Chapter 29

1191 Words
Mas napatunayan ko pa ang hinala ko nang makita ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Just as I thought. This explains why he decided that Cirin will be his target. Alam ng taong ito na hindi ko kayang humiwalay kay Cirin. Which means na kung saan siya pumunta, nandoon din ako. Kung ano ang desisyon niya, wala akong magagawa kung hindi gayahin ito, at ang malala, he hit two birds with one stone dahil pati ako, ay kontrolado na rin niya. This is not good. Lahat ng sagabal sa plano ay dapat kaagad na binubura sa larong ito. Sa akin lang…sa akin lang…si Cirin! Hindi ko hahayaang may sumira sa lahat ng pinaghirapan kong buuin! Marami na akong sinakripisyo para makuha ang lugar na kintatayuan ko ngayon, I even killed my own family just to get her trust! “Zerija, ituring mo akong pinakamalapit mong kaibigan, kahit na maraming ako…” Sa oras ng pagdedeluryo ko, ay aking naalala ang mga salitang binitiwan niya sa akin noon, ang boses na nais kong marinig habang buhay kung maari lang. Ang boses na mas pinili kong kampihan kaysa sa pamilya ko. Ang boses na aking inspirasyon upang patuloy na makipaglaban, kahit na buhay ko pa ang maging kapalit. “…dahil kung may isang tao man na nais kong manalo sa larong ito, sana’y maging ikaw.” Kaya naman hindi ako papayag na magpatalo sa mga plastic na katulad nitong si Rivaille. Sapagkat kung siya ang manggagamit, ako naman ang taong nabibilang sa uri ng mga magagaling na magpanggap! “A-ate Z-zerija, na-na-nasasakal a-ako!” natauhan ako nang marinig ko ang putol-putol na salita ng bata na hawak ko ng mga oras na iyon. Damn! I lost myself! Hindi ko napansin na sinasakal ko na pala ang leeg niya! “Oh sorry Lenon! Nadala lang ako sa cheezy scene nina Cirin at Rivaille. Hehee~” sabi ko sa kaniya habang nililikha sa aking mukha ang isang sincere na expression. This boy, reminds me of my brother, Zora. Kaya naman hindi ko yata kakayanin na makita siyang pinapatay right in front of me for the second time. Yun ang dahilan kung bakit hindi ko na-kontrol ang aking sarili at napasugod bigla kanina upang siya ay iligtas. Pero kung alam kong magiging malaki pala ang papel niya sa mga plano ni Rivaille, I should have never done that. Sana ay hinayaan ko na lang siyang mamatay sa paningin ko, twice. “Zerija, ikaw ang bahala magturo kay Lenon ng complicated martial arts, samantalang si Cirin naman ang bahala sa pure self-defense lessons.” nagulat ako nang marinig si Rivaille at makitang nasa harapan ko na pala sila ni Cirin. Alam kong ayaw man ni Cirin na magturo, wala siyang magagawa. Tsk! This bastard, he will pay. “Roger!” ang masigla kong sagot habang pilit na ibinibigay ang natutuwa kong expression. Naramdaman ko bigla ang nanginginig na katawan ni Lenon. Heh? Kawawang bata, mukhang nagkaroon ng phobia dito kay Rivaille. Nang mapansin ito ng lalaki, saglit itong umupo at hinipo-hipo ng dahan-dahan ang ulo ni Lenon. “Don’t be scared. I will not kill you. ‘Coz it is not needed anymore.” sabi nito habang pabulong lang niyang sinabi ang mga huling salita na tanging ako lang ang malinaw na nakarinig. Gusto niya pala ng mga ganitong laro ha? Sige, we will see kung sino ang mas lamang, the user, or the pretender? [End of flashback] Natigil ang pag papractice nina Lenon nang may pumasok bigla sa kwarto. Kung tama ang aking pagkakatanda, ang pangalan niya ay Leora, ang babaeng may maikling kulot na buhok. Humihingal siyang nakarating sa amin, pero kalmado pa rin ang kanyang dating. “Cirin at Zerija, sa hindi alam na rason, sobrang daming nagkalat na Assassins sa labas nitong hide-out. Kailangan kayo. Utos yan ni Rivaille.” sabi nito sa isang seryosong tono. Walang anu-ano ay sinabihan ni Cirin si Lenon na manatili muna dito, at kaagad kaming inalalayan ni Leora papunta sa lugar ng labanan. Ngunit, sa gitna ng takbuhan ay bigla akong napatigil. Nakakapagtaka. In reality, alam kong hindi na nila kami kailangan pa. That Rivaille, he is plotting something again! Unfortunately this time, and for the first time, sa tingin ko kailangan ko munang tanggalin ang aking maskara to destory his plans. Hindi ko na mapapalampas na maggamit pa ako this time! “Zerija?” narinig ko ang nagtatakang boses ni Cirin. Napatingin naman ako sa kaniya. Hindi sa lahat ng oras, pwedeng gawin ng Rivaille na iyon ang kahit anong gusto niya. Maraming Assassins sa labas huh. Then, now I’m sure that he is what I think he is. If he has the power to control this game, same applied to me… Sorry Cirin, “Nissassabase diacheiristí̱s entolí̱ noúmero éna págo̱ma” ang mahinang bulong ko gamit ang linguahe ng mga Griego, ang opisyal na linguaheng ginagamit namin, ng Nissassabase, upang magpatakbo ng commands gamit ang mga salita lang. Nissassabase diacheiristí̱s entolí̱ noúmero éna págo̱ma, kapag isinalin sa English ay Nissassabase admin command number one: freeze, ay isa sa mga sa limang top rank activation commands na tanging mga matataas na miyembro lang ang pwedeng makagamit. Nagagawa nitong patigilin ang oras sa pamamagitan ng pag-freeze sa lahat ng atoms dito sa mundo. Pinapatigil nito lahat ng bagay na gawa sa atoms, maliban syempre sa mga katulad ko. Habang naka-activate ito, nawawalan ng bisa ang mga gamot katulad ng sefrez, the medicine which can make you forget. Kaya naman lahat ng bagay na kinalimutan ko, ay nagsibalikan. The moment I chanted this command, lahat ng bagay sa harap ko ay nag froze, including Cirin. Tumatagal lang ito sa loob ng limang minuto kaya kailangan kong magmadali, Mayamaya ay nakaramdam ako ng nagmamasid na presensiya, Sabi ko na nga ba, I don’t need to search for him, he will be the one to search for me, “So, ikaw pala yan ha, pakialamero ka talaga kahit kelan!” sigaw ko dito. Kasunod nito ang mga tunog ng yabag ng paa. Papalapit ng papalapit sa akin, hanggang sa malinaw ko ng nakita ang taong nasa harapan ko, “Heh, sinong mag-aakala na magtatagpo pala tayo sa labas ng madilim na silid na iyon, Zerija. Sayang itong command mo, hindi mo na magagamit.” ang sabi pa nito habang nakangiti ng todo-todo. Kaya naman pala, gumamit din ng sefrez ang loko! Tama siya, isang beses lang sa buong buhay namin pwedeng gamitin ang limang commands. Pero ayos lang, sapagkat nangyari na rin ito nung minsan. Ibig sabihin lang, may isa na sa amin ang naunang gumamit nito na mas nauna pa sa akin. Walang anu-ano ay kaagad ko siyang sinugod, hinawakan ng mahigpit sa leeg, at akmang lilitikin. “Don’t interfere with my plans unless you wanna go to hell first, Rivaille.” sabi ko dito habang nililitik ang leeg niya. His smiling face is irritating as always. Kaya naman pala kahit may sefrez na ako, pamilyar pa rin ang ngiting iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD