Chapter 30

1684 Words
[Zerija’s POV] “Aren’t you interfering with my plans too, Zerija?” ang kalmadong sagot sa akin ni Rivaille na para bang wala lang sa kaniya ang sakit mula sa ginagawa kong panlilitik. Irritating. Palibhasa, sanay na sa sakit ng katawan kaya ganyan. Tsk, I’m remembering it again. Sobrang tagal na panahon na noon, bakit malinaw pa rin sa isipan ko? Hindi ito ang oras para kaawan itong si Rivaille. Bukod dito, he cannot die yet. No, that’s just an excuse, dahil ang totoo niyan…I cannot kill him. I can’t. “Bakit kasi pakialamero ka, at pati ako ay pinaglalaruan mo?” sigaw ko sabay hagis sa kaniya papalayo. They are starting to make their moves. Makigulo lang ang isa sa kanila ay malaki na ang epekto sa mga plano ko. Idagdag mo pa na ang lalaking ito pa ang nagpasimula! Him of all people, hindi ko inakala na siya ang unang haharang sa akin. “You never change. Malakas ka pa rin tulad ng dati. Pasensiyahan na lang Zerija, katulad mo may pinaghahawakan din ako. Hope you can understand that, at least.” sagot niya habang tumatayo at nagpapagpag ng nadumihan niyang damit. Pagkatapos ay muli na naman niyang ibinalik ang nakakainis na ngiting iyon sa kanyang mukha, ang ngiting walang kaide-ideya kung bakit ba ngumingiti ang mga taong katulad niya. So matindi rin pala ang pinanghahawakan ng lalaking ito? Mali Zerija. Ang totoo niyan ay alam mo na lahat kayo ay may paninindigan na nais protektahan at isakatuparan. Pilit ko lang kinalimutan sapagkat kung alalahanin ko pa, baka hindi ko na mapagpatuloy ang aking nasimulan upang pagbigyan na magtagumpay ang iba. Same applied to those people, dahil sino lang ba ang magkakaintindihan sa isa’t-isa, kung hindi kami rin? Wala ng iba. “Rivaille, alam ko ang binabalak mo. Hindi pa oras upang malaman ng mga users ang tungkol sa mga normal na tao. Stop that move for now and I will let everything pass.” saad ko sa kaniya. Konting minuto na lang ang natitira sa amin at mawawala na ang epekto ng freeze. I must convince him immediately dahil kung hindi, matitigil ang pagkaubos ng mga normal na tao. Magdadalawang isip din na pumatay ng mga Assassins ang mga users dahil baka isipin nila na mamaya ay isang malapit na tao na pala itong pinapatay nila. Saka dapat alam niya rin ito sapagkat maapektuhan din ang mga miyembro ng itinayo niyang grupo pag nagkataon. Naglakad papalapit sa akin si Rivaille still with that face that is irritating but at the same time, pitiful. “Alam ko ang iniisip mo.” sabi niya, “So kung alam mo, bakit mo pa rin gagawin?!” ang pagalit na tanong ko. Nagulat ako ng ipinatong niya ang kanang kamay sa ulo ko at marahang hinipo-hipo ito. Sa mga oras na yan, naramdaman ko na sobrang na-miss ko pala ang taong nasa harapan ko ngayon. Sadya lang talagang malupit ang tadhana sa aming dalawa dahil pagkatapos ng ilang taong hindi pagkikita ay sa ganitong uri pa ng sitwasyon kami muling pinagtagpo. Mayamaya ay bigla na lang siyang napatigil sa paghipo sa ulo ko, at nagsimulang magsalita… “Kapag nalaman ng mga users, magdadalawang isip silang patayin ang mga Assassins. Pero huwag mong kalimutan na hindi magdadalawang isip na pumatay ang mga alagad mo. Besides, alam mo naman kung gaano katindi ang galit ko sa mga users di ba? Mas pipiliin kong mas mauna silang mabura dito sa mundo kaysa sa iba.” sabi ni Rivaille. Handang baligtarin ng taong ito ang nauna ng napagdesisyonan dahil lang sa pansariling rason. Nakakalungkot din dahil mukhang hanggang sa ngayon ay wala man lang nabawas sa galit na nasa loob niya sa kabila ng maraming kamatayan na nasaksihan mismo ng dalawa niyang mata. Just when we thought na may nagagawa na kami upang paluwagin ang kalooban niya, yun pala, wala pa. “Hindi na ba magbabago ang desisyon mo kahit anong gawin ko?” tanong ko sa pag aakalang may pag-asa pa. Pero umiling lang ang kausap ko sabay sabi ng, “I just want to get find my revenge as soon as possible. Higit sa lahat, gusto ko ng matapos ang lahat ng ito, lollipop.” Pagkarinig ko ng huli niyang sinabi, kusa na lang tumulo ang mga luha ko ng hindi ko inaasahan. “Don’t ever call me by that alias, iyakin!” reklamo ko sa kaniya habang pinapahiran ang mga luha ko. Argh! Bakit ba kasi ganun ka-drama ang mga nakaraan namin kaya ayan, hindi ko tuloy napigilan ang emosyon ko. Narinig ko siyang tumawa ng konti, “Iyakin ka diyan eh ikaw nga itong umiiyak ngayon.” biro niya sa akin, at nagulat ako nang tinulungan niya ako sa pagpahid ng mga luha ko. “Iyakin ka rin dati.” ang childish na sagot ko sa kaniya with matching pout pa. Iyakin naman talaga siya eh. Sigurado rin akong iyakin pa rin yan hanggang ngayon. “Thank you,” nagulat ako na marinig ito mula sa kaniya. Bigla-bigla ba naman nagpapasalamat ng hindi ko alam ang dahilan. “Para saan naman?” tanong ko, “For crying on my place.” sagot niya habang mas nilakihan pa ang fake smile na yun. Alam ko ang nais niyang iparating. He can’t afford to cry anymore dahil baka kapag ginawa niya, baka tuluyan na siyang bumigay at hindi na makaya pa. He may look strong, but deep inside, mas malakas pa ang pagong kaysa sa kaniya. Kung tatanungin ako kung may isa mang tao dito na kung saan may matinding galit ang mundo, marahil si Rivaille na iyon. “Uh oh! Sa tingin ko wala na talaga akong magagawa! Bahala ka sa buhay mo! Kaya ko naman sakyan yang plano mo eh!” sabi ko at biglang tumalikod sa kaniya. Pero nang akmang pahakbang na ako papalayo at alam ko rin namang malapit ng mawala ang epekto ng freeze, bigla niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko na pumigil sa akin. “Patawad Zerija. I cannot secure your lives in the process. Baka sa huli ay magamit ko lang kayo. Malala ay baka magkaroon ng pagkakataon na kung saan mawawalan ako ng choice at burahin kayo. Sorry.” sabi niya sa isang takot na tono. Ramdam ko rin ang pag aalala mula sa kaniya sa pamamagitan ng kanyang kamay. Ano ba yan? Iniiwasan ko pa naman na pag usapan ang mga ganitong bagay because I’m no different. “Don’t apologize. Same applies to me…to everyone. Hindi natin alam pero maaring dumating ang punto na kung saan kakailanganin natin na magpatayan. Alam mo ba na pilit ko rin yang iniiwasan sa mga plano ko? Pero nitong nakaraang araw lang ay nalaman kong mukhang hindi possible lalong-lalo na kapag sumali na rin sa laro yung iba.” ang malungkot na sagot ko sa kaniya na kasabay ng pagbitaw niya sa kamay ko. Hindi ko alam kung tama ba na sinabi ko sa kaniya yun. Pero walang magagawa dahil iyon ang totoo. We cannot win in this game without a great sacrifice. “So I guess this is goodbye for now. I will forget everything about this talk, and the fact that I met you lollipop.” sabi niya. Nagsimula na rin akong makarinig ng mga yabag ng paa na papalayo sa akin pagkatapos nito. Ang kulit. Sinabing ayaw kong marinig na tinatawag niya ako sa ganung paraan. Tsk. Di lang nakikinig? Nang inakala kong wala na akong gustong sabihin, saglit akong napatigil, “Wait,” tawag ko sa kaniya, “Bakit?” tanong naman niya sa akin habang magkatalikuran kami patungo sa magkaibang landas na walang kasiguraduhan ang patutunguhan. “I…I…nnnnn…NOTHING! Bye!” sagot ko. Argh! I cannot afford to say that to him right now! Sobrang nakakahiya! Sasabihin ko sana na… Rivaille, can you show me your real smile? Baliw na si Zerija! Bakit ko naman gustong makita ang tunay na ngiti ng iyaking iyon? Saka that person stopped smiling honestly ever since that day, and to think that I am still powerless until now to retrieve that stolen smile… “Hoy Zerija! Bakit ka tumigil?” nagulat ako nang marinig ang boses ni Cirin. Wow. Hindi ko namalayan na nawala na pala yung epekto ng freeze. Tanging ang nakikita ko lang ngayon ay ang naiinis na mukha ni Cirin, at ang nagtatakang si Leora. “Wa sorry! Sumakit lang yung tiyan ko ng konti. Pero akalain mo yun, bigla na lang nawala! Ahehehe~” sagot ko habang nagkakamot ng ulo. Sa pagkakataong ito ay nakita ko ng mas malinaw ang naiinis na mukha ni Cirin. “Hoy Zerija may nangyari ba?” nagulat ako sa parang ewan niyang tanong. Sa oras din yan ako napaisip kung ano nga ba ang nangyari? “W-wala naman. Ahehehe!” sagot ko, Ang tanging natatandaan ko lang ay ginamit ko ang freeze upang mapigilan ang plano ni Rivaille. Pero napigilan ko ba? Nagawa ko ba ang dapat kong gawin? What the hell? Bakit wala akong matandaan! Huwag mong sabihin na kinalimutan ko lahat ng pinag-usapan namin? Nagpaloko rin ba ako sa Rivaille na yun?! Argh! Can’t believe that I’m that stupid to do that! Sinayang ko lang ang isa sa mga top rank commands. Ahuhuhu! “Hoy, kung wala naman pala ay ano pang hinihintay mo?!” sigaw sa akin ni Cirin. Ayan, high-blood na naman. “Sorry!” sagot ko at nagsimula ng tumakbo kasama nila. Nanatili akong nasa may likuran ni Cirin habang patuloy pa rin sa pagtakbo. There are lots of things I have decided to forget. Ipinangako ko rin sa sarili ko na dapat magtiwala lang ako sa sarili kong may alam ng lahat. I should trust. May rason kung bakit kinalimutan ko ang usapan namin ni Rivaille. Pero alam kong may isang bagay na hindi-hindi ko dapat makalimutan, I must keep running with this person right in front of me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD