ANGELA’S POV
Dahil sa nangyare ay kinakant’yaw tuloy kami ng mga kaibigan namin. Hindi ko naman nasagot ang sinabi sa ‘kin ni Louie kahapon at hindi ko alam paanong sasagutin ‘yon. Agad na tumayo ako at saka ako napaubo at sinabing magbabanyo lang. Nang makalabas ako ng k’warto ay saka ako napabuntong hininga at saka pumuntang banyo.
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at sobrang nakakailang ang ginawa ni Louie. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. G’wapo sya, cute at med’yo shiopao ang pisngi pero wala akong nararamdaman sa kanya katulad ng nararamdaman nya sa ‘kin. Gusto kong manatili lang kami sa pagkakaibigan at ayaw kong humigit pa do’n.
“Hindi ka magtatagumpay!”
Napasinghap ako ng bigla akong makarinig ng tinig na sing lalim ng balon at napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog at bigla akong natakot. Hindi ko alam pero ngayon ko lang ‘to naramdaman at ngayon ko lang ‘to naranasan. Lumabas ako ng banyo at nagulat ako ng bumungad sa ‘kin si Janne na no’n ay seryoso ang mukha.
“Ginulat mo ‘ko!” asik ko.
“Hindi ako multo.”
“Tsk. Magbabawas ka?”
“Oo,” sagot nya at saka pumasok na do’n.
Lumakad ako at saka kumuha ng tubig sa ref at naoasapo sa dibdib ko at napapikit ng mariin. No’n ko lang narinig ang tinig na ‘yon at ito ang kauna-unahang pagkakataon na manghina ang mga binti ko ng dahil lang do’n. Umak’yat na ako at saka muling umupo sa pagitan naman nila Jepoy at Daryl. Hindi na ako umupo sa tabi nila Jinx at Louie. Naiilang kasi ako kay Louie. Habang nanonood unti-unti kong naramdaman ang antok marahil ay dahil sa nilalagnat pa ako. Nang maipikit ko na ang mga mata ko ay nakarinig ako ng kalabog.
----------
Mula sa harapan ko’y nakatayo ang isang lalakeng may sungay at may itim na pakpak mula sa kanyang likuran. Lumipad si Ivan, Jepoy at Daryl at saka nila kinalaban ang ibang nasa labas ng bahay. Mula sa labas ng pintuan ay naro’n ang itim na utok na may dalang talim at may mapupulang mga mata.
“Muli kitang nakita,” saad nito ng masilayan ang pakpak ko.
“Hindi ko inaasahan ang iyong pagdating ginoo,” ani ko at saka ko tinignan ang kasamahan nya. “Pati na rin ang iyong lingkod.”
“Masyado kang maraming pinaglalaban kahit na alam mong hindi mo naman makakayanan.”
“Hindi maaring manaig ang kasamaan laban sa kabutihan at alam kong alam mo ang kakayahan ko.”
Tinaas nya ang kamay nya at saka nya ito kinuyom at pinapakita sa ‘kin ang kakayahan nya. Sumugod sya sa ‘kin pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Sina Hazel, Janne at Rea naman ay humarang sa harapan ko kaya hindi nya ako agad napuntirya. Nakalabas ang espada nila at saka ako ngumisi sa kanya. Mula sa may pintuan ay lumabas mula do’n ang isa lang anghel. Ang nangangalaga ng Angels Dormitory.
“Angelo!”
“Ikaw na naman!” galit na sabi nito at saka nito sinugod si Anghelo.
Hindi nya ako kayang pabayaan kahit na tu.akas lang ako sa dormitoryo. Sumugod ako sa likuran nito at saka ako umikot at sinipa ito dahilan para tumalsik sya at tumagos sa dingding. Hindi nya ‘yon inaasahan at saka ako tumingin kay Anghelo na walang pinapakitang kahit na ano. Lumipad ako paitaas at gano’n din ang ginawa ng iba. Masyadong marami ang mga nandito at talagang nagdala sya ng mga alagad nya. Sumugod ang lahat ng mga kasamahan ko at saka nila nilabanan ang mga ito. Habang ako naman ay nakatayo at tila pinapanood lang sila na lumaban.
Lumapit sa ‘kin si Angelo at saka ako napabuntong hininga. Tumingin ako sa kanya at wala rin syang pinakitang kahit na anong expresyon sa ‘kin at yumuko ako. Sya ang nag-alaga sa ‘kin, nag-asikaso at nagbigay ng lahat ng kaalaman tungkol sa pakikipaglaban. Ang marka ng gintong kerubin sa aking ulunan ay marka na isa ako sa pitong anghel na kailangan patunugin ang ikapitong trumpeta. Ang gintong trumpeta na syang tatapos sa lahat at linisin ang mundo at baguhin ang kung ano ito.
“Marami kang pinagbago mula ng tumira ka dito sa mundo ng mga tao,” ani nito at saka ako tumingin sa mga mata nya.
“Maraming nangyare at marami akong napagtanto. Mas lalo akong napapalapit sa mga taong ito at mas lalo akong nagpupursigi na baguhin ang mga ito ngunit hindi ko alam kung paano.”
“Alam mong hindi mo na nababago ito at alam mong kinakailangan na nando’n ka sa oras na umpisahan ang pagtunog ng trumpeta.” Hinawakan nito ang kamay ko at saka nito hinaplos ng kamay nya ang mukha ko.
“Hindi pa ako sumusuko sa misyong ito, Angelo. Alam mo ang gusto ko at hindi ko sila makitang magdusa habang humihingi ng tulong.”
“Iyon ang kapalaran nila. Angela,” pagpapaintindi nya sa ‘kin.
Hindi ko parin maunawaan. Hindi ko alam pero mas naawa ako sa kanila kesa sa sarili ko. Sa oras na mas tumagal pa ako sa mundong ito’y unti-unting mawawala ang puti ng pakpak ko at malalagas ito at magiging ordinaryong tao nalang ako.
“Alalahanin mo ang kahihinatnan sa oras na tumagal ka pa dito Angela. Sa oras na ‘yon, hindi ko maipapangakong hindi kita ibabalik sa Angels dormitory.”
Matapos nyang sabihin ‘yon ay saka sya umalis. Tumingala ako at saka ko nakita ang kakaibang liwanag at narinig ang kakaibang kalemabang. Naramdaman ko ang kakaibang enerhiya na syang dumadaloy sa katawan ko at naramdaman kong binibigyan nya ako ng lakas na gawin ang bagay na imposible naman talaga.
----------
Nagising ako kinabukasan at umuwi na daw sila Janne kahapon ng sumapit ang hapon. Matagal akong nakatulog dahil sa lagnat ko pero si Louie ang hindi umalis sa tabi ko na ikinataka ko naman. Bumangon na ako at saka ako nag-asikaso para pumasok. Hinatid ko na rin sila Millan at Mia sa school nila at saka ako dumeretso sa school. Sinalubong ako nila Rea, Sheen, at Janne at wala si Hazel. Nakakapagtaka na absent ang isang ‘yon ngayon.
Nag-umpisa na ang klase at pumasok na kami sa classroom. Wala rin si Shasha ngayon at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko mararamdaman ang presensya nya. Si Louie, Jepoy, Daryl at Jinx ay wala rin. Hindi ko sila ma-gets kung bakit sila absent pero hindi ko nalang din pinansin since nandito naman itong tatlo. Nang matapos ang klase ay inaya kami ni Rea na pumunta sa bahay nila at sumang-ayon naman ako. Bago kami umalis ay nagpaalam muna ako kay mama.
“Sabi ni Louie ay gabi na sya nakauwi kagabi at tingin ko nagawa sya sa ‘yo,” sabi ni Rea habang naglalakad kami.
“Oo nga pala bakit wala sila Hazel, Jinx, Jepoy, Daryl at Jinx ngayon?” takang tanong ko.
“Hindi kasi naging maganda ang pakiramdam nila kahapon. Isa pa si Daryl at Jepy talagang absent kasi may pustahan daw sila ngayon,” sabi naman ni Sheen.
Napahinto ako at saka ako napatingin kay Rea. “Hala!”
“B-bakit?”
“Birthday mo nga pala!”
“Tsk. Kaibigan ba talaga kita?”
“Aluh, sorry na bhie~” malambing na sabi ko at saka ko sya niyakap at niyakap din ako.
Nakarating kami sa bahay nila at napakunot ang noo namin ng sumalubong sa ‘min si Hazel. Si Janne naman ay lumapit sa kanya at tila may binulong sya dito. Nagtaka kami ni Rea at si Sheennaman ay naunang pumasok na akala mo’y welkam na welkam sya sa bahay ni Rea.
“Teka lang naman!”
“Bakit?”
“Bakit parang may tinatago kayo sa ‘min?” takang tanong ni Rea at sumang-ayon ako.
Naglabas ng panyo si Hazel at saka niya nilagyan ng piring si Rea. Akonaman ay nilapitan ni Janne at saka nya ako binulungan at saka ako ngumit. Inalalayan ko si Rea at gano’n din ang ginawa ni Sheen at saka kami pumasok sa loob at mula do’n ay nakahanda ang lahat. Nakikita ko ang pagsisikap nilang gawin ito upang surpresahin si Rea at hindi ko alam na ito pala ang dahilan bakit sila absent.
Tinanggal ko na ang pagkakabuhol ng tali at saka iyon natanggal. “HAPPY BIRTHDAY!” bati ng lahat at napangiti naman si Rea sa kinalabasan.
Fan si Rea ni Detective Conan at iyon ang binili nilang cake for her. Hindi man lang ako nakapaghanda ng regalo para sa kanya at nakalimutan ko na ngayon ang kaarawan nya. Binati sya ng lahat at saka sila lumapit sa ‘min. Habang abala ang lahat ay umupo muna ako sa isang tabi ako saka ako napahawak sa ulo ko. Mah kakaibang alaala kaso na nag-pop up sa isipan ko at hindi ko alam kung totoo ba ‘yon o panaginip lang. Kakaiba ‘yon at ramdam kong tila malapit sa ‘kin ang lalakeng ‘yon. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang lamig ng can at saka ako napatingin sa lalakeng may hawak nito.
“Bakit ba nag-iisa ka?” tanong nito sa ‘kin.
“Nakakagulat ka,” ani ko.
“Ilang ka kay Louie. May nangyare ba?” tanong nya at saka ako bumuntong hininga.
“Mero’n,” sagot ko naman at binuksan nito ang can na hawak ko at saka ulit binigay sa ‘kin. “Nag-confess sya sa ‘kin at hindi ko alam kung dapat ko ba syang iwasan o dapat na akong magsalita sa kanya. Pero sinabi ko na rin naman na... hanggang kaibigan lang kami,” saad ko at saka ngumiti sa ‘kin si Jepoy.
“Big girl na ang baby girl namin,” ani nito at napanguso ako.
“Jepoy naman, e.”
“Tandaan mong mas matanda pa rin ako sa ‘yo. Bumalik lang ako kasi masyado akong g’wapo.”
“Ang hangin mo talaga.”
“Sa ating magkakaibigan ikaw ang pinakabata at isip bata,” asar nito sa ‘kin at mas lalo akong napanguso.
“18 years old na ako.”
“Oo kami ay nasa 20’s na. Ikaw lang ang teen sa ating magkakaibigan.”
“Masyado nyo kasi akong bini-baby nila Daryl tuloy ay feeling ko ako ang bunso nyong kapatid.”
Simula noon hanggang ngayon na college na kami ay nanatili sila sa tabi ko. Kapag may problema ako, o kaya ay may mga bagay na tanong sa isipan ko’y nand’yan sila para sa ‘kin. Gano’n din si Louie kahit na tahimik syang tao. Sila Janne, Sheen, Rea at Hazel. Kahit na noon ay hindi nila ako pinababayaan at hindi nila ako hinahayaan na mapahamak. Sabay-sabay kaming ga-graduate at magkakaro’n ng mga sarili naming mga pamilya. Bumuntong hininga aka at saka ko inunom ang binigay nya.
“Naiilang ako.” Tumingin sya sa ‘kin at nangunot ang noo.
“Naiilang saan?” takang tanong nya naman.
“Naiilang ako sa ginagawa ni Louie ngayon. Sa totoo lang hindi ko alam paano kong ibabalik ang dati para lang hindi ako mailang sa kanya ng ganito,” paliwanag ko.
Tinap nya ang ulo ko at saka bumuntong hininga at saka sya tumayo at kukuhaan nya daw ako ng pagkain. Naiwan akong mag-isa at saka ko sila pinagmasdan. Napapangiti akong nakikita ko silang naging mabuti sa ‘kin sa loob ng mahabang panahon na pagkakaibigan namin. Walang plastikan, kasinungalingan at puro’s pagpapakatotoo at walang halong biro.
Napatingin ako sa may k’warto nila Rea at nakita ko ang isang babaeng tingin ko’y nasa edad na labing dalawa. Tumingin sya sa ‘kin at napasinghap ako ng bigla itong lumapit sa ‘kin dahilan para muntik ko na matapon ang hawak kong can. Buti hindi ‘yon napansin nila Jepoy at saka ako tumingin sa batang nasa harapan ko. Basa ang kanyang katawan at pati ang kanyang ulo. Mula sa kanyang mga mata ay may tumutulong luha at kulay dugo.
“Tulungan mo ‘ko,” sabi nito at napapikit ako ng mariin dahil para akong kinakapos ng hininga.
“Angela?” Napasinghap ako ng biglang may humawak sa balikat ko at saka ako napamulat ng makita ko si Louie na nasa harapan ko at halos mahalikan na rin ako.
“Ayy oh~ bebegurl?”
“A-ano...”
“May nakita ka?” tanong nya at tumango ako.
“Nako, Angela ah, nakakatakot ka,” ani ni Jinx.
“A-ano... pa-pasensya na. P’wede bang dumistansya?” tanong ko at saka sya natawa.
Sinunod nya ako at nakahinga naman ako ng maluwag dahil do’n. Napahawak ako sa ulo ko at saka ako napapikit ng mariin at napahawak sa dibdib ko. Alam nila ang kakayahan ko at alam nila na nakakakita ako ng bagay na hindi nila nakikita. Gano’n pa man ay hindi nila ako nilalayuan bagkus ay inuunawa nila ako. Nagsalo-salo kaming lahat sa handaan at nakisaya nalang muna ako habang tinitignan ang batang ‘yon na nakatingin sa ‘kin.
“Sandali lang,” bulong kong sabi at tumango sya sa ‘kin na tila narinig naman din ako.
Ito ang masayang araw para kay Rea at nakasamay nya daw kami na mga kaibigan nya ngayong kaarawan nya. Hindi ako naka-attend no’ng last year na birthday nya dahil na rin sa naging busy ako no’n sa practice. Isa pa ay hindi kami magkaklase nang araw na ‘yon at magkaiba ang schedule namin. Napagpasyahan kong magbanyo at mula do’n ay saktong nando’n na ang bata. Tumingin ako sa kanya at saka ako umupo sa harapan nya at tinanong kung anong problema. Hinawakan nito ang ulo ko at saka ko nakita ang pangyayare at do’n ay napasinghap ako ng makita ko ang mukha ng taong pumatay sa kanya.