CHAPTER 8

2306 Words
ANGELA’S POV   Nang magising ako naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Mula sa may gilid ng kama ay naro’n ang lalakeng hindi ko naman kilala pero hawak ang kamay ko. Agad akong bumangon at saka ko sya nilayuan. Wala akong pinakitang kahit na ani at saka ko sya tinignan mula ulo hanggang paa.   “Sino ka?” walang ganang tanong ko.   Tumayo sya at saka sya matalim na tumingin sa ‘kin. Ang simbilo mula sa kanyang ilunan ay nagsisilbing paalala na isa syang anghel mula sa panig ng mga demonyo. Tinignan nya ang pakpak nitong bumukadkad at bumungad ang itim na itim nitong mga pakpak at saka sya sumugod sa gawi ko at hindi ako gumalaw sa kinalalagyan ko.   “Hanggang ngayon hindi ko maunawaan ano nga ba ang dahilan bakit bawal umibig ang black angels sa mga white angels? Parehong anghel naman ang ating pinagmulan ‘yon nga lang ay marami akong kasalanan kaya iba ang kulay ng aking pakpak at kerubin,” saad nito at napakunot ako ng noo sa sinabi nya.   Hindi ko sya naiintindihan at hindi ko alam kung ano ang sinasabi nya. Dinampian nya ng kamay nya ang pisngi ko at nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Mula sa pintuan ay pumasok si Angelo at saka nya sinipa ang lalake mula sa harapan ko at saka ako hinawakan sa kamay. Tumingin ako kay Angelo at saka muling tumingin sa anghel na kaharap namin. Naguguluhan ako at naiintriga sa kung anong ibig nyang sabihin.   “Sugo ka rin ni Sedit hindi ba?” sabi nito at saka ngumisi.   “Kinalukugod kong makilala ang pinakatan’yag na anghel ng langit, ako si Lucifer, ang anak ni Sedit at med’yo mas g’wapo ako sa kanya kaya, h’wag na kayong magtaka pa,” sabi nito na tila nang-aasar pa.   Nakarinig ako ng yapal mula sa labas dahilan para biglang mawala ang lalake sa harapan namin. Pero bago sya umalis ay nag-teleport sya sa amay gilid ko at saka hinalikan ang kaliwang pisngi ko. Ang kanyang labi ay mainit na para bang apoy. Pero hindi naman ako natatablan noon. Nakapasok ang iba pang anghel sa loob ng k’warto at saka ako napatingin muli kay Angelo.   Hawak nito ang kamay ko at binawi ko ‘yon dahilan para mapalingon sya sa ‘kin. Dito pala ako nakatulog at dito pala ako iniwan nila Janne. Hindi pa ako nakabalik kaagad nang dahil sa nangyare. Gano’n pa man ay dumating sila Azrael at Zanrael kaya napatingin ako sa kanila. Hindi ko alam pero parang may hindi ako magandang kutob sa kanila at hindi ko ‘yon gusto lalo na sa mga itsura ng mukha nila. May ibang nangyare bukod sa nangyare ngayon.   Lumapit sila sa ‘kin at saka ako lumuhod at nilagay ang kamay ko sa kaliwang dibdib ko upang magbigay galang. Tumayo ako at saka ako tumingin sa mga mata nila na tila may sinasabi sa ‘kin na kung ano. Sumenyas sa ‘kin si Zanrael at saka ako sumunod at gano’n din ang ginawa ni Angelo. Nakarating kami kung sa’n namin haharapin ang panginoon at mula do’n ay lumuhod ako at pinagdikit ang palad ko.   “Kinalulugod kong muli kang masilayan, Angela,” bati nito sa ‘kin at nanatili lang akong nakayuko.   “Panginoon, kami po ay may suliranin ngayon. Nawawala ang gintong trumpeta ng ikapitong anghel ng trumpeta. Sa oras na dumating na ang paghuhukom ano ang ating gagawin?” saad na tanong ni Zanrael.   “Ang inyong suliranin ay maari ngang suliranin ngunit hindi. Mayroong isang nilalang ang kumuha ng trumpeta ni Angela at sa punto na ‘yon ay gusto nyang maging tao ito upang makuha ang kanyang gusto.” Napatingin ako sa kanya at kahit na hindi ko makita ang kanyang mukha ay dama ko ang presensya nya.   “Ano po ang ibig mong sabihin?” takang tanong ko.   “Ikaw ang aking masugid na lingkod. Ikaw ang aking ikapitong anghel ng trumpeta. Ikaw din ay may kasalanan kaya’t ipinapahayag ko. Kinakailangan mong humayo upang hanapin ang iyong trumpeta sa nalalapit na paghuhukom sa mga tao.” Napatayo ako sa punto na ‘yon.   “Ngunit... Panginoon, may pinaglalaban pa ako. Ang kanilang pagbabago!”   “Ang iyong nais ay hindi mo kailan man makakamit, Angela.”   “Pero alam ko! May natitira pa. Bawat tatak mula sa kanilang ulo at ang simbulo ng kerubin nila’y tanging pag-asa ko!”   “Ang pag-asa mo’y wala na. Maari ngang naro’n ang kanilang tatak. Ngunit nakakasigurado kaba na talagang sila’y maliligtas?”   Hindi ako nakasagot sa sinabi ng panginoon ngunit kinakailangnan ko naman na tangapin ang parusa mula sa kanya. Ang parusa na dapat noon pa kahit na alam kong mangyayare ay pinalaki ko pa. Ngayon na nawala ang trumpeta ko masisigurado kong hindi rin ito magiging madali sa ‘kin. Hindi ko rin alam na aabot sa ganito ang lahat.   “Kinakailangan mong hanapin ang iyong trumpeta sa lalong madaling panahon, Angela. Ang kaligtasan ng nakararami ay nasa iyong kamay. Ang kanilang pagdurusa ay nasa sa iyo rin. Mamimili ka. Ang magdusa sila o ang madala sa paraiso na inilaan natin para sa kanila?” hindi ko magawang tumutol gayong kasalanan ko ngang talaga kung bakit gano’n.   Yumuko ako sa kanya at saka ako napabuntong hininga. “Tinatanggap ko po ang inyong parusa ng buong puso,” sabi ko at saka ako napapikit ng mariin.   Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng tila sakit mula sa aking dibdib. Ang katotohanan na masyado akong malambot bilang isang anghel. Maari ngang malakas ako physically but not emotionally. Masasabi kong bilang ikapitong anghel ng ikapitong trumpeta isa ako sa pinaka weak. Lahat sila’y nagagampanan ng maayos ang kanilang tungkulin ngunit ako ay hindi.   Tumayo ito at saka lumapit sa ‘kon at hinawakan ang aking kanang balikat. Nakaramdam ako ng panghihina at napaluhod ako dahil do’n. Nakaramdam rin ako na pra bang nawawala ang pakpak ko at unti-unting nilalamon ng kakaibang kapangyarihan ang lakas ko. Napainda ako pero tiniis ko ‘yon. Matapos ‘yon ay napatukod ko ang kamay ko at saka ako napahawak sa dibdib ko. Pumatak ang mga liha ko sa hindi ko malamang dahilan. Ito ang kauna-unahang pumatak ang luha ko. Tumingin ako sa kanya at saka nya ako inalalayan na tumayo.   “Naramdaman mo ang panghihina hindi ba? Ngayon... palakasin ko ang loob mo ngunit papahinaain ko ang kakayahan mo at ang galing mo sa pakikipaglaban. Ang tanging pag-asa mo lang ngayon ay ang maniwala sa sarili mo na kaya mo hanggang sa mahanap mo ang trumpeta mo.”   “H-hindi... hindi ako lalaban?”   “Si Angelo ang iyong magiging gabay. Sya ang magsisilbing tagapagtanggol mo.”   “Pero---”   “Iyan ang parusa mo. Mero’n ka pang pitong parusa at pagdurusa na kailangan mong malagpasan at magampanan. Ngayon... magpahinga ka muna sa dormitoryo mo. Ipatatawag nalang kita sa oras na mapag-isipan ko na kung ano ang parusa ang ibibigay ko sa ‘yo.”   Yumuko ako sa kanya at nilagay ang kamay ko sa kaliwang dibdib ko. Matapos ‘yon ay hinatid ako ni Angelo sa k’warto at do’n ay napayakap ako sa sarili ko. Nawala ang kakaibang pakiramdam ko at ramdam ko ang panghihinga ko. Ramdam ko ang lungkot, ramdam ko ang kakaibang panghihina ko. Nararapat lang ito sa ‘kin dahil nakagawa ako ng mali at kinakailangan ko ‘yon pagbayaran. Iniwan ako ni Anghelo at ipinikit ko ang nga mata ko para ipahinga ang sarili ko.   ----------   Napamulat ako ng mata ko at saka ako napatingin sa paligid ko. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko dahil ang bilis ng t***k no’n. Hindi ko inaasahan na mararamdaman ko ‘to pero feeling ko may nawala sa ‘kin na importanteng tao. Tumayo ako at lumabas sa k’warto at tinignan kung nandito sila mama. Pero nang makalabas ako wala akong makitang mama at mga kapatid ko lalo na si papa.   “Ma!” tawag ko ngunit walang sumasagot. Tinignan ko ang k’warto kung sa’n sila natutilog ngunit napatakip ako ng bibig kong wala do’n ‘ni isa sa mga damit nila.   Napahilamos ako ng mukha ko at saka pumatak ang luha ko at nakaramdam ako ng pangungulila. Ang sakit sa dibdib at hindi ko alam kung anong nangyare. Lumabas ako ng bahay at saka ko tinignan ang buong paligid na no’n ay nababalutan na ng mga halamang may tinik. Ano ba ang nangyayare? Bakit ganito ang paligid ng bahay? Matagalba akong nakatulog? Nang makalabas ako’y do’n ko nakita ang sasak’yan na itim at napasinghap ako ng bigla akong isakay ng lalake.   Hindi ako agad nakapalag sa gibawa nya at saka ako napatingin sa lalakeng katabi ko na nakapatong ang silo at nakasapo ang mukha sa palad nya. Sino naman ang lalakeng ‘to?   “Te-teka... a-ano... mukhang nagkamali ata kayo nang---”   “Let’s go.”   “Sandali! Hindi ko kayo kilala at hindi ko alam kung sino ang kayo! Ano ba!!! Ibaba nyo ‘ko ngayon na!” asik ko at pilit na binubuksan ang pinto ng kotse pero hindi ko magawa.   Bigla nitong hinatak ang kamay ko at sa punto na ‘to ay napalingon ako sa kanya. Sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko at hindi ko alam pero parang nakita ko na sya sa kung saan. Parang nag-meet na kami somewhere pero hindi ko maalala. Bahagya ko syang tinulak at inayos ang sarili ko at saka ako tumingin sa paligid.   “Nakaharap ka ngayon sa isang pagsubok, Angela,” basag nito sa katahimikan naming dalawa at napatingin ako sa kanya.   “A-anong pagsubok sinasabi mo? Kailangan kong mahanap ang mga magulang ko. Hindi ko alam anong nangyare pero iyong bahay namin nabalutan ng mga baging at mga gumagapang na ugat tapos may mga tinik,” paliwanag ko. “Tapos kinidnap nyo ‘ko at sasabihing may pagsubok ako?” takang sambit ko.   Lumapit sya sa ‘kin at saka nya nilagay sa ulo ko palad nya at mula do’n ay napainda ako sa sakit at saka ako napapikit. Nakita ko ang sarili ko na naging anghel at kinakausap ang mga taong hindi ko alam na kilala ko pala. Nando’n din sila Janne na naging anghel at si Jinx na naging si Ivan. Ngayon ko lang nasilayan ito at ngayon ko lang nalaman. Para bang mga alaala silang nawala sa ‘kin na biglang bumalik.   Matapos nyang gawin ‘yon ay saka nya inalis ang kamay nya sa ulo ko at hinawakan ko ang ulo ko at napapikit ng mariin dahil sa sakit no’n. Paano nya kayang nagawa ‘yon? Takang tanong ko sa sarili ko. Tumingin ako sa kanya at saka ako nangunot ng noo.   “Angelo,” sambit ko.   “Mabuti naman at nakilala mo ako.”   “S-sandali...”   “Ito na ang unang pagsubok mo Angela,” sambit nya at saka ako napatingin sa driver.   “San Pedro?”   “At your service!”   “Hala? Bakit naman dito naisipan na bigyan ako ng mission? Nasa’n ang mga nagsilbing mga magulang ko?” tanong ko at saka ngumiti si Angelo sa ‘kin at mula sa harapan bumungad ang malaking gate na may simbulo ng feather ng angel.   Bumaba kami ni Angelo at mula sa may bungad ng pinto ay sumalubong sa ‘min ang mga taong puro’s naka-white. Nang makapasok sa loob do’n na tumambad ang iba’t-ibang anghel na may kanya-kanyang mission. Nando’n din sila Janne, Rea, Hazel, Jepoy, Ivan na dating Jinx, Sheen, Clarisse, at Yanna. Mula sa isang pinto pumasok kami ni Angelo at sa labas no’n ay nakatala ang Angels Missionary.   Nilagay ko ang kamay ko sa kanang dibdib ko at saka ako nagbigay galang sa nakaupo sa upuan at ngumiti ako. Ngumiti rin sya sa ‘kin at saka ako pinaupo sa upuan at sinunod ko naman.   “Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw si Angela?”   “Tama ka po!”   “Ang iyong mission ay mag-uumpisa na bukas at kinakailangan mong maghanda. Isa pa ang nakatala sa akin ay pitong mission,” ani nito at nangunot ang noo ko.   “Hala? Pito talaga? Hindi p’wedeng lima lang?”   “Angela?” suway ni Angelo.   “Ito naman nagbibiro lang ako. Ano ba ang mga mission na kailangan kong gampanan?” tanong ko at saka umayos ng upo ang lalake at gano’n din ang ginawa ko.   “Ang iyong unang mission ay mula sa isang tao. Sya ay isang babaeng may med’yo malikot na kamay. Ang unang mission mo’y tingin ko’y magiging madali lang.”   “Ano ba ang gagawin sa kanya?”   “Babaguhin mo ang ugali nya. Babaguhin mo ang buong pagkatao nya. Babaguhin mo ang lahat sa kanya, Angela,” saad nito at saka ako tumango.   Hindi ko naman masasabing mahirap at hindi ko rin naman masasabing madali. Ang baguhin ang isang tao mula sa kanyang kinagusnan hanggang sa maging mabait na nilalang. Kumg sa bagay ay iyon ang layunin ko noon pa lalo na nang hindi pa nawawala ang trumpeta. Pero sa tingin ko marami akonh mababago rin sa sarili ko. Noon hindi ko alam ang paanong ngumiti pero ngayon natututunan ko na.   “Ako lang ba mag-isa ang pupunta d’yan sa kanya?” tanong ko.   “Kasama mo ‘ko. Tandaan mong hindi ka makakalaban ng physical dahil nawala na ang iyong lakas,” paalala naman ni Anghelo.   Oo nga pala. Bakit naman hindi ko naisip kaagad ‘yon. Bumuntong hininga ako at saka ako tumingin sa kanila at sinabi pa sa ‘kin ang maaring mangyare sa oras na hindi ko mabago ang babaeng mission ko. Dahil do’n kinakailangan kong ipursigi ang sarili ko. Mawawala ang kerubin ko at unti-unting magiging itim ang mga pakpak ko. Bagay na hindi ko naman hahayaang mangyare. Ayaw kong maalis at maitapon mula sa land ng mga fallen angels.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD