CHAPTER 5

2358 Words
ANGELA’S POV   Matapos ang araw na ‘yon ay maaga rin akong umuwi sa bahay. Hanggang sa bahay ay sinundan ako no’ng babaeng bata na humihingi ng tulong sa ‘kin pero hindi ko alam kung paano ko syang matutulungan sa suliranin nya. Hindi ko alam paanong haharapin ang tao na ‘yon. Hindi ko alam paanong hahanapin at malayo ‘yon dito.   “Hindi ko kayang pumunta ng probinsya ngayon na,” ani ko at saka ako napahawak sa mukha ko.   “Ikaw lang ang makakatulong sa ‘kin ngunit nagkamali ata ako nang hiningan,” ani nito sa malungkot na boses.   “Te-teka... h’wag kang umiyak. A-ano... iyong luha mo kasi nakakatakot.”   “Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Bago pa tuluyang malamon ang kaluluwa ko ng masamang elemento. Magtatatlong taon na ang kaluluwa ko sa lupa at hinihintay kong may magbigay sa ‘kin ng histisya,” mahabang litanya nya.   Sa totoo lang ay naawa ako sa kanya at gusto ko talaga syang tulungan kahit na alam kong malayo ‘yon. Gano’n pa man kinuha ko ang cellphone ko at saka ako nag-chat sa Gc namin.   Me: Guys, I need hep. Jinx: What kind of hep ba? Janne: Ano ba gagawin? Wala naman akong maalala na may assignment or project ah? Me: Baliw hindi ‘yon.   Napatampal ako sa mukha ko dahil assignment agad naiisip ni Janne. Kahit kailan talaga masyadong masipag ito. Ako na nga lang ata laging nakakalimot kung may assignment or projects na ipapagawa sa ‘min. Buti nalang talaga ay taga paalala sa ‘kin ng mga kinakailangan na gawin. Napasinghap naman ako ng makita kong nagta-type si Louie at agad na naitaob ko ang cellphone ko. Napakunot ng noo sa ‘kin si Lycka at saka sya ngumiti na parang nang-aasar.   “Alah ate? Bakit tila namumula ka?” tanong nito at agad akong napatingin sa salamin.   “H-hi-hindi naman ah,” nauutal kong sabi at saka ako umiwas.   Nakarinig ako ng kalabog sa labas at nagkatinginan kami Lycka at nagkibit sya ng balikat sa ‘kin. Tumayo ako at saka ko tinignan ang kalabog sa labas. Wala sila mama kasi pumunta sila sa Bulacan. Bukas pa ang uwi nila kasama nila si Papa kaya naman walang ibang tao ngayon kung hindi ko lang. Nang makababa ako’y napasinghap ako ng biglang may humapit sa bewang ko at nang makita ko kung sino ay do’n ko lang napagtantong hindi ko sya kilala.   Akmang sisigaw sana ako kaso lang hindi ko naituloy ng may makita akong kakaibang nilalang mula sa may kusina at tila may kinukuha sa may ref namin. Tumingin ako sa kanya at sobrang lapit naming dalawa sa isa’t-isa at dama ko ang hininga nya. Nanatiling nakatikom ang bibig ko at pinalo ko sya ng mahina kaya napabaling ang tingin nya sa ‘kin. Sinenyasan ko sya na alisin ang kamay nya at agad naman na sinunod nya ito. Tinignan ko ang nilalang na ‘yon at saka ako namangha.   Si Lycka ay nasa may lamesa at tila isang batang nakaupo do’n at tinitignan din ang nilalang. Hindi ako magtataka kung paano syang napunta do’n. Gano’n pa man now ko lang nakita ang ganitong nilalang.   “Ano ‘yan?” bulong kong tanong sa kanya.   “Isa iyang d’wende,” ani nito at saka muling tumingin do’n sa nilalang na nasa may ref namin.   Ang akala ko’y hindi totoo ang mga d’wende. Ang pagkakaalam ko kasi basta mga lamang lupa, engkanto man o maligno’y k’wentong pang probinsya lamang. Pero totoo pala ang mga ‘yon. Nasanay akong puro’s multo ang nasa paligid ko at iyon ang nakikita ko kesa sa mga ganitong nilalang. Biglang tumunog ang cellphone ko at tingin ko’y may tumatawag sa ‘kin. Napatakip ako ng bibig ko ng bigla itong lumingon.   “H’wag kang maingay kapagnarinig ka nya lagot ka.”   “Ang alam ko’y mababait ang mga d’wende.”   “Ang isang ‘yan ay ang itimna d’wende. Hindi lahat mababait,” ani nito at saka ako napatingin sa taas.   Napatingin ako sa may ref at nawa sya do’n at saka ako kinabahan na baka nasa k’warto na sya. Kung gano’n ay totoo ang haka-haka ukol sa mga d’wende, maligno, dyosa, kapre o kung ano pang mga nilalang. Pero sila ay likha ng mga masasamang demon at ang alam ko’y isinumpang mga anghel upang parusahan din ang mga tao. Hindi ko alam if totoo ang article na nabasa ko about do’n.   Nakarinig ako ng kalabog sa taas at napatingin ako sa lalakeng nakatingin sa ‘kin at ako naman ay tumakbo paak’yat. Nang makaak’yat ako’y wala ng tao at ang mga feathers na kinolekta ko’y kumalat sa sahig. Agad kong nilapita ‘yon upang pulutin at saka ko agad nilagay sa kahon. Med’yo marami na din kasi ang mga ito. Tumingin ako sa may pintuan at nanatiling nakatayo do’n ang lalake. Hindi ko maintindihan kung bakit iba ang reaction nya ngayon.   Kinuha ko ang cellphone ko at saka ko sinagot ang tawag at saka ko nilagay sa tainga ko. “Kanina pa ako tumatawag walang sumasagot. Natutulog kana ba?” takang tanong no’ng nasa kabilang linya.   “A-ano... kasi may problema. Pasensya kana,” saad ko at saka ako napatingin sa phone ko at nanlaki ang mata ko ng makita ang pangalan ni Louie. “Ba-bakit ka tumawag?” takang tanong ko.   “Hindi ka kasi nag-chat sa gc. Tapos puro’s seen ka. Kaya naisipan kong tawagan ka.”   “Hindi mo ba naisip na baka natulog na ako?”   “Sorry if naka-istorbo ako. I just want to help you lang naman sa---”   “Te-teka!”   “Hmm?”   “A-ano... tungkol do’n.”   “Tutulungan kita ano ba ‘yon?” tanong nito at tumingin ako kay Lycka.   Sinabi ko kay Louie ang sinabi ni Lycka at saka sya sumang-ayon sa ‘kin at sasamahan nya daw ako. Nagpaalam ako kay mama na may pupuntahan akong lugar at pinayagan naman nya ako basta daw ay i-lock ko ng maayos ang pinto ng bahay. Nang matapos akong mag-ayos ang mga nalaglag na feathers ay saka ko tumayo at hinanap ang lalake na kanina’y nandito lang. Tinanong ko si Lycka kung sa’n ito napunta at ang sabi nya hindi nya alam. Kasi nakatayo lang naman ito kanina sa may pintuan.   Parang nakita ko na ang lalakeng iyon pero hindi ki alam kung saan. Gano’n pa man maya-maya ay dumating si Louie at saka ko dinala ang bag ko na kahit maliit lang ay nagdala na rin ako ng extra na susuotin baka sakaling ma-estranded kami. Dinala nito ang gamit ko at buti nalang ay linggo bukas kaya ayos lang na umalis ako ngayon.   Nang makarating sa labas ay napahinto ako at nagtaka na mero’n syang sasak’yan. Ang sabi nya ay sa pinsan nya ito at hineram nya lang. Sumakay na ako at saka tinahak namin ang papunta sa lugar kung sa’nmatatagpuan ang bahay ni Lycka. Maraming nagsabi sa kanya tungkol sa ‘kin at nakakapagtakang natunton nya ako. Hindi ko alam pero ang galing pala ng radar ng isang multo?   “Ano ba ang pangalan ng tutulungan natin?” tanong ni Louie habang nagmamaneho.   “Si Lycka,” sagot ko naman at saka ako napatingin sa labas.   “Hmm. Ngayon mo lang ginawa ‘to. Out of town,” ani nito at tumango ako.   “Karaniwan sa mga natutulungan ko’y malalapit lang kaya naman ngayon ko lang din ‘to gagawin na malalayo.”   Tumango sya at saka nagk’wento ng iba pang bagay. Hindi namin alintana pareho ang nangyare no’ng nakaraan dahil at the end magkaibigan pa rin naman kami. Pero umaasa pa rin daw sya na magkaro’n pa kami ng mas higit pa sa kaibigan. Sa oras na ‘yon ay handa daw syang gawin ang lahat para lang sa ‘kin. Hindi ko alam pero may part sa ‘kin na hindi ko p’wedeng gawin at may part sa ‘kin na tila bawal. Ang pakiramdam na ‘yon ay tila tinik sa puso ko at masakit ‘yon.   Nakarating kami sa lugar ni Lycka at med’yo probinsya na ang tema nya. Mula sa isang bahay ay tinuro nya iyon at saka ako bumaba sa kotse at tinignan ang buong paligid. Kakaiba ang pakiramdam ko at parang maraming mata na nakatingin sa ‘kin. Nang makalapit kami sa bahay ay saka ako kumatok at bumungad sa ‘kin ang isang babae at napasinghap ako dahil do’n.   “Ani ang kailangan nyo?” tanong nito at ang laki ng boses nya.   “A-ano... d-dito ba nakatira si Susan Montes?” tanong ko at nangunot ang noo nya saka nya kami tinignan mula ulo hanggang paa.   “Dito nga... ano ang kailangan nyo?” Tumingin ako kay Lycka na nasa tabi ko at nakita ko paanong manguno ang noo nito. Pero si Lycka ay tinuro sya at saka nya sinabing sya ang babaeng pumatay sa kanya.   “Ha?”   “Baliw ba ‘tong nobya mo?” tanong no’ng babae kay Louie.   “Hindi ho,” sagot naman nito. “Nakakausap nya po kasi ang multo at tinutulungan,” dugtong pa nya.   Pero bigla lang itong tumawa na tila may nakakatawa sa sinabi ni Louie kahit na wala naman. Tumingin sya sa ‘kin at saka nya tinakpan ang bibig na tila pinipigilan ang hindi matawa. Pinapasok nya kami at nang makapasok sa loob ay napahinto ako sa may pi tuan. Tila na ginig ang binti ko at mas nanindig ang balahibo ko. Ang daming bata sa buong palibot ng bahay at nakatingin silang lahat sa ‘kin. Para akong napako sa kinagatayuan ko at saka ako tumingin kay Lycka.   “Sila ang mga batang nabiktima rin nya Angela,” sabi ni Lycka at saka ako napalunok.   Ang iba’y masasama ang itsura at halos hindi na rin makilala. May mga biyak sa kanilang ulo at ang iba’y labas ang bituka. Napatakip ako ng bibig ko at tila maduduwal ng bigla akong lapitan ni Louie. Agad na lumabas ako at saka ako sumuka at agad na hinagod ni Louie ang likuran ko. Ang sama ng pakiramdam ko at hindi maganda ang naamoy ko.   “Anong nangyare sa ‘yo?” takang tanong no’ng babae at napalingon ako sa kanya.   “Pasensya na... a-amoy... amoy dugo kasi... na-nadududwal ako kapag nakakaamoy ng dugo,” ani ko at saka ako muling sumuka.   