ANGELA’S POV Humiwalay sya ng yakap at saka ako muling tinignan at tinignan ang kanyang ama. Wala akong naiintindihan at wala akong maunawaan. Tumingin ako kay Sedit at saka ko sya sinugod. Hindi nya inaasahan ang gagawin ko at saka ko sya malakas na sinipa at saka ko tinapat ang kamay ko sa kanya at lumabas sa palad ko ang napakaliwanag na kapangyarihan. Sa punto na ‘yon ay nawala ang mga alagad nya at pati na rin sya at si Callifer naman ay nakatingin sa ‘kin na may maamong mga mukha. “Tigilan mo na,” ani ko at saka ako umalis do’n. Hihintayin ko nalang siguro na bumalik si Pat after nila magmuni-muni sa beach. Gusto kong mainis at gusto kong magalit. Naiinis ako sa ginagawa ni Callifer at nagagalit ako sa ginagawa ni Sedit dahil kasalanan ng anak nya pero ako ang pinupunt