ANGELA’S POV Nakarating kami sa Vigan Ilocos Sur. Sa totoo lang hindi ko alam na mero’n pa lang rest house sila Jepoy dito at hindi ko rin alam na mero’n silang sariling hotel. Basta ang alam ko isa syang makulit at minsan mabait. Minsan masungit at minsan abnormal na wala sa lugar. “Ayos ka lang ba?” tanong ng tatlong lalake sa harapan ko. Pare-pareho ko silang tinignan at hindi ko alam sino ang sasagutin. Tumingin ako kay Ivan at tila nanghihingi ako ng tulong. Lumapit sya sa ‘kin at saka nya ako inakbayan at saka kami tumalikod sa tatlo. Masyado lang akong nalilito. Ano nga ba ang gagawin ko? Hindi ko maalala. Bakit kapag papasok ako sa katawan na ‘to’y nawawala ang alaala ko ng panandalian. Naiinis akong ganito ang epekto nito sa ‘kin. “Ayos kana ba?” tanong ni Ivan