CHAPTER 7

2322 Words
ANGELA’S POV   Nagising ako sa sinag ng araw at saka ako napahawak sa ulo ko. Napatingin ako sa ulunan ko at nangunot ang noo ko ng makita na naman ang feather. Tuwing gigising ako’y iyon ang bumubungad sa ‘kin. Tumayo ako at saka nilagay ‘yon sa isang kahon kung sa’n makakabuo na ako ng unan gamit ang feather na ‘yon. Ilang araw na at lagi nalang ganito. Nakakalito at nakakapagtaka sa totoo lang.   Naligo na ako para makapaghanda na sa pagpasok ko. Nang matapos akong magbihis ay bumaba na ako at nakita kong busy si mama sa pag-aasikaso kay Millan. Umupo na ako sa lamesa at saka ako naghanda ng kape ko. Hindi ako p’wedeng walang kape sa umaga kasi iyon ang pampagising ng diwa ko.   “Nak, ito na ang baon mo.” Inabot ni mama ang singk’wentang pera at saka ko ‘yon binulsa.   “Ma, nasa’n si Mia?” tanong ko.   “Nando’n at naglalaro pa. Sandali’t bibihisan ko na rin sya,” sabi ni mama.   Nang matapos akong magkape ay dinala ko na ang gamit ni Millan. Saktong nabihisan na rin si Mia kaya lumarga na kami. Habang naglalakad ay saka ko tinignan ang cellphone ko at nakita ko ang mga chat ng mga kaibigan ko. Nang makarating sa school nila Millan at Mia ay binigay ko na ang bag nila at pumasok na rin ako.   Pagdating sa campus ay sinalubong na ako nila Clarisse, Sheen, Rea at Jinx. Ang aga naman ng mga taong ‘to. Anong oras na ba?   “Uyy! Hindi ka late ngayon ah!” puna sa ‘kin ni Clarisse.   “Nag-alarm ang phone ko,” sagot ko naman saka kami naglakad.   “Wala pa sila Jepoy, pero nand’yan na sila Janne at Hazel.” sabi ni naman ni Sheena.   Nang makapasok sa loob ay do’n na kami sinalubong ni Janne na no’n ay lumalamon. Siguro ay hindi na naman ito nag-almusal sa bahay nila. Ang aga-aga pa hindi sya nag-almusal? Lagi nalang nagmamadali ‘tong babae na ‘to. Napatingin ako sa paligid ko at saka ko napansin na wala pa si Louie.   “Where’s Louie?” tanong ko.   “Asuswal, malamang sila-sila ang magkakasama kaya sila late ngayon,” Janne said while eating.   Napabuntong hininga nalang ako at saka kami sabay-sabay na nag-review kasi may pa-quiz ‘yong prof namin later. Maya-maya ay dumating na sila Louie, Daryl, Ralph at Jepoy. Ito talaga ang mga demonyo sa buhay namin, e. Charot lang. Gano’n pa man ay napataas ang kilay ni Jinx na tinignan sila.   “Oh? Bakit ngayon lang kayo?” tanong nito habang nakahawak sa bewang na ani mo’y ina.   “Ito kasing si Daryl nakipagpustahan pa sa computer shop kanina.” Sabay turo ni Jepoy kay Daryl.   “Panalo naman,” mayabang na sabi ni Daryl saka umupo sa tabi ko.   “E’di maganda, libre nyo kami.” Masayang sabi ko.   “Ahhh---”   “Daryl?” putol ni Sheen sa kanya.   “Kasi alam nyo nagtitipid ako guys,” sabi nya saka tumayo at hinawakan ko ang damit nya ng mahigpit saka ko sya tinignan ng masama.   “Tipid? E, napunta na lahat sa computer shop at pusta ‘yang pera mo,” bulyaw ko sa kanya.   Hinila ko sya paupo at saka pumuwesto sila Jepoy at Louie sa harapan nya saka naglatag ng kamay nila. Wala syang nagawa at saka nagbigay ng pera at nag-apir pa ang dalawa dahil nakalibre na naman sila sa mayabang at gastador na si Daryl. Pero mabait naman sya kaya ok lang kahit na maubusan sya ng pera. Joke lang ulit. May kaya kasi itong si Daryl at hindi sya katulad ng iba.   Saktong tumunog na rin ang bell hud’yat na para pumasok. Magkaklase kaming magkakaibigan kaya hindi na problema ang test for later kasi may matalino naman sa grupo. Pero s’yempre, one sit a part kami kaya nag-review pa rin sila at gano’n din ang ginawa ko. Kahit na alam kong wala rin namang papasok sa utak ko ay nagawa ko pa ring mag-review.   Nang papasok na kami sa room ay bigla akong nilapitan ni Louie at saka may kung anong kinuha sa likuran ko. Feather again. Kinuha ko ‘yon at saka kunot noo itong pinagmasdan. Hindi ko ‘to napansin sa damit ko kanina. Baka naman nalaglag lang mula sa ibon? Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay may Kalapateng puti ang dadaanan ako para laglagan ng balahibo hindi ba?.   “Hindi ka naman angel pero bakit may feather sa likod mo?” takang tanong ni Louie.   “Parang sinasabi mong demonyo ako?” kunot noong tanong ko.   Tumawa ang hinayupak saka pumasok sa loob. Nilagay ko sa notebook ang feather at saka na kami nag-proceed para sa test. Hindi ko talaga maintindihan kung paanong nagkakaroon ng feather ang damit ko at kama ko. Nang matapos ang test ay nagtanungan na sila kung ilan ang nakuha nilang score. This is our way to know who’s the highest At the end, si Jepoy ang talo kaya sya naman ang manlilibre ngayon. Buti nalang talaga at mababait itong mga kaibigan ko at lagi ring maasahan kahit anong oras.   Pumunta kami sa canteen at saka nag-order ng makakain. Isa lang ang subject ngayon kaya pupunta kami sa bahay nila Jinx para manood ng horror movies. Nang matapos kaming kumain ay saktong tumunog ang phone ko at nag-text si mama. Hindi nya daw masusundo sila Millan dahil masakit ang ulo nya at kailangan kong mauna para sunduin ang dalawa.   “Susunod nalang ako sa bahay nyo, Jinx. Susunduin ko lang muna sila Millan at Mia,” paalam ko sa kanila.   “Samahan na kita,” prisinta ni Louie pero tinanggihan ko.   Habang naglalakad ako ay may naramdaman akong kakaiba at hindi ko maiwasan ang hindi kabahan at s’yempre ang matakot. Pero ang tanga ko naman kung matatakot ako, e, tanghaling tapat ngayon. Nang makarating sa school nila ay agad na sinalubong ako ng dalawa kong kapatid at umuwi na kami sa bahay. Pagdating sa bahay ay hinanap ko si mama sa buong bahay pero hindi ko sya makita.   “Nasa’n si Mama?” takang tanong ko.   Nagkibit balikat ang dalawa kong kapatid at saka ako umak’yat para magpalit ng damit ko. Nang makapagpalit ako ay nag-text ako kay Jinx na hindi ako makakapunta dahil wala si mama sa bahay. Nag-text sya sa ‘kin kanina at ang sabi nya ay masama ang pakiramdam nya pero bakit wala sya dito? Bumuntong hininga ako at naalala ang feather na nakuha ni Louie kanina sa likuran ko. Kinuha ko ‘yon ay nilagay sa drawer ko.   Lumabas ako ng k’warto at nagulat ako ng nasa harapan ng pinto si Mia at Millan. Napasapo ako sa dibdib ko at saka sila pinalo ng mahina. “Ano ba kayong dalawa, papatayin nyo ‘ko sa gulat.”   “Ate, si Mama,” saad ni Mia at tila may kinatatakutan.   “Oo alam ko wala si mama.”   “Ate, si mama ayon oh.” Turo ni Millan kaya napatingin ako sa tinuro nya.   Nanlaki ang mata ko at agad kong pinasok sa loob ng k’warto ko si Millan at Mia. Ni-lock ko ang pinto at agad kong kinuha ang cellphone ko pero wala itong signal. Napatingin ako sa labas at nanlaki ang mata ko dahil sobrang dilim. Anong nangyayare? Tanong ko sa isip ko habang nanginginig ang kamay ko.   Kumalabog ang pinto at tuluyan ‘yon bumukas saka ko nilagay sa likuran ko ang dalawang kapatid ko. May pakpak ito na kulay itim at nakasuot sya ng itim rin na damit at pants. Matingkad ang sapatos nya at hawak nya si mama at papa. Naro’n din ang kakaibang buntot sa kanyang likuran at walang gana itong tumingin sa akin. Binato nya ang mga magulang ko sa harapan ko kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko.   “S-sino ka,” takot ma’y naitanong ko parin.   “ANGELA!” Nanlaki ang mata ko ng bigla may kakaibang liwanag ang tumama sa ‘kin at wala na akong malala bukod do’n.       THIRD PERSON’S POV   Mula sa harapan nya ay naro’n na sina Angelo at tila parang pinagtatanggol ito. Ang dalawang bata na kanina’y nasa tabi nya ay nawalan na ng malay at ang kanyang mga magulang ay gano’n din. Sa punto na ‘yon hindi nya hahayaan na mawala ang kanyang mga magulang ng dahil lang sa kanya. Nakangisi ang lalake sa kanya at inihanda ni Anghelo ang kanyang espada. Gano’n din ang ginawa nila Janne na no’n ay handa na rin sa laban.   “Bakit ba hindi ka nalang bumalik sa iyong tahanan at gawin ang iyong tungkulin?” tanong nito sa kanya.   “Hindi mo ‘ko madidiktahan sa kung ano ang gagawin ko.”   “Ngumit munting anghel. Masyado kang nagmamataas na ani mo’y hawak mo ang buong mundo sa iyong kamay? Ang bawat anghel ay nakalaan sa iisang tao upang sila’y bantayan. Hindi sa buong mundo,” asik nito.   Binukad ni Angela ang pakpak nya at saka ngumisi sa demonyong kaharap nya. Ito ang pinaka malakas na kalaban nila kahit ng ibang anghel. Ngunit isa lang ang makakatalo sa kanya at iisa lang ang makakapgpaluhod sa kanya.   “Bakit ba kahit nasa’n ako’y nando’n ka rin?”   “Hindi mo naman dapat pang ipaglaban ang bagay na alam mong hindi mo na rin mababago pa.”   “Hindi ako papayag na magdusa sila sa mundo mo,” sagot naman nito at saka lumabas ang mga alagad nito.   Sinugod nila ang mga alagad ni Sedit at saka naman tinapatan ni Sedit si Angel at Angelo. Habang abala ang lahat ay no’n naman ay hawak ni Sedit ang Ama at Ina ni Angela. Ngumisi sya kay Angela at saka ni Angela tinapat ang kamay nya kay Sedit pero wala iyon epekto. Hinagis ni Sedit ang mga magulang ni Angela at agad naman na sasaluhin sana ito ni Angela ngunit nasugod sya ni Sedit at hindi ‘yon agad ni Angelo naagapan.   Tumalsik si Angela kasabay no’n ay ang muli na namang pagsugod ni Sedit kay Angela. Agad na tumayo ito upang salagin ang pagsugod nitl sa kanya at saka nya tinignan ang nanlilisik nitong mga mata. Galit na galit ang kanyang mukha sa hindi malamang dahilan.   Mula sa palasyo ng mga anghel at paraiso ay nagkakagulo ang mga anghel dahil sa nawawalang trumpeta ng ikapitong anghel. Dahil dito nabulabog sila Azrael na no’n ay nakamat’yag kay Angela at Angelo.   “Ano ang nangyayare? Bakit nagkakagulo kayo?” takang tanong ni Zanrael.   “Wawala po ang gintong trumpeta ng ikapitong anghel!” sabi naman ng isang anghel.   “Ano? Paano ‘yon nangyare?” gulat na tanong nya.   “Hindi po namin alam. Nangyareng abala ang lahat sa kani-kanilang tungkulin at walang nakabantay sa trumpeta ng pitong anghel,” ani naman ng isa pang anghel na no’n ay nakayuko kay Zanrael.   Nagtinginan sila ni Azrael at hindi alam kung ano ang gagawin at sino ang may gawa nito. Mula sa kinalalagyan nila Angela ay matindi ang laban nila ni Sedit. Hindi hahayaan ni Angela na matalo sya ng isang nilalang na no’n ay alam nyang magiging dahilan upang magdusa ang mga taong mapupunta sa mundo nya.   Mula sa isang banda, nakamasid lamang sya at pinapanood ang maaring mangyare. Sa nawawalang trumpeta ay alam nya kung sino ang kumuha at iyon ang magpapatunay kung makakaya nga bang ibuwis ni Angela ang lahat mailigtas lang ang lahat mula sa kamay ng kasamaan.   Isang itim na anghel ang nagnakaw at nagpanggap bilang isang anghel. Dito masusubok ang kakayahan ng isang anghel at ang kanyang pananalig. Gano’n pa man ay hindi naman nya hahayaan na mapahamak ang kanyang sugo mula sa kamay ng mga masasamang demonyo.   “Hindi nagpapadaig ang mga anghel sa isang demon, Sedit,” asik ni Angela.   “Hindi porket anghel ka ay hindi ka magkakasala, Angela.”   “Alam ko ang mga maling nagawa ko at alam ko ang maaring kahihinatnan no’n, Sedit,” sagot ni Angela.   Muli na namang sumugod si Sedit kay Angela at saka sya sinipa ni Angela at sa punto na ‘yon ay tumalsik si Sedit at napuruhan. Naubos na ang kanyang mga kakampi at sa punto na ‘yon ay umatras sya ngunit bago umalis ay binalaan nya si Angela.   “Darating ang panahon na masasakop na namin ang mundong ito at hindi mo ‘yon magagawang pigilan. Hindi mo mababago ang tadhana na nakatakda na at nakasulat na, Angela.”   Nawala si Sedit at napahawak si Angela sa kanyang ulo at naitukod nya ang kanyang espada. Agad na nilapitan siya nila Janne at saka tinanong kung ayos lang ba sila. Binuhat ni Anghelo si Angela at sinenyasan sila Janne na bumalik muna sa dormitory. Inihiga nila si Angela at saka hinayaan na muna itong magpahinga. Sila Azrael naman ay pumunta kung nasa’n sila at saka kinausap sila ukols a nawawalang trumpeta.   Sa nangyare na ‘yon ay hindi nila malaman kung sino ang kumuha. Ngunit naro’n ang kanilang pangamba na baka hindi magawa ni Angela ang kanyang tungkulin dahil sa nawawalang trumpeta. Gano’n pa man kinakailangan nilang gawin na hanapin ang trumpeta at kinakailangan na ihanda si Angela.   Bumalik na sila Janne, Hazel, Rea, Jepoy, Daryl, Sheen, Clarisse at Ivan sa kani-kanilang tungkulin at iniwan muna si Angela sa dormitoryo. Inayos nila ang mga nasira mula sa bahay nila Angela at inayos nila ang katawan ni Angela na no’n ay walang malay pati na rin ang mga kapatid nito. Inihiga nila ito sa kama at inayos ang mga katawan nito na ani mo’y natulog lamang nang gabing iyon.   “Tingin ko tama na muna ‘to at bumalik na tayo,” ani ni Ivan at saka tumango ang lahat sa kanya at bumalik sa kani-kanilang mga katauhan.   “Ito ay isang pagsubok para kay Angela. Tingin ko’y ipapahanap nila kay Angela ang ikapitong trumpeta,” sabi naman ni Azrael. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD