang ilalaglag sa lupa at kapalit no’n ay ang pasakit na dadanasin nya. Ito’y parusa nya sa pagiging makasalanan nya at pagiging taksil. Kapag nagawa mo namang magbago bilang tao ay babalik ka ulit sa pagiging anghel o kaya naman ay bibigyan ka ng isang marangyang buhay o isang kakayahan na maari mong magamit sa kabutihan.
“Alam kong nagkamali ako. Hindi ko alam ano ang parusa mo sa ‘kin pero tatanggapin ko. Bilang inyong lingkod na nagtaksil sa inyo.” Nakayuko kong sabi at saka nya hinawakan ang ulo ko.
“Wala ka pang nagagawang mali ay tumatanggap ka na kaagad ng kaparusahan,” saad nya na ikinataka ko pero hindi ko parin sya binigyan ng ano mang expresyon ng mukha ko. “Alng iyong pinaglalaban ay s’yang tunay. Ngunit sa iyong palagay ay magbabago ba ang mga tao at mababago ba ang mundo?” makahulugang tanong nya.
Napatingin ako sa ibaba at tinignan ang mundong pinanggalingan ko. Ang mundong pinaglalaban kong magbabago at hindi ko alam kung magbabago nga ba talaga. Inaamin kong wala akong kasiguraduhan at wala akong kump’yansa. Pero desidido ako at alam ko sa sarili kong makakaya ko kahit na ang totoo’y hindi.
“Sa oras na magawa mo ang bagay na pinaglalaban mo’y maari kang manatili sa mundong iyan. Ang umibig, masaktan, ipagtanggol sila, ipaglaban at lumaban sa mga masasama. Ngunit kung hindi naman...” Tumingin sya sa ‘kin at gano’n din ako sa kanya. “Ikaw ay babalik at maghahanda para sa paghuhukom para sa mga tao at babaguhin at lilinisin ang mundong nilikha ko na dinungisan ng mga masasamang tao.”
Naramdaman kong tila bumibigat ang katawan ko at saka ito ngumiti sa ‘kin. Naiintindihan ko ang sinabi nya at alam kong sinosoportahan nya ako sa gusto kong mangyare at ipaglaban para sa mga tao.
----------
Nagising akong nasa k’warto at saka ko naramdaman ang sakit ng ulo ko. Nalaglag ang towel sa ulo ko at saka ako napatingin sa bintana. Ang ganda ng sikat ng araw at ang ganda ng pangahon ngayon. Asul na asul ang kalangitan at maganda ang kapaligiran. Babangon na sana ako ng may makita akong balahibo na naman na puti. Hindi naman kami nag-aalaga ng ibon pero laging may balahibo ng ibon sa k’warto ko.
“Oh? Gising kana pala,” sabi ni mama at may dalang sopas at baso at pati na rin gamot. “Inuwi ka ng kaibigan mo dito sa bahay at ang sabi nya nakita ka daw nya sa may gilid ng daan na walang malay,” sabi nito at nangunot ang noo ko.
“Walang malay?” takang sambit ko.
“Oo, tapos nilalagnat ka pa,” sabi nito at saka lumapit at kinapa ang noo ko. “Oh, kumain kana ng sopas para bumuti ang pakiramdam mo. May pasok ka ba ngayon?” tanong nito at saka sya tumayo.
“Hmm. Isang subject lang,” sagot ko naman.
“Umabsent ka muna,” sabi nito at tuluyan ng lumabas ng k’warto.
Napahilamos ako sa mukha ko at saka ako napabuntong hininga. Hindi ko alam pero ang bigat nga talaga ng katawan ko at kakaiba ang pakiramdam ko. Napahawak ako sa balikat ko at saka ako napatingin sa kakaibang marka mula do’n. No’n ko lang napansin ‘yon at nakakapagtakang mero’n ako nito. Para syang tattoo.
“ANGELA!!!” Napasinghap ako sa gulat ng bilang may umentrada sa pitno at iniluwa no’n ang maingay na si Jinx kasunod ay nando’n na sila Daryl, Jepoy, Rea, Janne, Hazel at Louie. Nilapitan ako ni Jinx at saka kinapa ang noo ko.
“Ayos kana ba, Angela?” tanong ni Rea sa ‘kin at saka ako tumango.
“Oh? Buti at ayos kana,” sabi naman ni Janne.
“Akala namin namatay ka na! Charout langs!” birong sabi naman ni Jinx.
“Nahimatay daw ako, e,” sabi ko at saka ako tumingin kay Louie. “Thank you nga pala,” sabi ko at saka sya tumango sa ‘kin.
“Waw knight and shining armor mo sya?”
“Lower your voice,” sabi naman ni Hazel.
Natawa nalang ako at saka sila umupo. Dala ni Daryl ang laptop nya at saka nya ito inilatag sa harapan namin para manood ng movie. Aabsent daw muna sila para masamahan nila akong gumaling. Kinain ko ang hinanda ni mama na sopas at saka uminom ng gamot. Nasa tabi ko si Louie at si Jinx naman ay sa kabila. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaibang pagkailang ngayon kay Louie at naalala ang nangyare kagabi.
Pero ang inaalala ko ay ang kakaibang marka sa balikat ko na ngayon ko lang nakita. Ang kakaibang panaginip na tila totoo at ang kakaibang tao na nagpapakita sa panaginip ko. Hindi ko sya kilala pero ramdam ko ang kapangyarihan nya. Ewan ko pero ramdam kong hindi sya tao at hindi rin naman sya hayop. Tumingin ako kay Louie at agad akong napaiwas ng mapansin kong nakatingin pala sya sa ‘kin. Inilapit nito ang mukha nya sa ‘kin at saka ako napakagat sa labi ko.
“Ayy Louie nyo dumada-moves kay Angela,” biglang sabi ni Jinx at napatingin sila sa ‘min. Napapikit naman ako ng mariin kasi hindi umaalis si Louie at nakangiti pa sa ‘kin.