---THOUSAND YEARS BEFORE--- ANGELA’S POV Papuna ako ngayon sa Angels Missionary para sa susunod na misyon nila sa para sa ‘kin. Sa dami ng nangyare nitong mga nakaraang araw ay hindi ko alam paano akong natatagalan ang ganito. Nang makarating ako sa missionary ay sinalubong ako ni Angelo. “Hi!” kaway na bati nito. “Ikaw pala,” ani ko. “Kamusta ang misyon?” “Ayos lang. Ikaw ba?” tanong ko naman. “Ayos lang din. Med’yo may mga kapalpakan pero ayos naman na,” ani naman nya. “Mabuti kung gano’n,” saad ko at saka naglakad. Pumasok kami sa isang opisina at mula ro’n ay sinalubong naman kami ni Zanrael na no’n ay nakangiti sa ‘min at kumaway pa. Nilagay ko ang kamay ko sa kaliwang dibdib ko at iniluhod ko ang isang tuhod ko. Iyon ang aming paraan para gal