Nakita ko kung paanong ngumisi ito ng kakaiba at nakakakilabot. Tumingin ako kay Louie at saka nya ako sinenyasan na bumalik kami sa kotse. Masyadong tahimik ang buong lugar at magkakalayo ang mga kapit bahay nya. Tumingin ako sa mga ibang bahay na nakasara ang mga pintuan gano’n pa man ay hindi ako maaring sumuko nang dahil lang sa amoy ng malansang dugo. Ito ang kahinaan ko, ang malansang dugo. Nang naging maayos na ako ay saka kami ulit bumalik.   “Sigurado ka ba?” tanong ni Louie.   “Marami na syang nabiktima Louie. Tingin mo ba papayag akong mas dumami pa?” tanong ko at saka sumilip sa loob ng bahay. “Ang mga batang iyon ay mga musmos pa lamang at ang iba’y wala pa ngang isip.”   “Ngunit mapanganib ang ginagawa natin, Angela.”   “Kaya kong suungin ang panganib mailigtas lang ang mga paslit.”   “Ngunit---” Pareho kaming napakingon sa may likurang bahagi ng bahay ng makarinig kami ng kalabog.   Nagkatinginan kaming dalawa at saka ako tumakbo papunta do’n ngunitnapahinto kaming pareho ng may makita akong puting usok sa harapan ko. May biglang balahibo ang lumitaw do’n at saka ako napatingin sa likuran ko. Sinenyasan ko si Louie na bumalik sa kotse at saka kami nag-lock ng pinto. Sinenyasan ko sya na tumawag ng pulis at ako naman ay ang nagsisilbing look out nya. Nag-panic ako dahil papalapit na ang babae na may hawak na palakol at hindi ko alam kung anong gagawin ko.   “Bilisan mo, Louie!!!” nagpa-panic kong sabi.   “H-hindi ko matawagan! Walang signal!” asik nya naman.   “Shemay!!!” ani ko at napatili ako ng basagin nito ang bintana ng kotse. Agad na lumabas kami ni Louie sa may kabila at nakikita ko ang kakaibang panlilisik ng mga mata nya.   Walang magbabalak na tumulong sa ‘min dahil alam konh lahat ng mga tao dito’y takot sa kanya. Gano’n pa man ay mula sa itaas ay napa-cross ako ng braso ko ng makita ang kakaibang nilalang. Hindi ko naramdaman na may tumama sa ‘kin pero ramdam kong may humarang sa harapan ko.   “Tumakas na kayo!” ani nito at tumingin ako kay Louie.   “T-tumakas kana Louie.”   “Hindi kita iiwan!”   “Hindi ka p’wede dito kung maari ay tumakas kana!!!”   “Pero---”   “Tumingin ka sa mga mata ko,” ani ko at saka hinawakan ko ang pisngi nya. “Maniniwala ka sa ‘kin at tanging sasabihin ko lang ang pakikinggan mo.” Tinapat ko ang kamay ko sa mga mata nya at saka ko nilagay ang isa kong kamay sa likuran ng ulo nya.   Nawalan ng malay si Louie sa ginawa ko at saka ko siya dinala sa may ligtas na area kung sa’n hindi sya masasaktan. Tinignan ko ang lalakeng nagtanggol sa ‘kin at saka ko sinipa ang babae sa t’yan nya at saka nito nabutawan ang palakol nya. Pero ang lisik ng mga mata nito’y hindi nawawala mula sa kanya. Kaya naman tinapat ko ang kamay ko sa kanya at napahinto sya sa ginawa ko.   “AHHH!!! A-ano ‘yan! I-ilayo mo ‘yan!” sabi nito habang papalayo sa gawi namin.   Tumakbo ako sa gawi nya at saka ko sya sinampahan at natumba sya dahil do’n. Hindi sya kaagad nakapalag sa ‘kin at saka ko tinapat sa ulo nya ang kamay ko. Pinikit ko ang mga mata ko at saka ako nagdasal at pinaalis ang demonyo mula sa katawan nito. Mahirap ilabas ito lalo’t nanatili na ito sa katawan ng isang tao.   “Nananalig ako sa ama naming may likha ng langit at lupa. Nagsusumamo akong bigyan ng kakayahan at kapangyarihan. Maalis ang demonyo sa kanyang katawan!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD