THIRD PERSON’S POV
Sa ginawa ni Angela sa babae ay unti-unting nagkaro’n ng usok ang kanyang bunganga. Mula do’n ay lumabas ang masamang nilalang at saka ito tumayo at saka nya hinarap ang masamang nilala. Mula sa itaas ay nakamat’yag lang sa kanya ang kanyang bantay at nagkakaro’n ng tuwa sa kanyang labi.
“Si Angela ba ‘yan?” takang sambit ni Angelo.
“Iba ang katauhan ni Angela bilang tao at bilang anghel, Angelo,” ani nito at saka tumingin si Anghelo sa kanya.
“Ano po ang ibig nyong sabihin?”
Tumingin ito kay Angelo at saka nya tinignan ulit si Angela. Katapat nito ang nilalang na may sungay at mapupulang mga mata. “Si Angela ay may kakayahan na lumaban sa pamamagitan ng kanyang pananalig sa may likha. Ang liwanag mula sa kanyang puso at ang kanyang lakas ay ang nagbibigay daan upang sya ay makalaban at magkaro’n ng kapangyarihan,” paliwanag nito.
Sa pagkakataon na ‘yon hindi inaakala ni Angelo na no’n lang sya makakakita ng anghel na kayang gawin ang parehong abilidad sa magkaibang paraan. Kung sa pagiging anghel ay wala syang pinapakitang ano mang expresyon. Sa pagiging tao ay nagiging malambot na mamon ito at hindi kayang makasakit ng iba. Kahit na hindi sya makitaan ng ano mang expresyon ay nanatili ang kanyang kakayahan at ang kayang kabutihan bilang isang sugo at isang anghel.
Nilabanan ni Angela ang nilalang na ‘yon at mula sa kanyang palat ay lumabas ang kakaibang liwanag. Maski sya ay napapikit at saka napainda. No’n nya lang naramdaman ‘yon at no’n nya lang nalaman ang gano’ng kakayahan nya. Mula sa karapan nya ay sumabog ang nilalanh na ‘yon at saka sya nawalan ng malay. Ngunit iyon lamang ay ang kanyang katawan.
Nilabas ni Angela ang kanyang katawan at saka naman sinalo ng lalake ang kanyang katawan. Itinabi ito kay Louie at saka sumunod sa kanya ang kakae. Bumaba na rin si Angelo upang alalayan si Angela at saka tinapatan ni Angela ang demonyong kaharap nya. Naro’n na rin sila Jepoy, Ivan, Sheen, Yanna, Janne, Hazel, Rea at Ralph na busy makipaglaban sa mga kampon ng kadiliman.
“Masyado mo’ng ginalingan munting anghel,” ani ng demonyo sa kanya.
“Masyado kang maraming sinasabi at masyado mong minamaliit ang kakayahan ko,” ani nito at saka sya sinugod ng demonyo pero agad na nailagan nya ‘yon. Mula sa likuran ng demonyo ay agad na sinipa nya ito at hinanda ang latigo ng liwanag. Ang lalake na tumulong sa kanya’y isang black angel at nasa harapan na nya ito ngayon.
“Hindi ba dapat ang demonyo ay hindi tumutulong sa anghel?” saad nya at nagtiim bagang ang lalake sa kanya.
“Hindi ko sasayangin ang lakas ko para sa cheap na katawan na ginagamit mo.”
Sumugod sya kay Angela na agad namang sinalagan ni Anghelo at nangunot ang noo ni Angela. “Lagi ka nalang bang susulpot sa tuwing may laban ako?” tila naiinis na tanong nya kay Angelo.
“Narito ako upang kumbinsihin kang bumalik na sa dormitoryo,” sabi ni Angelo at pilit na nilalabanan ang itim na anghel sa kanyang harapan.
“Hindi ako babalik hangga’t wala akong napapatunayan,” ani nito at saka nya sinugod ang kalaban ni Angelo at hinampas ng latigo dahilan para tumalsik ito.
Nakatingin si Barachiel sa nangyayare mula sa mga guardian angels na nagtatanggol at gumagabay sa kanilang mga inaalagaang tao. Napatingin sa kanya si Azrael at saka ito bumuntong hininga. Bumaba ito upang sunduin na ang mga batang kinakailangan na ding umak’yat ng langit. Tinapat nya ang kamay nya saka naging maayos ang kanilang suot at ayos at ngumiti sa kanilang lahat ito. Ang mga batang namamatay ay nagiging anghel at nagiging taga gabay at taga bantay ng mga tao. Lumapit sa kanya si Lycka at saka sya yumuko upang pantayan ito.
“Nais kong tulungan si Angela,” sabi nito at saka sya napatingala sa anghel na no’n ay nilalabanan ang mga demonyo.
“Maari mo syang matulungan ngunit hindi ko maipapangakong papayagan ka nya,” saad naman ni Azrael sa kanya.
Tumingala si Lycka at saka sya lumipad ngunit hindi pa man nakakaangat ng biglang may humila mula sa kanyang paanan. Iyon ay ang katapat ni Azrael na si Death. Kinalaban nya ito at saka niligtas si Lycka at saka nito hinawakan ang bata. Napatingin sa gawi Angela at agad na nilatigo nito ang kamay ni Death dahilan para mapatingala sya. Sa punto na ‘yon ay tumalsik sya at saka sya tumama sa isang matigas na bagay. Ang mga tao’y walang kaalam-alam sa nangyayare sa kanilang kapaligiran. Dahil ang anghel na lumalabas sa gabi upang makipaglaban at bantayan sila’y nandodo’n lang.
Tinulungan ng isang ale ang katawan ni Angela at dila ito sa loob ng bahay nya. Gano’n din ang ginawa nito kay Louie na no’n ay wala ring malay. Lumapag si Angela sa harapan ni Azrael at saka nito nilagay ang kamay sa kaliwang dibdib at iniluhod ang isang binto at saka yumuko bilang paggalang sa mataas na anghel.
“Natutuwa akong nagiging malakas ka habang tumatagal. Ngunit... alam mo ang kahihinatnan ng iyong pananatili dito sa lupa.”
Tumango sa kanya si Angela at saka tumingin ito kay Lycka na no’n ay nakatago sa likuran ni Azrael. “Kinakailangan mo na rin umak’yat ng langit Lycka. Hindi ka maaring manatili rito,” ani nito at tumango sa kanya si Lycka saka lumipad at sinundan ang liwanag.
“Hanggang kailan ka mananatili dito?”
“Hanggang sa... kaya ko,” sagot nya.
“Ngunit---”
“Nauunawaan ko Azrael. Ang aking tungkulin ay gagampanan ko sa oras na lumala ang sitwasyon sa ginagalawan ko.” Yumuko si Azrael sa kanya at saka bumuntong hininga
Muling umak’yat si Azrael at saka sya nginisihan ni Barachiel. “Hindi mo mapipilit ang isang anghel na gusto lamang iligtas ang mga tao mula sa hagupit ng parusa.”
Tumalikod si Barachiel sa kanya at saka nito sinama ang mga bagong batang sasanayin sa kanilang gagampanan. Tumingin si Azrael sa mukha ni Angela ngunit wala syang makitang kahit na ano mula dito. Simula ng malaman ni Angela na isa s’ya sa ikapitong anghel ng trumpeta ay nawala na ang dating sigla mula sa kanyang mga mata. Ito ang kinatatakutan ni Angela, ang hipan ang gintong trumpeta dahil iyon na rin ang huling parusa. Ngunit hindi mauumpisahan ang pag-ihip sa pitong trumpeta kung hindi kumpleto ang pitong anghel ng trumpeta.
ANGELA’S POV
Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Napahawak ako sa mukha ko saka ako napahawak sa kaliwang dibdib ko. Minulat ko ang mata ko at nakita konsa harapan ko si Louie na no’n ay nakatingin sa ‘kin at tila nakatitig pa.
“A-anong...”
“Good morning,” bati nito.
Bahagya ko syang tinulak ngunit mukhang napalakas ata iyon at nalaglag sya sa baba. Agad na napatakip ako sa bibig ko at napatingin ako sa babaeng pumasok na may dalang pagkain. Tumayo si Louie at saka napahawak sa p’wet nya at nag-peace sign ako. Tumingin ako sa babae at saka ako tumingin sa paligid ko.
“Nakita ko ang ginawa mo kagabi, ija,” ani nito at nilapag ang dala nya. “Sa ginawa mo ay matatahimik na ang aming baryo,” dagdag nya na ikinataka ko.
“A-ano po ba ginawa ko kagabi?” takang tanong ko kasi wala akong naiintindihan.
“Inalis mo ang masamang demonyong sumapi sa katawan ni Susan. Iyon kasi ang nagiging dahilan bakit sya pumapatay ng mga bata,” saad nito at tumingin ako kay Louie na no’n ay nakanguso.
“I-inalis? A-ang alin? Pa-paano?”
“Wala ka bang maalala?” takang tanong ni Louie.
“Kung mero’n hindi ako magtatanong.”
“Talaga?”
“Mula sa palad mo’y may kakaibang liwanag na lumabas at sobrang namangha ako sa nakita ko,” k’wento nya.
Pero hindi ko maalala ang nangyare paano bang nangyare ‘yon? Ang tanging alam ko lang ay sumampa ako sa kanya at pagkatapos no’n ay wala na. Kinuwento nya ang nangyare lalo na ng ipasok nya ako. May lalake daw na nagtanggol sa ‘min pero matapos ‘yon nawala rin ito na parang bula. Pero wala akong maalala na lalakeng tumulong sa ‘min. Si Louie ay naalala rin ‘yon at sinabi sa ‘kin kung bakit sya nawalan ng malay. Nakakapagtaka talaga.
Matapos namin makakain ay saka kami lumabas at do’n ko nakita ang mga batang naglalaro at tila nagningning ang mga mata ko na makita ang mga ito. Hindi ako makapaniwalang may mga bata pala dito pero hindi ko sila nakita kahapon. Mula sa harapan ay naro’n ang sasak’yan at napatingin ako sa basag no’n. Bigla akong na-guilty dahil kasalanan ko rin naman bakit ito nangyare. Gano’n pa man ay pinuntahan ko ang bahay na ‘yon ni Susan at tinignan ang buong paligid.
Dumating ang mga pulis at mula sa loob ay nakuha ang mga batang labas ang mga lamang loob. Nang maamoy ko ang dugo ay muli akong nakaramdam ng pagbaiktad ng sikmura at saka ako sumuka. Lumapit sa ‘min ang isang police at saka nagpakilala. Matangkad ito na g’wapo at matangos ang ilong. Maputi sya at inaamin kong makisig sya.
“Ako nga pala si Zanrael Soledad, kinagagalak kong makilala kayong dalawa at nagpapasalamat akong natugunan nyo ang suliranin ng bayan na ito. Sa ngayon ay hawak na namin si Susan Montes at kinakailangan namin sya na dalhin sa mental hospital,” ani nito at saka ko pinunasan ang bibig ko.
Inalalayan naman ako ni Louie at saka ako tumango sa police. Hindi ko na sya pinansin at saka ako sumakay sa kotse pero napasinghap ako ng sumulpot ‘yong police. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat at saka ako napapikit ng mariin.
“Tingin ko kailangan mo na magbawas kakainom ng kape. Masyado kang magugulatin,” sabi ni Louie at saka ako natawa.
“Eh, nakakagulat naman talaga sya,” sabi ko at saka binaba ang window. “Sir?”
“Gusto kong humingi ng impormasyon sa kung paano nyong nalaman na may mga batang pinatay si Susan Montes.” Tumingin ako kay Louie at saka ako napalunok.
“Maniniwala po ba kayo kapag sinabi kong nakita ko ang batang pinatay nya at pinapunta kami dito?” pahayag ko na sya namang ikinaseryoso ng mukha nito.
“Hindi ako nakiki---”
“Hindi rin ho ako nagbibiro,” putol ko sa kanya at sumeryoso ang mukha ko. “Lycka Mendoza ang pangalan ng bata at hindi nya alam kung nasa’n ang mga magulang nya. Nawala sya sa gubat at natagpuan sya ni Susan Montes. Kapag nalaman nyo po ang pagkakakilanlan ng mga batang iyon ay p’wede po ba akong makahingi ng litrato? Hahanapin ko ang mga magulang ni Lycka,” litanya ko at hindi sya nakasagot.
Binigay ko ang number ko sa kanya at saka ko sinarado ang bintana at sinenyasan si Louie na umalis na. Nang makalayo kami ay saka ako nakahinga ng maluwag. Napasandal ako sa may bintana at saka ko ipinikit ang mga mata ko. Sa nangyare hindi ko alam kung sa’n ako napagod. Wala naman akong ginawa bukod sa pagsampa ko sa babaeng ‘yon. Hindi ko naman alam na baliw pala sya. Gano’n pa man ay tinahak na namin ni Louie ang daan pauwi.
Gabi na rin kami nakarating sa bahay at hinatid ako ni Louie. Nag-sorry ako sa kanya sa nangyare sa window ng kotse at saka nya sinabing ayos lang kahit na sa ‘kin ay hindi ‘yon ayos. Kumaway ako sa kanya at saka ako pumasok sa loob ng bahay. Naro’n si mama na naghahanda ng pagkain at saka ko kinuwento ang mga nangyare.
Napapaisip lang ako dahil alam ni Mama ang kakayahan ko pero wala syang kibo or tutol sa mga ginagawa kong pagtulong sa mga kalukuwang ligaw na naghihingi ng hustisya sa kanilang pagkamatay at upang makaak’yat ng kalangitan. Tinignan ko lang si mama na abala sa dalawang kapatid ko at naiisip ko, may alam ba si Mama na hindi ko alam? Hindi naman si Mama ang tipo ng taong malihim at alam ko ay wala naman silang maitatagong lihim sa akin.
Matapos kong kumain ay umak’yat na ako sa taas at mula sa higaan ko’y naro’n ang puting balahibo na naman. Tinignan ko ang drawer ko na halos mapuno na rin ng feathers. Humiga ako sa kama at saka napabuntong hininga. Tinawagan ako nila Janne at tinanong ako sa kung anong nangyare sa ‘kin at kay Louie dahil hindi raw kami naging active.
“Sasabihin ko ba na magkasama kami?” takang tanong ko sa sarili ko. “H’wag nalang baka asarin na naman nila ako lalo na si Jinx,” sabi ko ng nakanguso at saka sinabing may inasikaso lang ako.
In-off ko ang phone ko at napagpasyahan na matulog na kesa ang isipin pa ang nangyare sa araw na ‘to. Bago ako matulog ay nagpasalamat ako ulit kay Louie at saka ko chinarge ang phone ko. Exam na nga pala bukas at dahil tinatamad ako’y bukas nalang ako magre-review para naman mas ma-refresh ang utak ko.