[Zerija’s POV]
“Ano ba?! Anak ng unlimited rice naman oh! Wala ka bang tenga o mahina lang yang kokote mo?! Sinabi ng kapag stretch kick, hindi nagbebend ang tuhod! Surot ka talaga! Front kick yang ginagawa mo!” ang nauuyamot na sigaw ni Cirin sa kawawang si Lenon.
Hahahaha! Never kong inimagine na teacher si Cirin, at ngayon ko rin napatunayan na hindi talaga siya pwedeng maging teacher! Unlimited na kaagad? Eh dalawang beses lang naman nagkamali si Lenon.
Sobrang high-blood na siya ngayon. Idagdag mo pa na sa tuwing nadaragdagan ang inis niya ay halos magkalasug-lasog ang kanyang buhok dahil sa sobrang pagkamot niya dito. Nagmumukha na tuloy siyang baliw. Pfffttt~~
“Sorry Ate Cirin. Pero pareho lang naman silang kick kaya…there’s no big deal?” sagot ni Lenon habang pilit na iniintindi ang teacher niya.
Teka, baligtad na baa ng mundo? Bakit parang itong si Lenon pa ang nakakatanda, tapos si Cirin ang lumalabas na isip bata? Hahaha! Ang cute nila, lalo na ang irritated face ng Cirin ko! Go Lenon, asarin mo si Cirin para masaya!
“What the heck are you saying?! That’s not the point! Pareho nga silang kicks pero they vary in terms of strength, speed, impact, and…nnnnnnn…how can I explain everything without spending so much effort? Argh! Hoy Zerija, ikaw na nga dito!” sigaw niya sa akin, at halata kong she might snap anytime dahil ang pula na ng mukha niya.
Yamot na yamot na talaga! I can’t belive her, hanggang ngayon ba naman ay effort pa rin ang nasa isip? Grabe, kung tunay na school ito, bata unang araw pa lang ni Teacher Cirin eh napatalsik na siya kaagad.
“Sorry Cirin, pero si Rivaille ang kauspin mo, huwag ako. Tehee~!” sagot ko sa kaniya with matching wink pa, na mas lalong nagpasama ng mukha ni Cirin.
Tumahimik lang siya ng sandali na para bang nag iisip, at sa itsura pa lang niyang tila gustong makapatay, alam kong naalala niya kung paano siya nagawang kontrolin ng Rivaille na iyon!
That person, may something sa kanyang bumabagabag sa akin. Pamilyar din ang mga ngiti niya, at hindi ko alam kung bakit. Sa ngayon, hindi pa ako makahanap ng butas. Pero mayroon akong kaunting hint na magpapaliwanag ng mga actions niya towards Cirin.
“Arghhhh! Never ko ng uulitin ito, at kung uulitin ko man ito, dapat milyon ang sweldo ko! At ikaw Surot~~!” sabi nito habang tinuturo si Lenon,
“Yes Ma’am!” ang masiglang sagot ng bata habang tinutuwid pa ang buong katawan na para bang sundalo.
“Umayos ka, kung hindi…kakalbuhin ko yang malagong buhok mo na pwede ng pagpugaran ng ibon!” ang padabog na sigaw ni Cirin.
Naalarma si Lenon, kaya napahawak sa buhok niya. Mukha kasing hindi nagbibiro si Cirin na kakalbuhin niya nga, samantalang itong bata naman ay halatang iniingatan ang kanyang buhok.
Sayang naman kung makakalbo di ba? Nakakatuwa talagang panuorin ang dalawang ito, parang Tom and Gerry lang eh. Kung sino si Tom, o kung sino si Gerry, well iniiwan ko na yun sa imagination niyo.
Habang tinuturuan pa rin ng self-defense nitong si Cirin si Lenon, biglang pumasok sa isipan ko ang mga pangyayaring naganap bago pa kami napunta sa kinatatayuan namin ngayon.
[Flashback]
“Heh? Then you are willing to become mine kapag pinasali ko ang batang iyon? You can’t take back your words Cirinthixa.” nagulat talaga ako to the point na halos mailuwa na ng mukha ko ang aking mga mata nang narinig ko ito mula sa lalaking iyon.
Rivaille, anong binabalak ng taong yan? Handa niyang bawiin ang nauna niyang desisyon para lang mapasali si Cirin?
Pero ang Cirin na kilala ko ay hindi basta-basta papayag na mahulog sa plano niya.
“I have one word.” mas kinilabutan ako nang marinig ang isang hindi inaasahang sagot mula dito kay Cirin.
For real?! Pumayag siya na magpaalipin sa isang malabong kondisyon? Dapat ginagamit mabuti ang utak sa pagkakataong katulad nito!
Sa mga oras din yun ay napagtanto ko na na-misjudge ko ang babaeng ito na halos araw-araw ko ng nakakasama. Bakit ngayon ko lang ba naisip? Dapat napansin ko na ang weakness niya ng mga oras na pinapatay ko sila!
Si Cirin, kapag nakakita ng mga taong nasa panganib, lalong-lalo na kung may koneksyon ang mga ito sa kanya, kahit gaano pa katindi ang pagsalungat ng kanyang utak, hindi niya kayang pigilan ang sarili na gawin ang lahat ng paraan para sila ay matulungan.
What a troublesome other half!
This is not good, may kutob akong tuluyan na kaming nahulog sa plano nitong si Rivaille.
“Yun lang pala, then sige, simula ngayon, ang batang iyan ay myembro na ng Dark Hand Order.” sabi ni Rivaille habang nakasubsob ang mga labi nito sa buhok ni Cirin.
Sa una, yan ang tingin ng iba, maliban sa akin. Sapagkat may kutob akong ginawa niya ito upang pagtakpan ang tunay niyang intensyon.
Gusto niyang palabasin na interesado siya kay Cirin, kahit na ang totoo ay gagamitin niya lang ito, kami. Hindi na nga lang ako sobrang nagulat dahil wala rin namang pinagkaiba ang mga tauhan niya, because this person’s hobby is to manipulate people.