ANGELA’S POV Maaga akong nag-asikaso para sa pagpasok at saktong kararating lang ni mama galing palengke. Sabado ngayon at walang pasok ang mga kapatod ko pero may pasok ako. Nang makapagpaalam na ako ay saka ako lumabas para maglakad na. Ang ganda ng gising ko ngayong umaga at maganda rin ang tulog ko kagabi. Kahit na med’yo may hindi magandang nangyare kahapon at thankful pa rin ako. Habang naglalakad ako ay pansin kong may nakasunod sa ‘kon kaya naman huminto ako at saka tumingin sa likuran ko. Pero wala naman akong makitang kahit na ano. Baka guni-guni ko lang ‘yon at hindi ko nalang pinansin pa. Naglakad na ako ulit at saka ko kinuha ang cellphone sa bulsa ko at tinext sila Janne. Nasa school na sila at mero’n daw announcement. May gaganaping fieldtrip ngayon at inaalam pa k