ANGELA’S POV “Ano ba ang ibig mong sabihin?” takang tanong ko. “Alam mo ang ibig kong sabihin,” sagot nya at ang seryoso ng mukha nito. Hindi na ako umimik at saka ako tumingin kila Rea. Nagawa ng Angela na ako bilang tao ang mission na dapat ako ang gumawa. Iyong bible na binigay sa ‘kin? H’wag nilang sabihin na ‘yon ang naging susi? Ilang araw ba akong nawala? Tumayo ako at saka lumabas para makapag-isa at makapag-isip. Nang makalabas ako ay do’n ko nakita si Angelo na no’n ay nag-iiisa rin. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa tabi nya kaya napalingon sya sa ‘kin. “Nauna ka pang lumabas sa ‘kin kanina,” sabi ko at saka tumingin sa kanya. “Masyado akong maraming iniisip nitong mga nakaraan at natutuwa akong malapit mo ng matapos ang misyon mo,” saad naman nya.