Chapter 27

1597 Words
“Cirin…?” narinig ko ang nagtatakang boses ni Zerija, “Uh ow, hindi pumasok. Ma-try ng ulit,” sabi ko at kaagad na nagpakawala ng bagong arrow which is hindi na naman ulit pumasok. Tatlong beses ko itong pinaulit-ulit hanggang sa tumigil ako nang mapansin na isa na lang ang natitirang arrow sa likuran ko. Rinig ko ang masasamang nanlalalit na bulungan tungkol sa akin. Nariyan din ang matinding panglalait ni Fres. Binigyan ko lang sila ng smirk as a reply. “Cirin, why--?” hindi ko na hinayaang ituloy pa ni Zerija ang sasabihin niya dahil dapat alam niya ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa, “Sorry kung nadisappoint kayo. Wala akong magagawa. Ganyan lang ang archery level ko.” sabi ko habang pasipol-sipol pa. “Rivaille! Hindi kami papayag na ang isang archer na tulad niya na hindi man lang kayang papasukin ang arrow sa loob ng malaking bilog na iyon ay matatanggap sa grupong ito!” narinig ko ang masayang nanglalait na boses ni Fres. Wala naman sumalungat sa kaniya. Tehee~~ Bwahahaha! Hahaha! Think what you want to think. All of you are easily fooled! Syempre hindi ako ganun kadali na mapapasunod sa mga gusto nila. Kung para asarin sila, kahit pahiyain ko pa ang sarili ko, gagawin ko! Sadyang pinapadaplis ko yung tama upang isipin nila na wala akong alam! You are really so intelligent Cirin. Hahahaha! Hinanap ng mga mata ko si Rivaille. Gusto ko kasing makita ang dismayado niyang mukha. Siguro ngayon, natanggal ko na ang maskara niya? Pero halos manlamig ang buo kong katawan ng matagpuan ko siya. Sobrang gulat ko ng tama nga ang hinala kong hindi na nga siya nakangiti for the first time. Pero, mali akong imaginine ang nadidismaya niyang mukha, sapagkat sa halip na pagkadismaya, ang nakita kong expression sa mukha ng delikadong lalaking ito ay ang mukhang nagsasabing…. Interesting. Ang tigas din ng ulo mo, ano? Saglit lang na nawala ang ngiti niya pero sigurado akong iyon ang nais niyang iparating sa akin. Isang seryosong mukha na puno ng mapang-hamon na mensahe ang nakita ko kanina kay Rivaille. Mayamaya ay nagulat na lang ako nang biglang bumukas yung pinto na may kalayuan sa kinatatayuan ko, at bumungad dito ang isang lalaking may dala-dalang bata! Nagpupumiglas ito na makababa, at walang anu-ano ay bigla na lang itong inihagis nung lalake diretso sa semento! “Leader, narito na naman po yung bata! Sinira niya ang bagong kalalagay lang na pinto sa may gate! Anong gagawin dito? Matagal na itong nambubulabog!” reklamo nung lalaki kay Rivaille, “Le-Lenon?!” narinig ko si Zerija na isinigaw ito. Teka, wait lang, huwag mong sabihin na si surot yan?! Bakit siya narito? “A-ah, m-mga Ate. N-natangg-gap na p-pala kayo. He-he..” ang utal-utal na bati nito sa amin. Marami siyang galos, at halatang binugbog ng sobra-sobra! Dahil lang nakasira ng pinto, binugbog kaagad? Aba, at saka anong klaseng bantay ito, pumapatol sa bata?! Teka, I’m feeling something strange, what the— Huwag mong sabihin na nakakadama ako ng awa at lungkot para dito kay surot? Nakita kong lumapit sa Rivaille dito, at hinawakan ang galusang mukha ni surot. “Bata, ang kulit mo. Maraming beses na itong nangyari. Maraming beses ko na rin sinabi na hindi ka pwedeng sumali sa grupo namin.” ang mahinahon na sabi nito habang nakangiti, Nagulat ako ng makita ang desididong mukha ni surot na kahit anong gawin mo ay halatang hindi susuko. Baliw na bata. Talagang gustong makasali sa kultong ito. Uwa! Sana pwedeng magpalit ang sitwasyon namin. Well, maliban doon sa mga sugat at pasa. Kung pwede lang na siya na lang itong pumalit sa amin ni Zerija eh! “Leader, anong gagawin natin? Ang tigas ng ulo eh.” ang naiinis na tanong nung lalaking nagdala sa kaniya dito. Saglit na nag isip si Rivaille. Pero nagulat ako nang napatingin siya sa akin. Sa pagkakataong ito ay muli ko na naman nakita ang expression na katulad nung sa kanina. Bigla tuloy akong nagkaroon ng masamang kutob. Hanggang sa halos sumabog ang tenga ko nang aking marinig ang isinagot nito, “Kill him.” sabi niya habang nakangiti. “Masusunod!” mabilis naman na kumilos yung lalaki at kaagad na kumuha ng kutsilyo. Binuhat nito papataas si surot habang bakas sa mukha ng kawawang bata ang matinding takot! “T-teka! Kawawa naman yung bata! Hindi ba pwedeng palampasin niyo na lang?” ang mabilis na tanong ni Zerija kay Rivaille na sa kasalukuyan ay nasa harapan ko at nakatingin sa akin habang nakangiti. “Maraming beses na namin ginawa iyon, pero paulit-ulit niya lang ginagawa iyan. Marami ng kasamahan ko ang