ANGELA’S POV Hindi ako sumagot sa kanya at nanatili akong tahimik. Hindi ko naman makokontra ang sinabi nya kasi totoo naman iyon. Isa pa ay kung itatanggi ko’y hindi maganda ‘yon dahil nakita na rin naman nya ang nangyare. Ngumiti sya sa ‘kin at saka sya bumuntong hininga at hinawakan ang balikat ko. “No matter what happened, nandito lang kami,” sabi nya at tila nabunutan ako ng tinik. Masyado nya akong pinakaba at akala ko ay konontra sya sa amin. “Salamat.” Nakangiting sabi ko naman at tumayo na sya at umalis. Mula sa labas ay tanaw ko sya na umaalis at hindi ko alam kung gaano akong kasuwerte na mero’n akong kaibigan na gaya nila. Pero nag-aalala ako ngayon kay Louie. Nag-aalala ako sa kalagayan nya dahil hindi ko aakalain na magiging gano’n sya matapos ko syang ma-b