“Sir, nagpapadala po ng sefrez ang Dominus!” sambit ng isang taong utusan na matatagpuan sa loob ng building ng Neuron.
Kasalukuyang nagtatakang nakaharap sa kaniya ang kanyang kinakausap sa loob ng isang malaking laboratory na kung saan kaliwa’t-kanan ang mga taong busy sa pagtatrabaho.
“Sino naman kaya ang gagamit nito this time? Pambihira, pang-apat na ito.” sagot ng isang may katandaang lalaki habang pumapasok sa isang kwarto na protektado ng maraming iba’t-ibang uri ng security.
May seguridad na mag checheck ng mata, palad, dila, at password upang ang tanging makapasok lang ay ang mga taong pinagkakatiwalaan. Ganyan katindi ang sikreto sa likod ng amnesiatic medicine na sefrez, isa sa pinakainiingat-ingatang formula ng Neuron.
Nang makalabas ang matandang lalaki ay kaagad na iniabot nito ang isang mahabang tube na may asul na liquid sa lalaking utusan.
“Ingatan mo yan. Maraming dugo ng tao ang kailangan upang magawa ang isang bote niyan.” sabi ng matandang doctor na nagpatindig sa balahibo ng lalaking kinakausap niya. Halatang ngayon lang niya narinig ang tungkol sa isa sa pinaka-importanteng ingredient nito.Walang anu-ano ay kaagad na kumilos ang utusan upang dalhin sa humihingi nito ang pambihirang gamot.
Ang sefrez ay isa sa pinaka-advance na produktong ipinagmamalaki ng bagong panahon. Ang kumpletong kwento kung paano ito nabuo ay isang alamat na dalawang tao lang ang nakakaalam. Ngunit sa ngayon, magiging tatlo na, sapagkat malalaman na ito ng taong sa kasalukuyan ay nagbabasa.
Noong una ay inakala na impossible na paglaruan ang memorya ng tao. Yung tipong pwede mong kalimutan ang lahat ng gusto mong kalimutan, pwede mong palitan ang lahat ng gusto mong palitan, at ang kakayahan na kontrolin ito hanggang sa kelan mo gusto.
Ngunit lahat ay naging possible ng ipinanganak ang isa sa pinakamatalinong tao. Ang taong nakatadhanang lumikha ng maraming bagay na magbabago sa mundo, at ang tao rin na nakatadhanang sumira nito.
“Mama~~Mama! Tingnan mo, naayos ko yung sira niyong cellphone! Pati na rin yung sirang laptop ni Papa.” tawag ng isang seven year old na batang lalaki sa kanyang Mama na kasalukyan ay kausap ang kakambal nito.
“Oh, ang galing mo Zerfes! Ilagay mo na lang diyan. Alam mo na. May laban sa Olympic games ang kakambal mo bukas.” sagot ng Mama nito sabay talikod sa kaniya.
Palagi na lang ganyan ang sinasabi ng mga magulang niya, pero sa huli, hindi man lang sila magbibigay ng panahon upang purihin o tingnan man lang ang mga ginawa niya. Lahat ng attensyon ng kanyang magulang ay nakatuon sa kakambal niyang babae.
Hindi naman niya sila masisisi sapagkat…pangarap ng mga magulang niya na magkaroon ng anak na magaling sa palakasan, at hindi nila pinangarap na magkaroon ng tulad niyang matalino nga pero kasing rupok ng balat ng itlog ang katawan.
Tila ibinigay ng Diyos lahat sa kakambal niya ang lahat ng physical na talent, samantalang sa kaniya naman napunta ang lahat ng talino. Talinong hindi niya alam kung paano niya gagamitin dahil sa mahina niyang katawan.
“Zerfes! Nanalo ako! Yipeee! Tatlong sunod na ‘to! Champion na naman!” sabi sa kaniya ng kaniyang kakambal habang ipinapakita ang medalya na nakuha nito.
“Ang galing mo talaga chun-chun! Wow! Gold! Ambigat pa!” sagot naman niya habang manghang-mangha na pinagmamasdan ang medalya ng kakambal niya. Nang inakala niyang papaalis na ito upang ipakita ang nakuha niya sa kanilang mga magulang, nagulat siya nang bigla itong nagtanong…
“Siya nga pala, narinig ko na naayos mo raw yung laptop at cellphone, patingin ako bilis!”
“Pero di ba dapat ipinapakita mo muna yang medal mo kayna Mama?” tanong ng lalaki,
“May mamaya pa naman, saka mas excited ako na makita ang mga gawa mo, Zerfes!” ang masiglang sagot ng kakambal niyang babae habang may malapad na ngiti sa kanyang mukha.
Hindi na niya napigilan at tuluyan na siyang napaiyak,
“Pfft…ano ka ba? Palagi ka na lang umiiyak kapag titingnan ko ang gawa mo! Be proud ‘coz I’m always proud of you.” dagdag pa nito,
Pilit naman na pinigilan ng kambal na lalaki ang pagtulo ng kaniyang luha sabay pahid na rin sa mga ito.
“Eh kasi ikaw lang ang may pakialam sa nararamdaman ko,” sagot nito habang sumi-singhot pa.
“Ang drama mo! Syempre may pakialam din sina Mama, nu ka ba?”sagot ng kakambal niyang babae habang hinihipo-hipo ang kanyang ulo.
Nang makarecover na ang iyaking kakambal, inayos niya ang sarili at iniabot ang kamay sa kakambal na babae sabay sabi ng…
“My princess, let me show you the greatest technologies of all time.”
“Really? Yes! Yes! Show me!” ang masayang sagot ng kausap niya.
Kahit pansin niyang may discrimination sa pamilya nila, hindi niya magawang kamuhian ang kakambal niyang ito. Tanging siya lang ang nakakaintindi, nakakapansin, at nagpapasaya nitong malungkot niyang mundo.
“Zerfes, uwa ang daming bago! Dalawang araw lang akong nawala! Ui ano ‘to? Ito pa? Ito rin? Lahat ng yan, ano yaaannn?” tanong ng kakambal niyang babae habang bakas na bakas sa mukha nito ang pagkamangha na makita ang mga bagay na ginawa ng kakambal niya habang sya ay wala.
Walang bahid ng pagpapanggap, kitang-kita niya sa mga mata nito na manghang-mangha talaga ang kapatid niya. Sa mga oras na iyon ay nagdesisyon siya na siya ang una at huling babaeng mamahalin niya dito sa mundo kahit na bawal iyon dahil magkapatid sila.
Masaya niyang ipinaliwanag kung ano ang mga ito simula sa quantum computer na ginawa niya nung isang araw hanggang sa virtual reality multi-player game na pinaghirapan niya.
Nang matapos ay isang malakas na palakpak ang ibinagay sa kaniya ng kanyang kakambal na dahil sa sobrang lakas ay namula ang mga palad nito.
Nang napansin niya ito, kinuha niya ang pain healer na inimbento niya at ibinuhos ito sa palad ng kanyang kakambal.
“Masakit pa ba?” tanong niya,