nagrereklamo kaya kamatayan na sa tingin ko ang pinakamabuting solusyon, di ba Cirinthixa?” sabi pa nito. Kaagad naman nagpanic si Zerija. Mahilig sa bata ang babaeng iyan kaya hindi niya maatim na may papatayin na bata sa harapan niya mismo. Kahit naman ayaw ko ng bata, medyo napalapit na sa akin yang makulit na si surot kaya pareho lang kami ng nararamdaman. Pagkasabi nito ay kaagad na naglakad papalayo si Rivaille. Ang tangi ko na lang nakikita ngayon ay ang umiiyak na si surot habang nakatutok sa leeg nito ang kutsilyo na hawak nung lalaking may buhat sa kaniya. Ang mga tao dito, talagang alipin ng leader nila! “Don’t kill me! I don’t want to die! Wala naman akong ginagawang masama! Gusto ko lang sumali sa grupo niyo! Uwaaaaa…” reklamo ni surot habang umiiyak. Pero mukhang walang narinig yung lalaking sasaksak sa kanya, at halos mamutla si surot ng nakita nitong papunta na diretso sa kanyang leeg yung kutsilyo. Naramdaman ko ang pasugod na si Zerija, nag aapoy siya sa galit. Tsk! Rivaille, I will remember your name forever… Pero hindi pa nakakarating si Zerija sa kinaroroonan ni surot ay kaagad na siyang napahinto sapagkat… Isang arrow na kasing bilis ng kidlat ang kaagad na tumama doon sa kutsilyo na hawak nung lalaki bago pa nito tuluyang masaksak si surot, Tumagos ang pana doon sa bakal na blade nung kutsilyo mismo, at nagdiretso ito papunta sa pader. Napatingin pabalik si Zerija sa akin habang umiiyak, “Cirin…” binigkas niya ang pangalan ko. Ngumiti lang ako ng konti. Kanina pa ako nagmamatigas na itago ang tunay na kakayahan ko, pero dahil sa Rivaille na iyan, wala akong magawa kung hindi ang ipakita ito sa harapan ng mga miyembro ng Dark Hand Order. Binigyan ko ng napakasamang tingin yung lalaking may hawak kay surot sabay sabi ng… “Hoy, ibaba mo yan, kung hindi…ikaw ang papatayin ko.” Sa sobrang takot nito ay kaagad na binitawan si surot. Nilapitan naman ni Zerija ang kawawang bata upang ito ay patigilin sa pag iyak. Samantalang ako naman ay pumunta doon sa pader na kung saan nakatusok ang mga arrow na ginamit ko kanina. Sa pagdaan ko ay ramdam ko ang hindi makapaniwalang tingin ng mga tao. Nang makuha ko na sila, ibinalik ko ito sa aking lalagyan, sabay kuha ng isang arrow at inilagay ito sa bow. “Hoy Rivaille!” sigaw ko sa taong medyo malayo ang kinatatayuan sa akin. Nakasandal siya sa pader at pinapanuod ang ginagawa ko, “Ano iyon, Cirin?” tanong nito, ngunit hindi salita ang isinagot ko, kung hindi isang patama ng palaso malapit sa gilid ng leeg niya. Humanga ako nang hindi niya man lang ito inilagan, at mukhang alam niya na hindi naman talaga ito tatama sa kaniya. Hindi man lang ako nakakita ng bakas ng pagkagulat o kisap mata man lang. Halos sugurin ako ng lahat ng alagad ni Rivaille dahil sa ginawa ko pero sa isang kumpas lang ng kamay ng leader nila, ay kaagad na silang nagsitigil. “Magiging opisyal na miyembro kami ng grupo niyo sa isang kondisyon,” sabi ko sa kaniya, “Ano naman?” tanong niya sa akin na halatang gagawin niya ang kahit anong kondisyon na ibibigay ko basta mapasali lang ako sa grupo nila. Hindi ko maintindihan. Ano bang gusto ng lalaking ito sa akin? “Rivaille~~!” magsasalita sana si Fres upang sumalungat pero… “Shut up, Fres.” sabi ni Rivaille na ikinagulat ng buong grupo dahil sinabi niya ito ng seryoso, without his smiling face. Para palalain pa ang depress na mukha ni Fres, ay kaagad akong nagsalita, “Magiging opisyal na miyembro kami ng grupo niyo sa isang kondisyon, dapat hayaan mo ng sumali ang surot na yon!” sigaw ko sabay turo sa surot na nasa pangangalaga ni Zerija. Pansin ko ang pagkagulat sa mukha ni surot nang sinabi ko ito. Unti-unting lumapit papunta sa akin si Rivaille. Tumigil lang siya nang halos magdikit na ang mga mukha namin. Medyo naninibago nga lang ako dahil, hindi nakangiting Rivaille ang nakaharap sa akin ngayon, “Heh? Then you are willing to become mine kapag pinasali ko ang batang iyon? You can’t take back your words Cirinthixa.” ang paglilinaw niya sa akin. Willing to become his? Huwaattt? Well, whatever, metaphor lang siguro iyon na ang ibig sabihin ay maging official member ng grupo nila. “I have one word.” sagot ko sa kaniya, at nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang buhok ko at….hinalikan ito, “Yun lang pala, then sige, simula ngayon, ang batang iyan ay myembro na ng Dark Hand Order.” sabi ni Rivaille habang nasa buhok ko pa rin ang mga labi niya. What the---?! Did I just misunderstood something really important?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD