PROLOGUE

1325 Words
Nagising ako sa sinag ng araw at saka ako napahawak sa ulo ko. Napatingin ako sa ulunan ko at nangunot ang noo ko ng makita na naman ang balahibo ng isang ibon o kung ibon ‘man iyon. Tuwing gigising ako’y iyon ang bumubungad sa ‘kin. Tumayo ako at saka nilagay ‘yon sa isang kahon kung saan makakabuo na ako ng unan gamit ang balahibo na ‘yon. Ilang araw na at lagi nalang ganito. Nakakalito.   Naligo na ako para makapaghanda na sa pagpasok ko. Nang matapos akong magbihis ay bumaba na ako at nakita kong busy si mama sa pag-aasikaso kay Millan. Umupo na ako sa lamesa at saka ako naghanda ng kape ko.   “Nak, ito na ang baon mo.” Inabot ni mama ang singk’wentang pera at saka ko ‘yon binulsa.   “Ma, nasa’n si Mia?” tanong ko.   “Nando’n at naglalaro pa. Sandali’t bibihisan ko na rin sya,” sabi ni mama.   Nang matapos akong magkape ay dinala ko na ang gamit ni Millan. Saktong nabihisan na rin si Mia kaya lumarga na kami. Habang naglalakad ay saka ko tinignan ang cellphone ko at nakita ko ang mga chat ng mga kaibigan ko. Nang makarating sa school nila Millan at Mia ay binigay ko na ang bag nila at pumasok na rin ako.   Pagdating sa campus ay sinalubong na ako nila Clarisse, Sheen, Rea at Jinx. Ang aga naman ng mga taong ‘to. Anong oras na ba?   “Uyy! Hindi ka late ngayon ah!” puna sa ‘kin ni Clarisse.   “Nag-alarm ang phone ko,” sagot ko naman saka kami naglakad.   “Wala pa sila Jepoy, pero nand’yan na sila Janne at Hazel,” sabi naman ni Sheen.   Nang makapasok sa loob ay do’n na kami sinalubong ni Janne na no’n ay kumakain. Siguro ay hindi na naman ito nag-almusal sa bahay nila. Ang aga-aga pa hindi sya nag-almusal? Lagi nalang nagmamadali ‘tong babae na ‘to. Napatingin ako sa paligid ko at saka ko napansin na wala pa si Louie.   “Where’s Louie?” tanong ko.   “Asuswal, malamang sila-sila ang magkakasama kaya sila late ngayon,” sabi naman ni Janne habang kumakain.   Napabuntong hininga nalang ako at saka kami sabay-sabay na nag-review kasi may pa-quiz ‘yong prof namin mamaya. Maya-maya ay dumating na sila Louie, Daryl, at Jepoy. Ito talaga ang mga demonyo sa buhay namin, e. Birong ani ko sa isip ko. Gano’n pa man ay napataas ang kilay ni Jinx na tinignan sila.   “Oh? Bakit ngayon lang kayo?” tanong nito habang nakahawak sa bewang na ani mo’y ina.   “Ito kasi si Daryl nakipagpustahan pa sa computer shop kanina.” Sabay turo ni Jepoy kay Daryl.   “Panalo naman!” Mayabang na sabi ni Daryl saka umupo sa tabi ko.   “Edi maganda, libre nyo kami.” Masayang sabi ko.   “Ahhh---”   “Daryl?” Nakataas kilay na tawag ni Sheen.   “Kasi alam nyo nagtitipid ako guys,” sabi nya saka tumayo at hinawakan ko ang damit nya ng mahigpit saka ko sya tinignan ng masama.   “Tipid? E, napunta na lahat sa computer shop at pusta ‘yang pera mo.” Bulyaw ko sa kanya.   Hinila ko sya paupo at saka pumuwesto sila Jepoy at Louie sa harapan nya saka naglatag ng kamay nila. Wala syang nagawa at saka nagbigay ng pera at nag-apir pa ang dalawa dahil nakalibre na naman sila sa mayabang at gastador na si Daryl. Pero mabait naman sya kaya ayos lang kahit na maubusan sya ng pera. May kaya kasi itong si Daryl at hindi sya katulad ng iba.   Saktong tumunog na rin ang bell hudyat na para pumasok. Magkaklase kaming magkakaibigan kaya hindi na problema ang quiz para mamaya kasi may matalino naman sa grupo. Pero syempre, one sit a part kami kaya nag-review parin sila at gano’n din ang ginawa ko.   Nang papasok na kami sa room ay bigla akong nilapitan ni Louie at saka may kung anong kinuha sa likuran ko. Feather again. Kinuha ko ‘yon at saka kunot noo itong pinagmasdan. Hindi ko ‘to napansin sa damit ko kanina. Baka naman nalaglag lang mula sa ibon?   “Hindi ka naman angel pero bakit may balahibo na puti sa likod mo?” takang tanong ni Louie.   “Parang sinasabi mong demonyo ako?” Kunot noong tanong ko.   Tumawa ang hinayupak saka pumasok sa loob. Nilagay ko sa notebook ko iyon at saka na kami nag-proceed para sa quiz. Hindi ko talaga maintindihan kung paanong nagkakaroon ng balahibo ng ibon ang damit ko at kama ko. Nang matapos ang test ay nagtanungan na sila kung ilan ang nakuha nilang score. This is our way to know if who’s gonna treat us today. Pero syempre si Jepoy ang talo kaya siya naman ang manlilibre ngayon.   Pumunta kami sa canteen at saka nag-order ng makakain. Isa lang ang subject ngayon kaya pupunta kami sa bahay nila Jinx para manood ng horror movies. Nang matapos kaming kumain ay saktong tumunog ang phone ko at nag-text si mama. Hindi nya daw masusundo sila Millan dahil masakit ang ulo nya at kailangan kong mauna para sunduin ang dalawa.   “Susunod nalang ako sa bahay nyo, Jinx. Susunduin ko lang muna sila Millan at Mia.” Paalam ko sa kanila.   “Samahan na kita.” Prisinta ni Louie pero tinanggihan ko.   Habang naglalakad ako ay may naramdaman akong kakaiba at hindi ko maiwasan ang hindi kabahan at syempre ang matakot. Pero ang tanga ko naman kung matatakot ako, e, tanghaling tapat ngayon. Nang makarating sa school nila ay agad na sinalubong ako ng dalawa kong kapatid at umuwi na kami sa bahay. Pagdating sa bahay ay hinanap ko si mama sa buong bahay pero hindi ko sya makita.   “Nasaan si mama?” takang tanong ko.   Nagkibit balikat ang dalawa kong kapatid at saka ako umakyat para magpalit ng damit ko. Nang makapagpalit ako ay nag-text ako kay Jinx na hindi ako makakapunta dahil wala si mama sa bahay. Nag-text sya sa ‘kin kanina at ang sabi nya ay masama ang pakiramdam nya pero bakit wala sya dito? Bumuntong hininga ako at naalala ang puting balahibi na nakuha ni Louie kanina sa likuran ko. Kinuha ko ‘yon ay nilagay sa drawer ko.   Lumabas ako ng kwarto at nagulat ako ng nasa harapan ng pinto si Mia at Millan. Napasapo ako sa dibdib ko at saka sila pinalo ng mahina. “Ano ba kayong dalawa, papatayin nyo ‘ko sa gulat.”   “Ate si mama,” manihang usal nito pero sapat na marinig ko.   “Oo alam ko wala si mama.”   “Ate si mama ayon oh.” Turo ni Millan kaya napatingin ako sa tinuro nya.   Nanlaki ang mata ko at agad kong pinasok sa loob ng k’warto ko si Millan at Mia. Ni-lock ko ang pinto at agad kong kinuha ang cellphone ko pero wala itong signal. Napatingin ako sa labas at nanlaki ang mata ko dahil sobrang dilim. Anong nangyayare? Tanong ko sa isip ko habang nanginginig ang kamay ko.   Kumalabog ang pinto at tuluyan ‘yon bumukas saka ko nilagay sa likuran ko ang dalawang kapatid ko. May pakpak ito na kulay itim at nakasuot sya ng itim rin na damit at pants. Matingkad ang sapatos nya at hawak nya si mama at papa. Naro’n din ang kakaibang buntot sa kanyang likuran at walang gana itong tumingin sa akin. Binato nya ang mga magulang ko sa harapan ko kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko.   “S-sino ka,” takot ma’y naitanong ko parin.   “ANGELA!” Nanlaki ang mata ko ng bigla may kakaibang liwanag ang tumama sa ‘kin at wala na akong malala bukod do’n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD